Chapter 22. "Saving lives, escaping death"

1K 77 8
                                    

Chapter 22

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 22. "Saving lives, escaping death"

Tulala ako habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa pinto. Ramdam ko ang namumuong pawis sa aking noo na tumutulo pababa sa aking pisngi dahil sa init dito sa loob ng stockroom. Dati itong speech laboratory kaya naman kulob ito at salamin ang mga bintana na hindi nabubuksan.

Maya't-maya kong tinitingnan ang relo ko para tingnan ang oras. Magkakalahating oras na akong nakakulong dito sa loob ng stock room. I tried to break it for me to open the door but it didn't work. Naka-lock ng padlock mula sa labas ang pinto. Hindi ko rin dala ang phone ko na naiwan ko sa bag. Wala rin gaanong students ang dumadaan dito sa dulo ng hallway. At kung meron man, kahit sumigaw ako ay hindi nila ako maririnig dahil sound proof din ang buong kwarto kaya kahit sumigaw ako at humingi ng tulong sa labas ay wala ring makakarinig sa akin.

Muli akong napatingin sa relo ko, it's 4:30 PM in the clock, halata rin sa sinag ng araw na papalubog na. Nag-aalala ako dahil kailangan naming magkita ni Gavril ng 5 PM para lumabas ng school at puntahan si Jaxon. Pero paano ako makakalabas dito. I need to do something.

Nilibot ko ng tingin ang buong stock room. Puno lamang ito ng mga luma at hindi na ginagamit na mga bagay sa school na nababalutan ng makakapal na alikabok. Tumayo ako upang maghanap ng maaari kong magamit upang makalabas ng silid na ito. Napaling naman ang tingin ko sa bintanang salamin ng stock room. Sinubukan kong i-slide ang bintana pero hindi ko magawa. Pinunasan ko ang noo ko at malalim na huminga. Tumalikod ako sa salamin at sumandal.

Hindi na ako makalalabas pa rito.

Napapitlag ako nang may marinig akong malakas na pagkatok mula sa likod ko. Mabilis akong napalingon at doon ay nakita ko si Gavril na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata na tila gulat na gulat nang makita ako. Nanlaki rin ang aking mga mata nang makita ko siya at nangilid ang aking luha.

He found me. He is here to save me, again.

May binigkas si Gavril ngunit dahil sound proof ang loob ng stock room ay hindi ko siya marinig. Tulala lang ako sa kanya, natutuwa ako na nalulungkot, natutuwa ako dahil narito na siya para iligtas ako, nalulungkot ako dahil pakiramdam ko, pabigat lang ako sa kanya.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Gavril at pagkabigla sa pagbuhos ng luha ko. Gavril placed his two palms on the mirror and lean his forhead on the mirror as his eyes stares at me, showing how worried he is. May sinabi siya at kahit hindi ko naririnig alam ko ang mga sinabi niya.

"Don't worry, I will save you, Roux."

Marahan kong inilapat ang aking palad kung saan din nakalapat ang kamay ni Gavril. Nakatingin lamang ako sa kanya at marahan na ngumiti at tumango. Gavril gave me a bitter smile and nodded. Pagtapos noon ay tumakbo siya paalis. Hinabol pa ng paningin ko siya habang palayo sa akin.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon