Chapter 25. "The hourglass necklace"

1.1K 72 6
                                    

Chapter 25. "The hourglass necklace"

Eight years ago, I was living in my dark world. And eight years ago, my darkness wolrd change when my parents did their best to lighten up my world. But in exchange, they risk their lives and leave me alone. I can still remember and I will never ever forget that one unfortunate night.

"Mommy..."

I was inside a car and abducted by I don't know people. They were wearing mask, holding a pistols and knives. They took me from the hospital after I survived the surgery.

"Mommy..."

I was crying, shouting and calling my parents to help me. I was so scared and trembled. I didn't know what to do but I prayed that someone could save me from these people.

After a long ride, the kidnapper brought me to a far place, an abandoned factory. It was so dark and I couldn't recognize where we are. Pinaupo nila ako sa isang silya at itinali sa likod ko ang aking kamay at binusalan ang aking bibig at tinakpan ang aking mga mata. Balot na balot ng takot ang buo kong katawan. Magulo ang isip ko at hindi ko na alam ang gagawin. Tanging pagdarasal lang na sana ay makaalis ako sa lugar na ito, na sana ay may magligtas sa akin sa mga masasamang taong ito.

Ilang oras ang lumipas at may isang lalaking nagsalita sa harapan ko. "H-How could your parents did this to me." Sabi ng lalaking nasa harap ko. Hindi ko siya kilala base sa kanyang boses pero ramdam ko ang labis na paghihinagpis at labis na pagdadalamhati ng lalaki sa harap ko.

"Remove her blindfold!" utos niya. Naramdaman ko namang may nagkalas ng takip sa aking mata mula sa likod ng aking ulo. At pagtanggal ng takip sa aking mata ay nakita ko ang isang lalaki na gulat na gulat habang nakatitig sa aking mga mata. His eyes are full of agony and sorrow. "T-Those eyes...give me back my sons eyes." Nauutal at humihikbi niyang sabi na kinabigla ko kasabay ng pagtulo ng aking luha. Halo-halo ang nararamdaman ko, takot, lungkot, at pagsisisi.

Matagal kaming nagkatitigan ng lalaking nasa harap ko hanggang sa halos mahulog ang aking mga mata sa gulat sa sunod niyang sinabi. "Kill her, and get her eyes, I will return those eyes to my child." Sabi niya at naglakad na palayo.

Pinalibutan naman ako ng mga nasa sampung lalaki. "Sorry bata, pero kailangan naming gawin ang utos sa amin.

"Papatayin ba muna natin bago kunin ang mga mata niya?" tanong ng isang lalaki.

"Kunin na lang muna natin ang mga mata, para maramdaman niya ang sakit bago siya mamatay." Sagot ng isang lalaki at nagtawanan sila ng malakas. Wala akong magawa kundi ang umiyak nang umiyak nang mga oras na iyon. And accepted what was going to happened. Pero dumating sila, my parents came to save me.

"Ahrone!" Sabay-sabay kaming napalingon ng mga kidnappers sa malakas na sumigaw.Sunod-sunod na nagsilabasan ang maraming pulis at pinaligiran ang buong lugar. The kidnappers are now outnumbered."Where the hell is Ahrone!" muling sigaw ng lalaki at napatingin sa. "Pakawalan niyo ang anak ko!"

Pinalibutan ako ng mga kidnappers at tinutok ang mga baril nila sa mga pulis at may nagtutok din ng baril sa aking sintido.

"Doctor Brian, magtago ho kayo, kami na ang haharap sa mga kidnappers." Sabi ng isang mataas na rango na pulis sa aking Daddy.

"Wala akong pakialam kahit mamatay ako, ang mahalaga, mailigtas ang aking anak!" sagot ng Daddy ko. Sabay naman silang napatingin sa mga kidnappers nang malakas itong tumawa.

"Sige, subukan niyo at sasabog ang utak ng batang ito!" sigaw ng kidnapper na may hawak na baril at nakatutok sa aking sintido.

"Anak!" umiiyak na sigaw ni Mommy na nasa likod ni Daddy kasabay no'n ay isang kidnappers ang natumba at duguan. May sumunod pang ibang kidnappers ang nagsitumbahan.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon