Chapter 34. "Scars of the past"

1.2K 82 12
                                    

Chapter 34

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 34. "Scars of the past"

The silence in my room is deafening. I can only hear the ticking of the clock while staring at my room's ceiling. It is quarter at midnight and I am lying in my bed trying to sleep but I can't. Up until now, I am still thinking about what I saw earlier about Gavril. It happened again. I saw a vision of Gavril's death. Pero tulad noong unang may nakita ako sa kanya noong hawakan niya ako, hindi pa rin ito kumpleto. It is still ambiguous. Hindi ko alam kung kailangan ito mangyayari o ano ang kabuuhan kung paano mangyayari ang magiging pagkamatay niya. It is so confusing and I don't know what is going on.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata habang ramdam ko ang kaba sa aking dibdib habang pabalik-balik sa aking isipan ang mga nakita ko kanina. Natatakot ako. Nalulungkot ako. Naiiyak ako at sobrang naguguluhan sa nangyayari. I thought I will never see anything about his death. I thought he was the one who can help me to stop this curse but now, that I saw the vision about his death, hindi ko alam pero labis akong hindi mapalagay. Halo-halo ang aking nararamdaman ngunit mas nangingibabaw ang takot na baka isang araw paggising ko, wala na siya at hindi ko maririnig ang boses niya at hindi ko na siya makikita.

Naramdam ko ang pagtulo ng mainit na luha mula sa aking mga mata pababa sa aking pisngi. Habang nakapikit ay muli kong inalala ang nakita ko kanina.

Umuulan.

Gavril was lying on the ground soaking wet.

He is bleeding.

Pero ang mas hindi mawala sa isip ko ay ang mga mata niya habang nakahandusay sa semento at nababasa sa ulan. Ang mga mata niya, malungkot ito at kasabay ng pagbuhos ng ulan ay siya ring pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata. He is in pain. He is in sorrow.

Mabilis kong minulat ang aking mga mata at napabangon sa aking higaan saka humagulgol ng iyak habang yakap-yakap ko ang sarili.

Why is this happening?

Bakit lahat ng malapit sa akin...

Nawawala...

Kinukuha...

Magiging mag-isa na naman ba ako?

Natulala ako sa labas ng aking bintana. Pinunasan ko ang aking luha at kinalma ang sarili saka bumaba sa aking kama at nagtungo sa aking bintana. Binuksan ko ito at dumungaw patingala sa mga bituin sa langit. Taimtim kong pinagmasdan ang nagkikinangang mga bituin sa langit. Marami sila. At kapag marami raw bituin sa langit, sabi nila ay hindi raw uulan kinabukasan. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nakatingala sa kalangitan.

"Alam kong naririnig mo ako. Alam kong alam mo ang sinasabi at sinisigaw ng puso ko." Sambit ko sa pagitan ng aking paghikbi. "Huwag. Huwag siya. Huwag mo siyang kunin sa akin."

The next day, I was in my room but the doorbell was keep on ringing. Tahol din nang tahol si Sham-sham. Nang tingnan ko sa bintana kung sino ang nasa gate, it's him. Gavril is here. Ngayon kami pupunta sa prosecutor office par asana sumama kay Kuya Alf sa pag-iimbistiga sa bahay ng mga Domingo about Francine's case. Malungkot lang akong nakatingin kay Gavril sa labas habang pindot siya ng pindot sa labas ng gate.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon