Chapter 30. "Can't be avoided"

1K 70 9
                                    

Chapter 30. "Can't be avoided"

Everyday, there are about 150,000 people died. And many people are mourning for losing a love one. Human body are made of billion of cells as they grow, and when those cell biologically stop functioning, the human body will eventually die. They say that nobody knows how and when are we gonna die, nobody knows what will happen when our time arrived. Death is part of our life. We are all born to live and we are all gonna die. Nobody can escape death, death is inevitable.

Ulan.

Tulala ako habang nakaupo dito sa may swing sa may playground. Hawak ko ang tali ni Sham-sham dahil naglakad-lakad muna kami dito sa village. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noong nakaraang araw. Hindi kami nakapunta sa appointment namin na kausapin si Aldwin Herrera kahapon, tumawag daw sa kanya si Kuya Alf na we will do the interrogation tomorrow, kahit kahapon noong nagkita kami ay alangan ako at natatakot na dumikit o mahawakan niya. I thought it will never gonna happen for Gavril. I thought that maybe he is the answer about this curse ability of mine. But when he touched me that one afternoon, I saw something about his death. Pero kumpara sa mga nakikita ko noon, kakaiba ang kay Gavril because I only saw one thing.

"Ulan." Sambit ko at saka tumingala sa kalangitan. Bughaw na bughaw ang langit at may mapuputing ulap. Maganda ang sikat ng araw ng at maayos ang simoy ng hangin ng tag-init.

"Ibig sabihin ba, mamamatay si Gavril habang umuulan?" tanong ko sa aking sarili. Narinig ko naman ang pagtahol ni Sham-sham kaya tiningnan ko siya at doon ko nakita si Gavril na nakatayo na malapit sa akin. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Narinig niya ba ako?

Napatayo ako dahil sa pagkabigla.

"Anong sabi mo?" nagtataka at seryosong tanong niya. Malungkot ko siyang tiningnan at marahang yumuko. Tahimik lamang kaming dalawa at tanging tahol lang si Sham-sham ang ingay sa aming paligid. Naglakad siya at di ko alam kung saan siya pupunta.

"Alam mo, hindi ka pa rin nagbabago." Napatingala ako nang magsalita siya. He is now sitting on the swing while playing with Sham-sham. Nakangiti siya habang nakikipaglaro kay Sham-sham at saka ako tiningnan. "Sabihin mo na sa akin. May nakita ka noong huli tayong magkita 'no?" saad niya.

Muli akong naupo sa may katabi niyang swing. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya, seryoso lang din siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. Hindi ko pa sinasabi sa kanya ang tungkol dito, nagdahilan lang ako noong huli kaming magkita at nang hawakan niya ako. Akala ko naniwala na siya pero si Gavril ang nasa harap ako. I know that he already noticed me.

"May nakita ako noong hinawakan mo ako noong isang araw." Mabilis kong sabi sa kanya. Kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha.

"You mean my death?" gulat niyang sabi. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"I am confuse because I only saw a pouring rain in my vision," binalik ko ang tingin sa kanya. "Parang split second lang ang nakita ko sa vision ko, not the detailed one. I saw a heavy rain." Napayuko ako at mahigpit na hinawakan ang dulo ng aking damit. Ramdam ko rin ang pagbigat at pagsikip ng dibdib ko.

Natahimik si Gavril sa sinabi ko. Alam kong iniisip niya ang tungkol sa mga sinabi ko.

"Hawakan mo ulit ako." Mabilis akong napatingala sa pagkabigla sa sinabi niya. Kita ko ang nakangiti niyang mukha. Masaya ba siyang malaman kung kailan o paano ang magiging pagkamatay siya? Hindi ba siya natatakot na mamatay?

"Ayoko." Sabi ko't tumayo at lumayo sa kanya. Tumayo din siya.

"Just one touch, let see what other things you will see about my death." He insisted.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon