A girl who can see the death of whomever she touches or touches her.
A boy who she cannot see his death even when he touches her.
Meet each other's world and make it dysfunctional.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chapter 3. "I'm nobody, who are you?"
Tahimik lamang kaming dalawa habang naglalakad papunta sa sakayan ng tricycle. May mga tao pa kanina na nagsabi na pumunta kami sa hospital pero ayos lang naman talaga ako. Pero si Gavril, may sugat siya sa may siko dahil sa pagkakahiga niya kanina sa semento. I felt so guilty about it because of me he is injured now. Isa pa sa iniisip ko ay ang pangalan niya, I don't know and I can't remember but I think that I heard his surname a long time ago but I can't recall exactly when and where.
Napatingin naman ako sa isang sikat na pharmacy store. Huminto ako.
"Oh bakit?" tanong niya. Tiningnan ko siya at nagtataka niya lang din akong tiningnan.
"Sandali, gagamutin ko ang sugat mo." Sabi ko at dali-daling naglakad papasok ng pharmacy. Sumunod naman sa akin si Gavril.
"Hindi na kailangan, ayos lang ako. Malayo 'to sa bituka." Natatawa niyang sabi. Hindi ko siya pinansin at kumuha lang ng mga gagamitin ko pang gamot sa sugat niya. "Hays, sinabi na ngang hindi na kailangan e."
Dumiretso ako sa cashier at binayaran ang mga kinuha ko. Pagtapos noon ay lumabas na kami ng pharmacy. Napalinga-linga naman ako at naghahanap ng lugar kung saan kami pwede pumiwesto para gamutin ang sugat niya.
"Sa bahay mo na lang tayo. Di ba sabi mo malapit lang naman?" aniya. Napatingin ako sa kanya.
"Baka mapalayo ka pa sa inyo. At saka ayokong mayroong pumupunta sa bahay." Sabi ko.
"Bakit? Kasi sabi nila haunted house?" napatingin ako sa kanya sa sinabi niya, isang seryoso at dismiyadong tingin. Tulad din ba si Gavril ng lahat ng mga humuhusga sa akin?
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at naglakad na papunta sa sakayan ng tricycle.
"Hoy sandali, san ka pupunta?" tanong niya. Mabilis at inis ko siyang nilingon.
"Sa bahay."
Sumakay na kami ng tricycle pauwi ng bahay. Ako lang mag-isa ang nasa loob ng tricycle habang si Gavril naman ay naupo sa likod ng driver sa may motor. Habang nasa biyahe ay napapa-isip pa rin ako sa mga nangyari kanina. Pinagmasdan ko ang braso kong hinawakan ni Gavril kanina. At nang hawakan niya ako kanina ay wala akong nakitang kahit ano tungkol sa kanya. I also remember how I wipe the dust from his cheek and even in that way, I still did not see anything about his death. Napapa-isip ako.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa aking sarili.
Maya-maya pa ay nakarating na kami ni Gavril sa village namin at binaba kami ng tricycle sa tapat ng bahay namin. Magbabayad pa lang sana ako sa driver nang bigla na lang siyang umalis. Nagtataka naman akong tumingin sa lalaking kasama ko and he is just smiling at me.
"Nagbayad na ako. And guess what, I also live in this village." Natatawa niyang sabi na kinabigla ko. Tiningnan niya lang ang buong bahay ko mula sa labas. Habang ako naman at seryoso ko lang siyang tiningnan. I don't know why but I sense something off about him.