Chapter 26. "Precious time, treasured moment"

1.1K 69 5
                                    

Chapter 26. "Precious time, treasured moment"

Dinala ako ni Gavril sa isang Italian restaurant. May nakareserved na table para sa amin. Pagpasok ko ay agad kaming naupo roon para kumain ng lunch. Nagsuot nga rin pala siya ng coat kanina habang nasa kotse kami. At kotse ng family nila ang gamit namin.

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain siya nang mapahinto siya at tumingin din sa akin kaya napaiwas ako at sinimulan na rin ang pagkain. Narinig ko pa ang pagngisi at mahinang pagtawa niya. Halata bang kanina ko pa siya pinapanuod?

Pagtapos naming mag-lunch ay muli kaming sumakay ng kotse at sabi niya ay may isa pa kaming pupuntahan. This time, dinala niya ako sa isang mall. Madami ang tao pagpasok namin sa mall kaya binalot agad ako ng takot at pagkabalisa, pero naramdaman nawala iyon nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakangiti siya sa akin, isang ngiting sa tuwing makikita ko ay kumakalma ang puso ko, at pinapalutang ako sa hangin. His smile is really contagious. His smile can bring light to a dark world. His smile can captivates the heart of anyone who can see it. His smile will make you feel that you're safe with him and he will protect you no matter what.

Tumigil kami sa paglalakad sa harap ng isang arcade room. Tinanaw ko ang loob ng arcade at walang katao-tao sa loob.

"Sa atin lang ang arcade na ito ngayon, Roux." Napatingin ako sa kanya at masiglang-masigla siya. "I-enjoy natin ito!" Ganado niyang sabi at hinila ako papasok ng arcade.

Habang papasok kami at hila niya ako habang hawak ang aking kamay ay pakiramdam ko ay parang nag-slow motion ang paligid namin habang nakatingin ako kay Gavril. Kakaiba ang aking pakiramdam, kakaibang kasiyahan na sanay hindi na matapos pa.

Lahat ng game at mga machine sa arcade room at sinubukan namin. Lahat ng laro ay nilalaro namin at nagpupustahan pa kami at nagpapagalingan. Mga barilan, basketball shooting, car racing at mga playstation games. Sa claw machines naman ay kinunan niya ako ng isang stuff toy na Togepi sa Pokemon. Ang saya marinig ng tawanan naming dalawa, ang saya sa pakiramdam na may kasama akong gawin ang mga bagay na ito. Isang taong bumago sa pananaw ko sa buhay, isang taong sana ay hindi na mawala o umalis sa tabi ko.

Naubos ang ilang oras namin sa arcade room at pawis na pawis kami. Hindi namin namalayan ang oras at hapon na pala, alas-singko na ng hapon. Niyaya na ako ni Gavril na umuwi kami pero sabi ko sa kanya, may isa pa akong gustong puntahan na hindi ko pa napupuntahan ngayong araw. Pumayag naman siya.

"Dito mo pala gusto pumunta, tama nga naman." Aniya pagbaba namin ng sasakyan. Napangiti lang ako at tumango-tango.

"Magpapasalamat lang ako sa Kanya." Saad ako at sabay kaming naglakad papasok ng simbahan.

Pagpasok namin ay simula na ang misa. Mabuti na lamang at may bakante pang upuan at doon kami na upo. Tahimik lang kaming nakikinig sa misa ni Gavril, nang mag-communion na ay lumuhod ako at nagdasal. Pagtapos kong magdasal ay naupo na ako, pagupo ko ay napangiti ako nang makita kong nakaluhod si Gavril at nagdarasal din.

Pagtapos ng misa at madilim na. Umuwi na kami sa village namin, paghinto ng sasakyan sa tapat ng gate ng bahay ko ay bigla akong pinigilan ni Gavril na bumaba ng sasakyan. Nagtaka naman ako at tiningnan siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Isuot mo muna 'to, hindi pa tapos ang surprise." Aniya at pinakita sa akin ang isang panyo. Tinakpan niya ang mga mata ko. Nang takpan niya ang mata ko ay bigla akong nakaramdam ng kaba at takot nang wala akong makita. Bigla kong naalala ang nangyari noong nakidnapped ako at takpan nila ang mga mata ko.

"Gavril," tawag ko sa kanya at kinapa-kapa siya sa paligid ko pero naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"Nandito ako, hindi kita iiwan." Rinig kong sabi niya. Kinalma ko ang sarili ko at pilit na ngumiti at huminga ng malalim.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon