Chapter 47. "The Family Feud"

861 66 1
                                    

Chapter 47

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 47. "The Family Feud"

Buong araw kong pinag-iisipan kahapon ang lahat tungkol sa nalaman ko. What happened in the past is still clear in my mind. That tragic scene of my life, the day when my parents died in front of my own very eyes. And now that I found who is responsible for that tragedy. It was him, hindi ako maaaring magkamali. Pero sa likod ng galit na nararamdaman ko nang malaman kong Daddy ni Gavril ang taong nagpakidnapped sa akin noon, mayroon akong lungkot na nararamdaman. Bakit sa dami ng tao, magulang pa ng lalaking mahal ko ang gumawa noon?

That day, I left Gavril in confusion. Tumakbo lang ako palabas ng bahay nila without saying a word. Sobra akong nabigla at natakot nang malaman ko 'yon. Kaya naman kahapon pa rin ako tinatawagan ni Gavril and he even went here pero hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko siya kayang makita. Dahil sa tuwing makikita ko siya, naaalala kong konektado siya sa lalaking 'yon. Every time I see him, it reminds me that night when I saw that man's raging eyes looking at me and my parents' body bathing on their blood. And now I understand why Auntie Remi wanted me to stay away from Gavril—from the Santillans.

Nasa tapat ako ngayon ng bahay nila Auntie Remi. Kinakabahan ako dahil ngayon na lang ulit ako nakapunta rito simula nang umalis ako rito noong mamatay sila Tito at Rhea. Huminga ako ng malalim at saka pinindot ang doorbell. Ilang sandali lang ay isang matandang babae ang nagbukas ng gate, mukhang kasambahay nila Auntie Remi.

"Sino ho sila?" tanong ng matanda. Pilit akong ngumiti.

"Magandang araw po, ako po si Roux, pamangkin po ni Auntie Remi." Pagpapakilala ko. Tumango-tango naman ang matanda.

"Sige sandali, sabihin ko ah."

Sandaling umalis ang matanda at biglang bumukas ang gate. Pagbukas ng gate ay agad akong napalingon at pagtingin ko ay nakita ko agad si Auntie Remi na seryosong nakatingin sa akin. Naging seryoso rin ang tingin ko ay napayuko. Ito pa lang kasi ulit ang pagkakataon na nagkita kami pagtapos noong araw na nagtalo kami tungkol sa bahay.

Tumingala ako at tiningnan siya, isang seryosong tingin. "Auntie," tawag ko sa kanya at saka huminga ng malalim. Tahimik lang naman si Auntie at hinihintay ang sasabihin ko.

"Ang mga Santillan po ba ang nagpakidnap sa akin noon?" tanong ko na kinabigla ni Auntie. Kita ko ang labis na pagkabigla at gulat sa mga mata ni Auntie.

Nasa loob na ako ng bahay nila Auntie. Narito kami sa sala, sabi niya sa akin ay dapat ko nang malaman ang nangyari walong taon na ang nakakaraan. Hawak ko ang baso ng orange juice pero hindi ko ito iniinom at nakatingin kay Auntie na kanina pa tulala at tila may malalim na iniisip.

"Roux," tawag niya sa akin at saka niya ako tiningnan. "Ang mga Santillan din ang pumatay kay Rhea." Ani Auntie Remi na labis kong kinabigla. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang hawak ang baso na may juice at ang mabilis na kabog ng dibdib ko maging ang pangingilid ng luha sa aking mga mata.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon