Chapter 38. "Purpose in life"

897 66 5
                                    

Chapter 38

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 38. "Purpose in life"

"Are you okay?" rinig kong tanong ni Gavril. Tulala lang ako sa labas ng sasakyan. Papunta na kami sa Tierra de Maria, dito daw muna kami pumunta para magdasal.

Tumango lang ako bilang sagot sa tanong ni Gavril taliwas sa totoo kong nararamdaman.

"I know you're not fine." Aniya na kinabigla ko. Tiningnan ko siya at nakangiti siya habang tutok ang mata sa daan habang nagmamaneho. "Iniisip ko rin naman 'yon." Dagdag pa niya.

Napabuntong-hininga ako at napanguso.

"Bakit ba ang hirap maniwala ng isang tao?" malungkot kong sabi.

I was referring to what happened in the hotel lobby earlier. Nang marinig namin ni Gavril ang pangalan ng babaeng magchecheck-in ay agad namin siyang nilapitan at kinausap. Gavril approached them very well. Tinitigan ko ring mabuti ang mukha ng babae at inalala ang nasa vision ko tungkol sa fourth note. Sobrang kaba ang naramdaman ko habang tinitingnan ang mukha niya, and I am clearly sure, she is the girl in the fourth note—the girl who will be shot to death.

Gavril invited them to talk but that girl declined Gavril's invitation and she said that she's tired and she wants to rest. Gavril insisted to talk even for a minute but that girl called the security like where are some kind of stalker or weirdo. We were embarrassed. Naawa ako kay Gavril. Tumigil lang siya sa pakikipag-usap nang hawakan ko ang damit niya at sinabing hayaan na lang namin.

"Sa totoo lang, we can't blame her. We are strangers for them." Natatawang sabi ni Gavril. "I know that you are also scared of what you have seen in your vision happen."

Umayos ako ng upo at tiningnan si Gavril. "How can we save her? How can we persuade her to believe us?"

Natahimik si Gavril at biglang tinabi ang sasakyan at huminto. Nagtaka ako sa ginawa niya. Paghinto ay tiningnan niya ako, isang seryosong tingin. Tulala lang ako sa kanya at naguguluhan sa nangyayari. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.

"You're shaking." Aniya at napangisi. Napayuko naman ako at nahiya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Hindi ba we are in a vacation? 'Wag muna natin isipin ang tungkol sa fourth note, we still have plenty of time to think of a plan. And besides," Nagulat ako nang haplosin niya ang pisngi ko at hawiin ang buhok ko at ikalso sa aking tainga. Nakatitig lang ako sa kanyang nakangiting mukha. "Look behind you."

Sinunod ko ang sinabi niya at pagtalikod ko ay namangha ako sa aking nakita. Kitang-kita ko ang Taal volcano. Maganda rin ang kulay ng langit.

"Ang ganda" sambit ko at tumingin ulit kay Gavril, pero paglingon ko sa kanya ay saktong naka-lean forward siya sa akin kaya sobrang lapit ng aming mga mukha. Nakita kong nabigla rin siya sa nangyari kaya mabilis siyang umayos ng upo at ganon din ako. Natahimik kaming dalawa.

"T-Tara na." nauutal niyang sabi.

"S-ige." Ganon din ako.

Pagdating namin sa Tierra de Maria ay maraming mga tao rin ang namamasyal sa lugar. Bumaba na ako ng sasakyan habang si Gavril naman ay nasa loob pa. Tiningnan ko ang dami ng tao. Bigla akong kinabahan, ang dami kasing tao, hindi malayo na may makabangga ako o humawak sa akin.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon