Chapter 18. "Negligence and death"

1.2K 76 13
                                    

Chapter 18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 18. "Negligence and death"

Roux's POV

Accident.

It is an unforeseen and unplanned event or circumstance.

It is an unfortunate event resulting especially from carelessness or ignorance.

It is an unexpected happening causing loss or injury which is not due to any fault or misconduct on the part of the person injures but for which legal relief my bae sought.

Source: Merriam Webster Disctionary

Hinatid ako ni Gavril sa bahay para na rin hinatid si Sham-sham. Nilagay ko lang sa kitchen ang mga pinamili ko at binalikan sila sa sala. Naghanda rin ako ng juice at kumuha ako ng chocolates na pinadala ni Auntie Remi para ibigay sa kanya. Safe naman kaming nakauwi kahit na takot na takot ako kanina habang nasa jeep kami. Takot akong madikitan ng kahit sino at isa pa dahil sa driver ng jeep na nakitaan ko ng vision ko.

Naupo ako sa tabi ni Gavril. Nasa lap naman niya si Sham-sham. Habang nagsasalin ako ng juice sa high ball glass ay napansin kong tulala si Gavril at may malalim na iniisip.

"Juice ka muna." sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ako at nginitian saka kinuha ang high ball glass at uminom. Tumalon naman si Sham-sham mula sa lap niya at tumakbo-takbo sa sala. Napangiti si Gavril habang pinapanuod si Sham-sham at ganoon din ako. "At home agad si Sham-sham ah." Natatawang sabi ni Gavril.

"Oo nga—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may maalala ako. "Wala pala akong dog house." sabi ko sa kanya na kinabigla niya. Natahimik naman siya na parang nag-iisip.

Nilapag niya sa center table ang high ball glass at tiningnan ako habang nakangiti. "Edi gagawa ako." masiglang sabi niya na kinagulat ko.

Tumayo naman siya na pinagtaka ko at dali-daling naglakad palabas ng pinto. Napatayo rin ako at hinabol siya.

"Saan ka pupunta?" naguguluhang tanong ko. Hinarap naman niya ako ng nakangiti.

"Kukuha ng materials para sa dog house ni Sham-sham!" masiglang sagot niya at saka na naglakad palabas ng gate. "Bantayan mo muna baby ko ah!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinigaw niya bago isara ang gate. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Though I am sure that he is referring to Sham-sham as his baby. But why do I feel so embarrass!

Pumasok na ako sa loob at muling naupo sa sala. Pag-upo ko ay binuksan ko ang TV at saktong pagbukas ko ay news ang palabas.

Gawa sa mga light materials ang mga bahay ng mga residente kaya mabilis na kumalat ang apoy. Tinataya na 30 bahay ang natupok ng apoy at 40 na pamilya ang apektado ng nangyaring sunog. Pumalo na sa 8 ang namatay at 5 pa ang hindi pa nakikita habang patuloy namang nag-iimbistiga ang mga pulisya kung ano ang naging sanhi ng makawakang sunog.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon