Chapter 37. "A companion forever"
It's quarter to 6:00 in the morning, nakabihis na ako and I am standing here outside the main door while waiting for Gavril to arrive. Today we will have a three-day vacation for the kite competition in Cavite, at napag-usapan namin na maagang umalis para mamasyal pa kami sa Tagaytay ngayong umaga.
Gavril settled everything. He said that I don't need to worry. I don't know if I should call this a date, but yes, maybe it is a date. And besides, this is only time again that I will visit Tagaytay because the last time I've been there was when I was a kid when my parents took me there for my 8th birthday. Gusto ko ring makalanghap ng malamig at sariwang hangin.
Maya-maya pa ay napalingon ako sa gate nang may dumating ng sasakyan. He's here. Sinalubong ko siya sa gate at nagulat ako nang siya ang lumabas sa may driver's seat. Lumapit siya sa akin at masiglang nakangiting bumati.
"Good morning." Tiningnan ko ulit ang pinto ng driver's seat kung saan siya lumabas at saka siya tiningnan.
"Ikaw ang magda-drive?" may pag-aalinlangan kong tanong. Napaiwas naman siya ng tingin sa akin at napakamot sa ulo.
"Ah, hindi kasi pwede 'yong driver namin." Nahihiyang sagot niya at saka ako tiningnan. " But don't worry," asik niya at may kinuha sa bulsa niya. "I know how to drive and I have my license na." Natawa ako sa naging reaction niya.
"Fine." Sabi ko lang.
Pumasok siya at kinuha ang bag ko at nilagay sa sasakyan. Sunod naman niyang kinuha si Sham-sham at sinakay likod ng sasakyan kasama na rin ang bag ni Sham-sham na may lamang mga essentials niya. Pati na rin ang ginawa naming goryon.
"Daan muna tayo kila Amanda para iwan si Sham-sham." Sabi niya pagsara niya ng pinto ng sasakyan sa likod. Nagtaka naman ako dahil sabi niya kahapon ay kay Alexis niya iiwan si Sham-sham.
"Bakit hindi kila Alexis?" tanong ko. Binuksan niya naman ang pinto ng passenger seat para sa akin.
"Ayaw ng mokong na 'yon. Nag-anak-anak daw ako kaya ako daw ang mag-alaga ng anak ko." Inis na sabi niya. Natawa ako sa sinabi niya at reaksyon niya saka pumasok sa loob ng sasakyan. Sumunod naman siya sa akin at pumasok na sa driver's seat katabi ko.
"Okay ka na?" tanong niya sa akin. "Na-lock mo naman ng maayos ang bahay mo? May naiwan ka pa ba?"
Natawa ako sa pagiging segurista niya. "Opo, okay na po." Sabi ko sa kanya. Pareho kaming natawa.
"Okay! Let's go!" masiglang sabi niya at saka in-start ang sasakyan.
Pagdating namin kila Amanda, pupungas-pungas pa siya lumabas ng bahay nila at kinuha lang si Sham-sham. Pero nagulat ako nang paalis na kami sa sinabi niya.
"Enjoy your date, lovebirds." Pang-aasar niya. Tiningnan ko naman si Gavril at napa-iling na lang sa sinabi ni Amanda. Napangiti na lang ako.
Nasa biyahe na kami papunta sa Tagaytay. Sabi niya mag-checheck-in daw muna kami sa hotel at ayusin muna ang mga gamit namin saka kami mamasyal. Papasikat na ang araw. Maayos namang magmaneho si Gavril, maingat at hindi nakakahilo. Nakamasid lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang papasikat na araw. Tiningnan ko naman si Gavril habang nagmamaneho siya. Kita ko ang maamo at payapa niyang mukha habang nasisinagan ng papasikat na araw. Napangiti ako. Ang saya, ang saya ng puso ko dahil kasama ko siya. Sana hindi na matapos ang araw na ito. Sana nandiyan lang siya palagi sa tabi ko. Isang taong makakasama ko habangbuhay.
BINABASA MO ANG
Dysfunctional
Misterio / SuspensoA girl who can see the death of whomever she touches or touches her. A boy who she cannot see his death even when he touches her. Meet each other's world and make it dysfunctional.