Chapter 44. "Terrifying vision"

924 69 8
                                        

Chapter 44

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 44. "Terrifying vision"

Gavril Ahren Santillan

May 28, 2019

4:58 PM

Car accident

Hindi na ako nakatulog simula nang magising ako kanina dahil sa isang nakakatakot na panaginip. Parang totoo, parang totoo ang lahat. Papasikat na ang araw at nakaupo pa rin ako dito sa aking higaan habang hawak ang pilas ng isang note kung saan ko sinulat ang mga detalye tungkol kay Gavril. Malungkot ko itong pinagmamasdan. Ang pangalan niya, ang petsa, ang oras at ang pangyayaring tatapos sa kanyang buhay.

Malalim akong huminga at kinalma ang aking sarili. Ramdam ko ang sakit ng aking mga mata dahil sa pamumugto nito. Kanina pa rin ako walang tigil sa kakaiyak. Natatakot ako. Natatakot akong mangyayari ito.

Kinuha ko ang notebook kung saan nakalagay ang mga notes at tinago ang note kung saan nakasulat ang mangyayari kay Gavril. Bumaba na ako sa higaan ko at lalabas na sana ng kwarto nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag ng ganito kaaga. Si Amanda.

"Hello?" bungad ko sa tawag.

"Roux! Good morning!" Masiglang bati ni Amanda. Mapait akong napangiti.

"Good morning, bakit nga pala?" tanong ko. Narinig ko namang parang nagulat siya sa tanong ko.

"Hindi ka i-inform ni Gav? Hindi niya sinabi sayo?" Aniya na pinagtaka ko.

"Si Gavril? Wala, bakit ano 'yon?" muling tanong ko.

"Loko talaga 'yon. Anyway, sabi ko sabay na kayong pumunta mamaya dito sa bahay, it's my birthday, and I am inviting you." Nabigla ako sa sinabi ni Amanda.

"Ah, happy birthday..." masayang bati ko. Narinig ko namang tumawa siya sa kabilang linya.

"Salamat, basta ah punta ka, sinabi ko kay Gav na sabay na kayo, so baka sunduin ka niya. See you later! Bye!" Napatango-tango ako.

"Sige. Bye." Sagot ko at saka binaba na niya ang tawag. Birthday ni Amanda? Kailangan kong bumili ng regalo.

Tinabi ko na ang phone ko at inayos ang kama ko. Pagtapos ay lalabas na sana ako ng kwarto at bababa na nang bigla ulit tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at sinagot.

"Yes, Amanda?" bungad ko sa tawag pero nagulat ako nang hindi si Amanda ang sumagot.

"Roux," Nanlaki at nanginig ang mga kamay ko nang marinig ko ang boses ni Gavril mula sa kabilang linya. Natahimik ako at parang umuron ang dila ko. "Amanda just called, and she is inviting you to her birthday celebration later, I forgot to tell you yesterday. I'll pick you up maybe at 3:00 PM." Sabi niya sa kabilang linya. Bagsak naman ang mukha ko habang hawak ang phone ko at nakatapat sa kanan kong tainga. "Roux? Hello?"

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon