Chapter 17. "Never lose hope!"
Roux's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ko. Bumangon ako at tumingin agad sa sahig sa tabi ko at nabigla ako dahil wala na siya. Nakatupi na ng maayos ang comforter at kumot habang nakapatong ang dalawang unan. Umalis na siya nang hindi ako ginigising.
Bumaba na ako sa kama at kinuha ang comforter at kumot at niligpit ito sa cabinet. Pero paglagay ko ng mga iyon sa cabinet ay napahinto ako nang mapadaan ako sa salamin. Ang salamin ko na nababalutan na ng mga notes sa dami nito. Iba't-ibang kulay ng sticky notes na may mga nakasulat na information ng mga taong nakita ko ang pagkamatay. Pero sa mga hindi ko na gustong makitang notes na nakadikit ay may tatlong notes na umagaw ng pansin ko. Nakasulat sat along magkakahiwalay na notes ang tatlong salita.
Never lose hope! Napangiti ako habang nakatingin sa tatlong notes at naalala ko ang nangyari kagabi.
Pagtapos naming mag-usap kagabi sa terrace habang nakatingala sa mga makikinang na bituin at matapos kong marinig ang sinabi niya ay pareho kaming natahimik. Tiningnan lang niya ako at ngumiti habang bakas sa mukha ko ang lungkot dahil sa narinig ko.
"Roux," tawag niya sa akin. Mukhang magkukwento na siya at sasabihin sa akin ang tungkol sa nakaraan niya na humihila pa rin sa kanya ngayon pabalik dito. "Pwede bang sa kwarto mo ako matulog?"
"Ano?" bulalas ko. I didn't expect that! I thought—I assume that he will tell me a story. Ugh!
"Roux, please sabi mo kasi may white lady sa sala mo!" taranta niyang sabi at muli na naman niyang ginawa ang paawa effect niya! Duwag!
Wala na akong nagawa at pinayagan na lang siyang matulog sa kwarto ko. Sa sahig siya matutulog at tulad ng usapan namin kanina, bago pa dapat sumikat ang araw ay dapat naka-uwi na siya at wala na sa kwarto ko.
Pagdating sa kwarto ko ay inayos ko na ang tutulugan niya, habang nag-aayos pala ako ay tinitingnan na niya ang mga gamit ko until he noticed my mirror filled with different color of sticky notes. He asked me what are those and if those are the same notes he seen in my notebook. Sinabi ko sa kanya ang lahat. May ilan sa mga notes na 'yon na nangyayari na matagal na, may mga notes doon na mangyayari pa sa hinaharap ko. Gavril can't believe what he saw.
"Kaya sabi ko sayo, mahirap. Mahirap kontrahin o kalabanin ang kamatayan at tadhana. If you're destined to die on that certain time, place and circumstances, it will happen anyway." sabi ko sa kanya. He did not respond to me when I said those words to him. Pero alam ko na may malalim siyang iniisip dahil sa mga salitang sinabi ko.
And that is the meaning of these notes. Never lose hope.
Weekend has passed like a blink of an eye. Today is Monday, at wala naman akong gaanong gagawin. It's summer vacation but for years, every summer vacation, I just stay at home doing nothing. Kung mayroon man, maglinis ng bahay, doing indoor stuffs, reading, watching movies and so on.
BINABASA MO ANG
Dysfunctional
Misterio / SuspensoA girl who can see the death of whomever she touches or touches her. A boy who she cannot see his death even when he touches her. Meet each other's world and make it dysfunctional.