Chapter 27. "War within ourselves"

1.1K 73 1
                                    

Chapter 27. "War within ourselves"

"This is so confusing." Ani Gavril habang hawak ang third note at saka ako tiningnan. Iniwas ko naman ang tingin sa kanya at yumuko dahil hindi ko alam at nakalimutan ko ang tungkol sa note. Masiyado akong nadala sa importanteng araw na ito, masiyado kong in-enjoy ang araw na ito. We could've save her but it's too late now, she's gone.

"Roux," napatingala ako nang tawagin ako ni Gavril. Bakas sa aking mukha ang pagsisisi at panghihinayang. He released a deep sigh. "I know what you're thinking, it's alright." Natahimik ako at natulala sa kanya. Mapait siyang ngumiti sa akin. "Hindi ba hindi naman natin control? Nangyari na."

"Pero we are aware about the notes, but this, nakalimutan natin ang tungkol dito dahil—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang takpan niya ang labi ko ng kanyang hintuturo. Nabigla ako sa ginawa niya at natulala lang ako sa kanya at mabilis ang paghinga. He is now staring at me with his serious expression.

"We can still do something about this case." He said and made me confused. He remove his finger from my lips and stood up. "It's late, maybe we should talk about this tomorrow. Let me have this note tonight," he looked at me and smile. "Magpahinga ka na muna, bukas pupuntahan natin si Francine Domingo to search more about this case." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

He was about to exit the gate when I stood up and called him. "Gavril, wait." Sabi ko. Nilingon naman niya ako. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

He smiled and walked back to me. Pinatalikod niya ako at hinawakan ang magkabilang balikat. "Sabi ko, take a rest now and we will talk about this tomorrow, it's been a long and tiring day for the both of us." Sabi niya at tinulak ako papasok ng bahay.

Nang makapasok na ako ay naglakad na siya paalis at kumaway pa. Pinanuod ko lang siya habang naglalakad siya palabas ng gate. Naiwan akong iniisip pa rin ang nabalitaan namin namin tungkol sa third note. Nangyari na siya. May magagawa pa ba kami?

The next day, it is already afternoon but Gavril still nowhere to be found. I though we will talk about the third note and we also planned to visit Francine Domingo's funeral. Nakaupo ako rito sa may hagdan sa tapat ng gate habang nilalaro si Sham-sham at hinihintay si Gavril, pero mag-aalas dos na ng hapon ay wala pa siya. At hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang tungkol sa suicide at murder na nakasulat sa note. Based on the news, the police saw the victim's body was hanging but someone accusing the boyfriend of the victim that he murdered his girlfriend. At kahit ako ay nagtataka sa sinulat ko sa note.

Napatingin ako gate nang may dumaan at akala ko ay si Gavril na pero hindi pala. Napabuntong-hininga ako dahil sa pagkadismaya. Napanguso ako at nilambing si Sham-sham.

"Wala pa ang Daddy mo. Puntahan ko na kaya?" pagkausap ko sa aso. Bigla namang tumahol si Sham-sham sa akin na parang sumang-ayon sa sinabi ko. Napaisip ako at tumingin sa gate.

Pumasok ako sandali sa loob para tumingin sa salamin at mag-ayos ng konti. Pagkatapos ay lumabas na rin agad ako. Paglabas ko ng gate ay napatingin ako kay Sham-sham nang tumahol siya. Natawa ako.

"Oo na, pupuntahan na ang Daddy mo." Sabi ko sa aso na panay ang wagayway ng buntot.

Naglakad na ako papunta sa bahay nila Gavril. Hindi naman gaanong malayo ang bahay nila, sa kabilang street lang naman ito. Pagdating sa tapat ng isang itim at malaking gate ay tinanaw ko pa ang kabuuhan ng bahay nila. Malaki ito at modern ang design. Pinindot ko ang door bell. Ilang sandali lang ay bumukas ang maliit na gate at isang matandang babaeng nakasuot ng pink na blouse at pink na pants na uniforme ng maid. Tiningnan ako nito nang nagtataka. Ngumiti lang ako.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon