Chapter 5. "Bounded by fate"

2.2K 143 16
                                    

Chapter 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter 5. "Bounded by fate"

Three days had passed after what happened to Ms. Velarde. Tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Gavril simula noong araw na 'yon. Actually, tatlong araw ko na rin siyang hinahanap. I am still confused about why I can't see anything about his death when he touched so many times.

About Ms. Velarde's case. Nalaman ko na asawa pala ni Ma'am ang pulis na 'yon. Newlywed ang dalawa but their marriage is already on the rocks. Masyado raw kasing seloso ang lalaki at palaging pinaghihinalaan si Ma'am. And that emotions of rage and jealousy turned him into an obsessive partner. Ilang beses niya na ring sinaktan si Ma'am based sa report ni Ma'am. Nakakulong ngayon ang lalaki at pinadaplisan lang ng pulis sa binti noong binaril nila ito para hindi na manlaban. After that, nag-leave muna si Ms. Velarde ng one week at umuwi sa parents niya para magpahinga muna.

Maagang natapos klase namin dahil pinag-practice na lang kami ng teacher namin para sa P.E. na presentation. At kapag ganito, hindi nila ako sinasali o hindi ako sumasali. Kinakausap ko na lang ang teacher namin na bigyan ako ng other task. Gumawa na rin si Auntie Remi ng paraan para sa ganito. Nagpagawa siya ng fake medical certificate ko na may heart condition ako para hindi na ako pilitin pa sa mga ganitong activity. Kaya naman habang nagpapractice ang mga kaklase ko ay narito ako sa lilim ng puno at pinapanuod sila.

Habang pinapanuod ko sila, iniisip ko pa rin ang mga nangyari nitong nakaraan. Lalo na ang mga sinabi niya.

"Ito ang tandaan mo, may mga bagay na kaya binigay sayo para magamit mo sa mabuting paraan at para makatulong sa mga tao. Kung natatakot ka sa mangyayari sa hinaharap, tandaan mo na kaya mo itong baguhin sa matalinong paraan."

"Sabi ko sa'yo, we can change the future."

Kinuha ko ang notebook ko kung saan nakadikit ang mga notes na may information ng mga taong nakabangga ko. Nakalista dito ang pangalan nila, edad, petsa, oras at kung paano.

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa sampung notes nang biglang mapalingon ako dahil sa mga nagsigawan.

"Ang galing mo Gavril!"

"Hala ang taas na!"

"Whooaa!"

Tiningnan ko kung saan nanggagaling ang sigawan ng mga lalaki at doon ay nakita ko si Gavril na nagpapalipad na naman ng saranggola dito sa field. Abot tainga ang ngiti sa kanyang labi habang maayos na pinapalipad ang saranggola. Pansin ko rin ang maraming babaeng nakatingin sa kanya. Muli kong tiningnan si Gavril. He is really happy and everyone adores him. With his looks, talagang magugustuhan siya ng kahit sinong babae.

Muli kong tiningnan ang mga notes ko. Tama ba si Gavril? Is this the right time that I need to conquer my fears? Is this the time that I need to accept and face my fate having this kind of power?

"Oh, bakit mo tinitingnan 'yang mga 'yan?" napalingon ako sa tabi nang may magsalita. Bakit nandito na siya sa tabi ko?

"May iniisip lang ako." Sagot ko. Napangiti naman siya at tumingin sa saranggolang nasa himpapawid. Habang nakatingala siya at tiningnan ko siya. Napakamaaliwalas ng mukha niya. Nakabukas na naman ang puting polo niya at kita ang puting t-shirt na panloob. Kinuha niya ang puting towel at pinunasan ang pawis niya sa noo.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon