Chapter 31. "Jealousy and Confession"

1K 65 4
                                    

Chapter 31. "Jealousy and confession,"

Pagpasok ni Jimwel sa loob ay sige naman ang tahol ni Sham-sham sa kanya. Nilapitan ko si Sham-sham dahil parang galit na galit ang aso sa nakita niyang bagong tao.

"Sham..." sabi ko habang hinihipos ang balahibo ng aso. Napatingin naman ako kay Gavril nang marinig ko siyang tumawa at nagtaka. "Bakit?" tanong ko. Tumatawa niya akong tiningnan.

"Wala." Pagdadahilan lang niya habang winawagayway ang kamay sa akin saka tiningnan si Jimwel. Si Jimwel naman ay parang inis na tiningnan lang si Gavril. Hinawakan ko si Sham-sham para makadaan si Jimwel at makapasok sa loob.

Pumasok na kaming tatlo sa loob. Pero naiilang talaga ako sa kanilang dalawa, parang may tension sa bawat tinginan nila at kanina ko pa napapansin 'yon. Tiningnan ko si Jimwel, panay lang ang tingin niya sa buong bahay. Ibang-iba talaga siya sa Jimwel na nakilala ko noong bata ako. Jimwel's family and I are friends. His Dad was also a Doctor but he migrated in States. Tapos ay ilang taon lang at sumunod na doon sila Jimwel at ang Ate niya.

"Have a seat. Prepare lang kita ng snacks." Masiglang sabi ko kay Jimwel. Malapad niya akong nginitian at naupo.

"Thanks." Naglakad siya at naupo sa sofa. Napatingin naman ako kay Gavril na nakatayo lang sa may pintuan habang nakatingin kay Jimwel. Salubong ang kilay niya at parang yamot na yamot.

"Gavril," tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Ba't hindi ka pumasok?" tanong ko. Iniwas niya lang tingin niya at naglakad papunta sa sofa at naupo sa may tabi ni Jimwel. Nagkatinginan pa silang dalawa habang nanlilisik ang mga mata. Iba talaga ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa, para lion at tiger na magsasagupaan. Hindi ko na lang pinansin ang tension na nararamdaman ko sa kanila at nagtungo na sa kusina.

Naghanda lang ako ng sandwich at ng orange juice at bumalik na sa sala. Pagbalik ko dala ang tray ng sandwich at orange juice ay nagtaka ako dahil magkatitigan sila Gavril at Jimwel. Seryoso ang titig nila sa bawat isa.

Lumapit ako sa kanila at doon lang natigil ang pagtititigan nilang dalawa. Naupo ako sa kabilang sofa at masiglang ngumiti kay Jimwel.

"Meryenda ka muna." Yaya ko sa kanya. Tiningnan ko naman si Gavril at nagtaka ako dahil biglang kumunot ang noo niya at napasalubong ng kilay. Ano bang nangyayari sa kanilang dalawa?

"Gavril," tawag ko kay Gavril kaya tiningnan niya ako. Nginitian ko siya. "Meryenda." Tumango lang siya at kumuha ng sandwich pero saktong pagkuha ni Gavril ng sandwich ay siya ring kuha ni Jimwel dahilan para sabay nilang mahawakan ang isang sandwich.

Tiningnan ko lang ang reaksyon ng bawat isa, nagkatinginan sila at nagpalitan ng malilisik na tingin at parang nakapapakiramdaman kung sino ang bibitaw sa sandwich, Naguguluhan ako sa inaasal nilang dalawa gayong nasa anim naman ang sandiwich na hinanda ko.

Binitawan ni Gavril ang sandwich at kinuha ito ni Jimwel ng tuluyan at saka ngumisi. Tiningnan ko naman si Gavril at tahimik lang at seryoso ang mukha. Tumingin siya sa akin.

"Sige, Roux I have to go, I think," Gavril stood up and looked at Jimwel. "You need to talk with your friend alone." Seryoso niyang sabi. Ginantihan lang siya ng tingin ni Jimwel at saka ngumisi at umiling-iling. I am really confuse what is going on and why there is a tension between these two.

Nginitian ko si Gavril. "Sige, see you tomorrow." Sabi ko. Tumango lang siya at ngumiti saka naglakad palabas. Sinundan ko pa siya palabas ng gate pero huminto siya sa may tapat ng dog house ni Sham-sham at hinaplos-haplos ang balahibo ng aso.

"Bye, baby...bantayan mo si Mommy ah." Nabigla ako at napangiti sa sinabi niya pero nagulat ako at napaawang ang bibig sa sunod niyang sinabi sa aso. "Kagatin mo 'yong Jimwel." Natatawang sabi niya sa aso. Napa-iling-iling na lang ako.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon