Chapter 24. "Ending life, ending pain"
There are two things most of people are scared of; one regrets about what they did from the past and two, the fear of facing the trials in the future. The past that will haunt them until the present time and holding them back to move forward to the future.
Pauwi na kami and we are now inside our village leading to each others home. Kanina pa tahimik si Gavril na malamang ay iniisip pa rin ang nangyari kay Mang Jordan. I know that he is affected from what happened, kahit naman ako. We want to save him but the fate made it's way to happened what is suppose to happen.
Bigla namang tumakbo si Sham-sham dahil nabitawan ni Gavril ang tali nito. Tiningnan ko si Gavril at seryoso lang ang mukha niya habang tulala.
"Gavril!" sigaw ko sa harap niya at nagising siya. "Si Sham-sham!" Napalinga-linga siya at hinanap si Sham-sham at saka tumakbo para kunin ang aso.
Nang makuha niya si Sham-sham ay hingal na hingal siya. Nilapitan ko siya at tulad kanina ay tulala na naman siya. Naglakad na siya pero ako ay huminto lang. Napahinto rin siya at nagtataka na tumingin sa akin.
"Bakit, Roux?" he asked. I stared at him and took a deep breath.
"You're blaming yourself." saad ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at saka napangisi at mahinang tumawa.
"Medyo nakikilala mo na ako ah." Natatawang sabi niya at saka iniwas ang tingin sa akin. "Hindi naman sa sinisisi ko ang sarili ko, it's just that, I know that I can do something to save him, at alam kong kaya kong hindi sana mangyari 'yon." Muli niyang binalik ang tingin niya sa akin. "But I failed."
"Gavril, you did not. Remember, Jaxon? We have saved him. And the passengers who were supposed to ride on Mang Jordan's jeepney, naligtas natin sila, naligtas mo sila." I reminded. Nanatili siyang nakatingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang labis na pagsisisi at lungkot.
"But still, we lost one life." Aniya. Hindi ko alam pero nainis ako sa sinabi niya. Ano ba ang akala niya? Na lahat ay kaya niyang baguhin? Na lahat makokontrol niya, makokontrol namin?
"Gavril, hindi ka Diyos. Hindi mo makokontrol kung sino at kailan mamamatay ang isang tao. Wag mo namang pasanin ang lahat. Kaya nating pigilan pero kapag Siya na ang nagdesisyon, wala na tayong magagawa pa." I preached.
Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya matapos kong magsalita. Naguluhan naman ako sa naging reaksyon niya. Kita ko ang takot, inis at lungkot sa kanyang mukha na hindi ko maintindihan. Inisip ko naman ang mga sinabi ko. Did I offend him? Did I push my limit?
"S-Sorry." nauutal kong sabi. Pumikit naman siya at malalim na huminga at saka muling dumilat at umiling-iling sa akin.
"Ayos lang." maikling sagot niya at saka nagpatuloy sa paglalakad pauna sa akin habang hawak-hawak ang tali ni Sham-sham. Sinundan ko naman siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Dysfunctional
Misterio / SuspensoA girl who can see the death of whomever she touches or touches her. A boy who she cannot see his death even when he touches her. Meet each other's world and make it dysfunctional.