Chapter 8. "How will you accept death?"

1.6K 115 7
                                    

Chapter 8

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 8. "How will you accept death?"

"Bakit ka palaging may suot na wrist band sa kaliwang kamay mo?"

Natahimik at napahinto si Gavril sa pagkain dahil sa tanong ko. Bakas at halata sa kanyang mukha ang pagkabigla at naging seryoso rin ang kanyag hitsura. Tiningnan ko lang siya habang hinihintay ang magiging sagot niya sa tanong ko.

He took a deep breath and faced me with a bitter smile. "Trip ko lang, ang cool kaya para kang rakista."

Nag-sign ka siya ng rock and roll at malakas na tumawa. Napangiti na lang ako sa naging sagot niya pero mayroon sa pakiramdam ko na parang may hindi siya sinasabi sa akin. Sinulyapan ko pang muli ang wrist band sa kaliwang kamay niya.

"Madalas ka ba nilang binubully?" napatingin ako sa kanya nang tanungin niya ako. Kumakain na ulit siya at nakatingin sa akin.

Ibinaba ko sa mat ang baonan ko at kinuha ang tumbler ko saka uminom muna. Tiningnan ko so Gavril at mapait na ngumiti.

"Matagal na. Pero kalaunan ay nasanay naman na ako at may mga pagkakataon naman na hindi nila ako ginagalaw. Nito na lang ulit." Sagot ko sa kanya.

Sa totoo lang, dapat ko bang sabihin sa kanya ang narinig ko kanina noong umalis na siya sa classroom namin? Na kaya ako pinagdidiskitahan ng mga classmate ko ay nang dahil sa kanya. Oo dahil kay Gavril. Ang pagiging malapit namin sa isa't-isa ang dahilan ng lahat ng ito. Narinig ko kanina noong umalis na si Gavril na ang president ng class namin ang may kagagawan ng mga kalat at basura sa upuan at desk ko. Siya si Georgina. Ang sabi nila ay patay na patay siya kay Gavril.

"Don't worry, I will try my very best to protect you from them. And besides, as a student council president, it is my duty that all of the students here in our school must have a peaceful learning." Nakangiti niyang sabi. Napangiti na lang din ako.

"Ngayon ko nga lang na ikaw pala ang president. You don't really look like a president of a huge and respected organization." Sabi ko. Napangisi naman siya at napataas ang kilay saka napasinghap pa.

"Well, I don't need to act like anybody. Basta kung ano ako, 'yon ako. And it is their decision if they will accept me for who I am. Pretending is for the coward and weak people." Aniya saka tinapos ang isang kagat sa tinapay at tinungga ang bottle ng softdrink.

He is actually right. From the outside, you won't recognize him as a president. Pero kapag nagsalita na siya with all of his words of wisdom, malalaman mo na may mataas siyang pinag-aralan at kaalaman.

"Oo nga pala, may phone ka naman di ba?" tanong niya. Napa-iling-iling ako habang natatawa.

"Mayroon naman. Bakit?" sagot ko. Malapad siyang napangiti ay may kinuha sa bulsa niya at doon nilabas niya ang isang latest model ng isang sikat na brand ng phone.

"Save your number here, para in case of emergency at kapag may nang-bully sa'yo ulit. Call me and your super Gavril will be there to save you." Aniya at umakto pang parang lumilipad. Natawa ako sa inasal niya at saka kinuha ang phone niya at nilagay ang number ko.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon