Chapter 15. "Fire tension"
Roux's POV
Maayos na natapos ang party nila Gavril. Passed 7 PM na natapos ang kasiyahan nila. Tahimik lang akong nasa gilid habang nakikitawa sa kasiyahan ng student council. Palabas na kami ng school nangyayain ako ni Gavril na dumaan muna sa convenience store.
Pagpasok namin ng convenience store ay agad na dumiretso si Gavril sa fridge at kumuha ng dalawang ice tea na nasa bottle. Dumiretso siya sa cashier at binayaran ito. Naupo naman kami para inumin muna ang ice tea. Habang umiinom kami ng ice tea ay napalingon ako sa TV sa may convenience store nang marinig ang balita. Tungkol sa sunog ang nasa balita.
"Grabe, pang ilang sunog na yang narinig ko sa balita simula noong March." sabi ni Gavril na nasa tabi ko.
Napasalubong naman ako ng kilay at napaisip. Alam ko may sasabihin ako tungkol kay Gavril about sa sunog. Nabigla ako nang maalala ko ang sasabihin ko kay Gavril at tiningna siya. Nagtaka naman siya nang makita akong nagulat.
"Bakit?" nag-aalala at nagtataka niyang tanong.
"'Yong second note." sabi ko sa kanya.
"Ano 'yong second note?" he asked. Kinuha ko naman ang wallet ko kung saan ko sinuksok ang note at kinuha ito. Binuklat ko ang note, ito ang note na ito ang sunod na mangyayaring pagkamatay.
Binasa ko ang sinulat ko rito. Nang mabasa ko ang nakasulat, napabuntong-hininga ako at natakot. Muli kong naalala ang nakita ko tungkol sa mangyayaring ito.
"Bakit, Roux?" tanong ulit ni Gavril. Alangan ko siyang tiningnan at iniharap sa kanya ang second note.
"The next death will cause by a fire accident." I answered. Nanlaki ang mga mata ni Gavril sa narinig niya. "Pero Gavril," tawag ko sa kanya. Napasalubong ang kilay niya at tahimik na hinintay ang sasabihin ko. Huminga ako ng malalim at sinabing, "Hindi lang isang tao ang mamamatay sa sunog."
Kita ko ang labis na pagkabigla ni Gavril dahil sa sinabi ko. Muli kong tiningnan ang note.
Jordan Mangawang
April 17, 2019
9:33PM
Fire accident/Explosion
The next day is Saturday, and this is our report card distribution. Nakasanayan ko na tuwing report card distribution ay ako lang ang kumukuha ng report card ko. Unlike the other students who have their parents with them. Kadalasan kasing hindi nakakabisita si Auntie Remi sa akin, kaya ako na lang ang kumukuha, mabuti na lamang at may authorization letter ako na ginawa ni Auntie Remi.
Pagpasok ko ng classroom ay may mga magulang na. Medyo siksikan sa loob dahil may mga kaklase rin ako. Hindi na ako tumuloy sa upuan ko at saka tumalikod na para lumabas ng room at maghintay na lang na makauwi ang iba o lumuwag ang loob saka ko na lang kukunin kay Ms. Velarde ang report card ko. Pero palabas pa lang ako ng room nang marinig kong tinawag ako ni Ms. Velarde.
BINABASA MO ANG
Dysfunctional
Misterio / SuspensoA girl who can see the death of whomever she touches or touches her. A boy who she cannot see his death even when he touches her. Meet each other's world and make it dysfunctional.