Chapter 10. "Out of my comfort zone"
Recess nang puntahan ako ni Gavril sa classroom namin at niyaya niya ako na kumain sa may school garden para doon namin pag-usapan ang naisip niyang plano para kay Patricia. Hawak-hawak niya ang isang tinapay at isa na namang bottle ng softdrinks habang may tinitingnan sa notebook na hawak niya.
"I did some research earlier in the library about cardiac arrest and what are the possible things that might trigger it." Saad niya at tiningnan ako. "Roux, explain mo nga sa akin 'yong exact na mangyayari based sa vision mo about Patricia?" tanong niya.
Kinuha ko ang notebook ko na may mga notes at kinuha ang note ni Patricia. Taimtim kong pinagmasdan ang note ni Patricia at binasa sa isip ko ang mga nakasulat dito.
"Patricia is sitting in a wheelchair on the day of her graduation. Kasama niya ang Mama niya at Papa niya at ang ibang family niya, kasama rin si Gwen." Kwento ko kay Gavril.
"Does Patricia look surprised or nervous in your vision? Ano ang facial expression ni Patricia?" tanong muli ni Gavril. Muli kong inisip ang vision ko about Patricia.
"She's smiling. But you can see and feel that she's faking it." Sagot ko. Bigla namang nilapit sa akin ni Gavril ang notebook niya.
"At 'yon ang magiging dahilan kung bakit siya ma-ca-cardiac arrest. Sabi ng Mama ni Patricia there is a possibility that the cancer cells have reached Patricia's respiratory organs. And that causes her shortness of breathing and lead to cardiac arrest. That time of her graduation, Patricia feels mixed emotions that raise her adrenaline. She is anxious, nervous, surprise, and overwhelmed because of the crowd." Paliwanag ni Gavril sa akin. I am amazed at how he explain and specify each scene of my vision.
"So, what is your plan now? What if Patricia still wants to attend the graduation?" tanong ko sa kanya. He smiled and turned the page of his notebook and shows it to me. Nabigla ako at napangiti sa nakita kong nakasulat sa notebook niya.
"We will make and give her a private graduation ceremony na walang tao at konti lang at gagawin natin ito a day before the said date that she will die." Saad niya.
Sumunod na araw ay Sabado. Nag-usap kami ni Gavril na bibisitahin namin si Patricia at kakausapin ang Mama niya about sa plano namin. Nasa labas na ako ng bahay at hinihintay siya. Panay ang silip ko sa labas para tingnan kung nandiyan na ba siya pero naka-ilang silip na ako ay wala pa rin siya. Tiningnan ko ang oras sa relo at pasado alas-nueve na ng umaga. Ang usapan namin ay susunduin niya ako ng alas-nueve. Hindi ko naman siya matawagan o ma-text dahil wala akong number niya. Hindi pa rin niya ako tini-text o tinatawagan simula noong kinuha niya ang number ko. Ilang minuto pa akong naghintay sa labas pero hindi pa rin siya dumadating.
Napabuntong-hininga ako at nag-upo sa isang baitang ng hagdan at nagpalumbaba. Kailangan namin pumunta sa hospital at kailangan naming makausap ang parents ni Patricia. Pero wala pa si Gavril, at ayaw kong ako lang ang pumunta sa hospital.
BINABASA MO ANG
Dysfunctional
Mystery / ThrillerA girl who can see the death of whomever she touches or touches her. A boy who she cannot see his death even when he touches her. Meet each other's world and make it dysfunctional.