Chapter 12. "Even if the world crumbles down"

1.5K 80 9
                                    

Chapter 12

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 12. "Even if the world crumbles down"

Roux's POV

Few days had passed and today is the last day of the final exam. Nothings change about my everyday routine in school. Papasok ako, magiging mag-isa, tapos uuwi ulit. Ilang araw ko na ring hindi gaanong nakakasama si Gavril because he is busy for some school works and organization duties in the student council. Ang alam ko at tumutulong sila para sa preparation ng recognition, moving up and graduation ceremony.

I was walking in the hallway heading to the rooftop to eat lunch when I heard him calling me. Nilingon ko siya at nakita kong palapit siya sa akin. Hingal na hingal si Gavril nang makalapit sa akin. Napatingin ako sa hawak niya, ang dami niyang papel na dala.

"Alam mo ang bilis mo talaga maglakad. Kanina pa kita hinahanap." natatawa niyang sabi at saka malalim na huminga.

"Bakit mo naman ako hinahanap?" I asked. I saw him bit his lower lip and he looks like he is really pissed off.

"Kilala mo si Damon the demon?" may inis niyang sabi halata ang gigil sa kanyang boses. Nagtataka naman akong tumango bilang sagot sa kanya.

"'Yong malaking lalaki sa section F sa TVL. Bakit?" napasinghap siya sa inis.

"Hawakan mo nga nang mamatay na!" asik niya na kinabigla ko. Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya.

"Gavril, hindi namamatay ang hinahawakan ko, nalalaman ko lang. At isa pa, hindi ko gagawin ang gusto mo. At isa pa rin, huwag mong hihilingin ang kahit ano mang ikapapahamak ng ibang tao." I preched. Nawala naman ang inis sa mukha niya at mukhang naunawaan ang sinabi ko.

"I'm sorry. It's just that, he is giving me a hard time now." Saad niya. Napasalubong ako ng kilay.

"Bakit?" tanong ko.

"You won't believe this. He is the boyfriend of Amanda." Sagot niya na kinabigla ko, for the look of Amanda, I can't believe that she will have a relationship with that kind of guy. Totoo nga ang sabi nilang love is blind. Damon is a repeater student for so many years. I think he is twenty now but he is stuck in grade 11.

Naalala ko si Amanda at ang nangyari noong araw na nasa MOA kami noong tinanong siya ni Gavril about her boyfriend at ang nangyari sa kanila na ni-record nila sa phone. Amanda denied what Gavril said to her and just walked away and left us. But based on how she reacted, alam namin na totoo ang hinala namin.

"Siguro nagsumbong si Amanda sa kanya." Dagdag pa ni Gavril at saka napabuntong-hininga. I can see and feel the disappointment on his face. "We are just trying to help them pero ayaw naman nila."

"We cannot please everybody, Gavril." Sabi ko na lang.

Nakarating kami sa rooftop. Pagdating sa rooftop ay naglatag ulit siya ng pic nic mat at doon kami naupo at kumain. Pero napansin kong tinapay at softdrinks na naman ang lunch niya. He is scanning the papers he is holding while eating his lunch.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon