Chapter 32. "Justice will prevail"

1K 67 3
                                    

Chapter 32

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 32. "Justice will prevail"

"He will be joining us today." Nahihiyang sagot ko. Nagulat si Gavril at napasalubong agad ng kilay at tiningnan ng masama si Jimwel.

"Don't worry, I won't cause you guys trouble. I just wanna hang with you, Roux." Sabat naman ni Jimwel. Masama pa rin siyang tinitingnan ni Gavril.

"Fine. But we will not use your car." Sabi ni Gavril at kinuha ang phone niya at may tinawagan. "Hurry." 'Yon lang ang narinig ko sa sinabi niya sa phone.

Ilang minuto lang ay may isang SUV ang pumarada sa harap ng bahay namin. Lumabas doon ang driver nila Gavril.

"Let's go." Ani Gavril at binuksan ang pinto ng back seat at pinauna akong pumasok. Sumunod naman siya at tumabi sa akin. Tiningnan ko siya at nakangiti siya ng malapad.

Bigla namang bumukas ang pinto sa tabi ko at doon pumasok si Jimwel at tumabi sa akin. Pagtabi niya sa akin ay dumikit ang braso niya sa braso ko dahilan para may makita ako tungkol sa magiging pagkamatay ni Jimwel. Tiningnan ko si Jimwel, he will die at the age of sixty due to heart failure. Kahit na malayo pang mangyari 'yon, nakakalungkot na alam ko ang kahihinatnan ng buhay ng isang taong malapit sa akin.

Tatlo kami ngayong nakaupo dito sa may backseat at pinaggigitnaan nila ako. Tiningnan ko si Gavril if he feels uncomfortable at ang nakangiti niyang mukha kanina ay naging seryoso. Bigla naman akong kinalabit ni Jimwel kaya napatingin ako sa kanya. Sumenyas siyang ilapit ko ang tainga ko sa bibig niya at parang may ibubulong siya. Nilapit ko naman ang tainga ko sa kanya.

"Sabi sayo, selos e." 'Yon lang ang binulong niya. Natahimik ako at tiningnan si Gavril, seryoso lang siyang nakamasid sa labas ng sasakyan.

Pagdating sa prosecutor office ay handa na si Kuya Alf pero hindi na kami pupunta sa kulungan dahil pinatawag niya na lang daw ang suspect para sa imbitigasyon. Tinanong pa ni Kuya Alf kung sino ang kasama namin at pinaliwanag ko na lang na kapatid siya ng kaibigan ni Francine pero hindi pwedeng sumama sa amin si Jimwel sa loob ng interrogation room. Sasamahan din kami ni Kuya Alf sa interrogation room habang kinakausap namin ang suspect.

Pumunta na kami sa interrogation room habang hinihintay si Aldwin Herrera. Ang sabi sa amin ni Kuya Alf ay kailangan lang namin itong bilisan dahil baka masita siya ng chief prosecutor dahil bawal ang magpapasok sa interrogation room ng mga hindi kasama sa kaso. Mabuti na lamang daw at umalis ang chief prosecutor nila ngayon. Iniwan naman namin si Jimwel sa may lobby.

Magkatabi kaming nakaupo ni Gavril kasama si Kuya Alf. Mayroon ding lamesa sa may harap namin at isa pang bakanteng upuan kaharap namin. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng interrogation room. Sabay kaming napatingin ni Gavril sa pinto at doon ay nakita namin ang pagpasok niya.

A man came in with the assistance of two policemen. The man is wearing a yellow shirt with a letter P written on it and yellow pants. Napatingin sa amin ang lalaki at bakas sa kanyang mukha ang labis na pagtataka. Siya ang boyfriend ni Francine Domingo and he was accused of murder. Even though we believe that he is innocent, hindi mawala sa aking kaba.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon