Chapter 4. "We can change the future"

2.1K 145 8
                                    

Chapter 4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 4. "We can change the future"

"I got a vision that she will die tonight."

Bakas sa mukha ni Gavril ang labis na pagkabigla at pagkalito dahil sa mga nalaman niya. Pareho kaming natahimik at magkatitigan, hinihintay ang susunod na sasabihin at gagawin ng bawat isa.

I calmed myself and stand to pick up my notes on the floor.

"We need to do something." Napatingin ako kay Gavril dahil sa sinabi niya. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig din sa akin. "We need to help her." He suggested.

Hindi ko nagawang magsalita at parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang aking mukha. Nanginginig ang labi ko maging ang mga kamay at tuhod ko. In an hour, may isa na namang mamamatay at wala akong magawa para tulungan o mapigilan ito.

I took a deep breath and closed my eyes. "I can't."

"What?" Gavril exclaimed in disappointment. "Bakit? We know that someone's life is in danger and yet wala kang gagawin? Roux, you need to tell me what's gonna happen so we can help Ms. Velarde!"

"Hindi ko kaya!" sigaw ko sa kanya. "Hindi ko pa nagawang pigilan. Dahil isa lang naman ang mangyayari. Kapag oras mo na, oras mo na."

Natahimik siya sa sinabi ko. I can feel the tension between us. His eyes are full of disappointment staring at me. Kitang-kita ko pa ang pag-galaw ng panga niya habang dismiyadong nakatingin sa akin at umiiling-iling.

I''m sorry...I am still the coward Roux...I am still the weakling one.

"I don't know if I can believe what you're saying, but Roux all about life and death is not a joke." Mariin niyang sabi saka naglakad na palabas ng pinto ng bahay namin.

"Where are you going?" I asked. He stopped but he is not facing me.

"Kay Ms. Velarde." sabi niya ng hindi nakaharap sa akin at saka dali-daling lumabas ng bahay ko.

Naiwan akong mag-isa at hindi makapaniwala sa mga nangyari. Nasabi ko. Nasabi ko sa ibang tao ang tungkol sa nakikita ko. Paano kung ipagkalat ni Gavril ito sa school? Paano kung mas lalo akong husgahan ng mga tao sa paligid ko.

Napatingin naman ako sa mga notes na hawak ko. All in all, I have ten notes. At lahat ng ito ay nakabangga ko o hinawakan ako. At lahat sila ay nakita ko ang magiging pagkamatay nila.

"We know that someone's life is in danger and yet wala kang gagawin?"

Naalala ko ang sinabi ni Gavril kanina. Actually, I tried to change it once. Minsan ko nang sinubukang pigilan ito noon, pero mas naging malala ang nangyari. And I will never forget that day.

Matapos mamatay noon ng mga magulang ko ay kinupkop ako noon ni Auntie Remi. Kapatid siya ni Mama at sa kanya ako noon pinaka-palagay kaya sa kanya ako noon sumama. Noong tumira ako kila Auntie Remi ay mailap na ako sa mga tao. Maging kay Auntie Remi at sa kanyang pamilya.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon