Chapter 43. "Mystery of the last note"

859 64 3
                                    

Chapter 43

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 43. "Mystery of the last note"

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga batang naglalaro rito sa playground. Hapon na at naisipan kong ilabas muna si Sham-sham at maglakad-lakad dito sa village at nang mapadaan ako dito sa playground ay naupo muna ako at hawak ang tali ni Sham-sham na nasa tabi ko.

Mag-iisang linggo na mula nang magbakasyon kami ni Gavril sa Tagaytay at manalo sa Kite Competition sa Cavite. Ganoon pa rin naman ang nangyayari, pumupunta si Gavril sa bahay, maglalaro sila ni Sham-sham, magku-kwentuhan kami at saka uuwi na siya. Pero sa ilang araw na palagi kong kasama si Gavril sa bahay, palagi ko pa ring naiisip ang sinabi sa akin ni Auntie Remi tungkol kay Gavril. I don't understand why do I need to stay away from Gavril just because he is a Santillan? I don't get it and what is the connection of Gavril's family to ours? Bakit kilala ni Auntie Remi ang family ni Gavril?

"Si Gavril po? Bakit naman po?"

"Just do what I have said, that is for your own good. From now on, you will never ever have to meet that boy, stay away from him."

Kita ko ang takot at pag-aalala ni Auntie Remi sa kanyang mukha. Naguguluhan ako at hindi ko maintindihan ang gusto niyang ipagawa sa akin. Bakit kailangan kong layuan si Gavril?

"Auntie, sabihin niyo po muna sa akin kung bakit? Why do I need to avoid him?" pangungulit ko pero iniwas lang ni Auntie ang tingin sa akin at kinalma ang sarili.

"You don't need to know, just do what I have said." She coldly said. Nabigla ako at nalungkot sa sinabi ni Auntie.

"No, I won't do it." Mabilis kong sagot na kinabigla niya. Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa akin.

"What are you saying, Roux?!" sigaw ni Auntie at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Natakot ako sa ginawa ni Auntie at nagsimula nang mangilid ang mga luha ko.

"Bakit ba kasi? Bakit ko kailangan gawin ang gusto niyo? All these years, I was all alone and now that there is someone beside me, you want me to stay from him? That all these years, even my relatives don't want to be with me? Now that I have him, you will now say that I need to stay away from without any reason?" sunod-sunod na sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Natahimik si Auntie at nanatiling nakatitig sa akin ang kanyang mga mata. I saw the melancholy and rage in her eyes, I saw how hurt she is and how angry she is.

"Because he is a Santillan." Mariin at nanginginig ang mga labing sagot ni Auntie na pinagtaka ko. Marahan niyang binitawan ang balikat ko at tumalikod sa akin habang ako naman ay tulala at naguguluhan sa sinabi niya. Dahil isang Santilla si Gavril? Hindi ko maintindihan. Ano ang koneksyon ni Gavril sa akin at ng pamilya niya sa pamilya ko?

"Santillan..." mahinang sambit ko sa surname ni Gavril habang iniisip ko ang nangyari noong araw na 'yon.

"Bakit, Besmonte?" mabilis akong napalingon sa likod ko nang may marinig akong tumawag sa surname ko. It's him, here he is again.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon