Chapter 13. "Decisions and choices"

1.3K 78 4
                                    

Chapter 13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 13. "Decisions and choices"

Roux's POV

March 31, 2019

Ngayon ang last day ng pasok namin sa school and after that ay summer vacation na. Bumalik na rin si Ms. Velarde from her leave. Noong nakita niya ako kanina ay kinausap niya ako at tinanong kung aksidente lang bang nasa tapat ako ng apartment niya noong gabing iligtas namin siya ni Gavril. Mukhang labis na nagtataka si Ms. Velarde kaya sinabi ko sa kanya ang lahat, tungkol sa nakita kong mangyayari sana noong gabing iyon.

"Tomorrow will be our recognition day, then on Thursday is the moving up ceremony for Grade 10 and on Friday will be the graduation. You can still free to attend the said program and ceremonies." Ms. Velarde announced to the class.

"To all honor students you need to—" Ms. Velarder stopped when we heard a knock on the door. Nang bumukas ang pinto, agad akong napaiwas ng tingin sa pumasok sa classroom.

"Excuse me, Ma'am we just have an announcement." paalam ni Gavril kay Ms. Velarde.

Ms. Velarde allowed them to do their announcement to the class. Pumasok din ang ilang kasama niya sa student council kasama na si Alexis. Tiningnan ko si Gavril na nakatayo na harap ng buong klase namin. Medyo hindi na namamaga ang pisngi at mata niya. Wala na rin gaanong pasa at pagaling na ang sugat sa labi niya at sa gilid ng kilay niya.

"Good morning, we are the student council and we want to inform everyone that the school will be having a youth camp for this vacation headed by the guidance office and the student council. This is mandatory to all Grade 11. This program will help you to decide what you gonna take course in college. The youth camp will be on April 17 overnight." Gavril announced to the class. Tumingin pa siya sa akin pero agad din niyang iniwas ang tingin niya sa akin at seryoso lang na tumingin sa amin.

"Do you have any questions?" he asked. Napatingin naman ako sa mga kaklase kong babae na patagong kinikilig dahil kay Gavril. And of course, Georgina is smiling from ear to ear because of Gavril.

Wala namang nagtanong na sa mga classmates ko kaya lumabas na si Gavril at ang iba pang student council. Sinundan ko siya ng tingin habang palabas ng classroom namin at seryoso lang ang mukha niya nang tuluyan na siyang makalabas ng pinto.

Napayuko ako at napabuntong-hininga. Matapos ang araw na sinabi ko sa kanya na layuan niya ako, lumayo naman siya sa akin. Hindi ko na noon pinakinggan ang sasabihin niya at tumakbo lang ako palabas ng infirmary. I don't know why do feel like I am missing him. Pero kung ito ang makakabuti sa kanya at sa akin, it will be better to be this way.

"Okay class, going back to my announcement, the releasing of your report card will be on April 4." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang announcement ni Ms. Velarde at naalala ang nakita ko tungkol kay Amanda. Agad akong kumuha ng isang note at nagsulat.

Amanda Santos

April 4, 2019

6:35PM

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon