Chapter 11. "Behind the black wrist band"

1.5K 88 2
                                    

Chapter 11

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 11. "Behind the black wrist band"

Roux's POV

Tulala ako habang nasa tabi ko naman si Gavril. Narito kami ngayon sa isang bench. Hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil sa nangyari. May nakita na naman ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko na dapat hindi na ako pumunta rito.

"Sorry." rinig kong sabi ni Gavril sa tabi ko. Tiningnan ko siya at kita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha. "Dapat hindi nga kita sinama rito." dagdag pa niya.

Kinalma ko ang aking sarili at ngumiti. Birthday niya kaya dapat ay hindi siya malungkot ngayon. Huminga ako ng malalim at pinilit na ngumiti saka umiling.

"Hayaan na natin. Hindi mo naman kasalanan." sabi ko sa kanya. Natahimik naman siya at napasalubong ng kilay.

"Ano ang nakita mo, Roux?" tanong niya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at mariin na pumikit saka inalala ang nakita ko kanina nang tapikin ko ang kamay ng waitress kanina sa restaurant.

Madilim ang lugar at tanging ilaw lang galing sa screen ng cellphone ang liwanag.

Umiiyak si Amanda habang nakatingin sa screen ng cellphone.

May lubid.

May upuan.

And I saw Amanda hang herself.

"What? No! Bakit naman gagawin ni Amanda 'yon?" nagtataka at nag-aalalang tanong ni Gavril. Umiling ako sa kanya bilang sagot.

"Hindi ko alam." malungkot kong sabi. "Do you know that approximately one million people die from suicide every year? And for every suicide, many more people attempt suicide every year. It is the third leading cause of death between 15 to 19 years old. And hanging is one of common way of suicide." I explained and looked at him.

Nabigla naman ako at nanlaki ang mga mata nang makita kong umiiyak si Gavril sa tabi ko. Nataranta ako at naguluhan kung bakit siya umiiyak. He covered his face with his two hands while crying.

"Gavril," tawag ko sa kanya at hinaplos ang likod niya. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao sa paligid dahil lakas ng hagulgol ni Gavril.

"Gavril," muling tawag ko sa kanya at saka hinawakan ang kamay niyang nakaharang sa kanyang mukha. I don't know the reason why is he crying now, but I think something trigger him to react this way because of what I said.

I slowly removed his two hands covering his face touch his cheeks. Basang-basa ng luha ang kanyang pisngi at sige pa rin ang iyak niya. Hindi ko alam ang gagawin ko habang nakikita siyang umiiyak. Aside from his brave and funny side, I am now seeing his sorrowful and softhearted side. Pero isa lang ang alam ko, when someone's is crying, let them cry, let them release the pain through their tears.

Nanatili kami ni Gavril sa bench na iyon hanggang sa tumahan at kumalma siya. Naglalakad naman na kami ngayon sa sea side. Magkatabi kami pero kanina pa kami hindi nagkikubuan. Tinitingnan ko lang ang seryoso at parang may malalim na iniisip niyang mukha.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon