Chapter 39. "Out of the blue"
It was supposed to be a romantic scenario. It was the right time for a perfect moment. But it was ruined because of this curse of mine. I have seen it again, and it was clear and certain. A vision of death of the one I treasured right now.
Ayaw ko, ayaw kong mahawakan siyang muli. Ayaw kong makita pa. Ayaw ko. Natatakot ako.
Pagbaba namin ng ferris wheel, I shout at him to stay from me. Tumakbo ako paalis at iniwan si Gavril. Narinig ko pa ang nag-aalalang sigaw niya sa pangalan ko at hinabol niya ako pero agad akong nagtago sa gilid ng isang booth. Walang tigil ang pag-agos ng aking luha mula sa aking mata habang patuloy kong nakikita at naaalala ang mga nakita ko tungkol sa kanya pagkamatay. Hingal na hingal ako habang humahagulgol sa pag-iyak.
Hindi maaari. Si Gavril...
"Roux!" napalingon ako nang marinig ko ang sigaw ni Gavril sa pangalan ko. Naitakip ko ang aking palad sa bibig ko habang patuloy pa rin na umiiyak. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at doon ay muli kong naalala kung paano mamamatay si Gavril.
Umuulan. Malakas ang buhos ng ulan.
Gavril is there and looks like he is looking for something.
Hingal na hingal siya.
Kita ko ang takot at lungkot sa kanyang mukha.
Nang bigla siyang huminto sa gilid ng kalsada at may tinawag.
At ang tinawag niya ay ako.
Nandoon ako sa kabilang kalsada.
Nakatingin sa kanya at umiiyak.
Marahan akong umiling at tumalikod sa kanya.
Pagtalikod ko, isang malakas na kalabog ang narinig ko.
At pagtingin ko sa kanya...
He is lying on the ground, soaking wet and bathing on his own blood.
But what makes me scared the most is his eyes...
Nakatingin siya sa akin habang sumusuka ng dugo.
Malakas akong sumigaw at tumakbo papunta sa kanya.
Malinaw. Malinaw kong nakita ang lahat. Nang dahil sa akin? Dahil sa akin mamamatay si Gavril. Napaupo ako at patuloy pa rin na humahagulgol. What will I do to stop my vision to happen. How can I save him? I don't want him to die. Ayaw ko. Pero kaya ko ba? Paano? Ano ang gagawin ko?
Bagsak ang aking mukha at tulala habang naglalakad. Masakit ang mga mata ko dahil sa tagal kong umiyak. Magdadalawang oras din akong nagtago doon. Ginaw na ginaw na ako. Naglalakad na ako palabas ng Sky Ranch pero paglabas ko ay natigilan ako nang tawagin niya ako.
BINABASA MO ANG
Dysfunctional
Mystery / ThrillerA girl who can see the death of whomever she touches or touches her. A boy who she cannot see his death even when he touches her. Meet each other's world and make it dysfunctional.