Chapter 9. "Her last wish"

1.5K 116 3
                                    

Chapter 9

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 9. "Her last wish"

"Hanggang kailan na lang ba? Aabot ba ako ng graduation namin?" tanong sa amin ni Patricia na kinabigla ko.

Natahimik kami ni Gavril sa tanong ni Patricia at nagkatinginan. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Gwen kasama ang isang ginang na may bitbit na plastic ng prutas. Tiningnan kami ng ginang at mapait na ngumiti saka nilapitan si Patricia at nilapag sa side table ang dala niyang plastic ng prutas.

"May bisita ka pala." Mahinahon na sabi ng ginang na sa tingin ko ay ang Mama ni Patricia. Nilingon niya kami at ngumiti. "Kayo ba 'yong sinasabi ni Gwen?" tanong sa amin ng ginang. So she knew about us.

Marahan kaming tumango ni Gavril bilang sagot.

"Ma, I am asking them if until when." Biglang sabi ni Patricia. Tiningnan siya ng kanyang Mama at hinaplos ang pisngi nito.

Habang pinapanuod ko sila, parang tinutusok ng aspili ang dibdib ko. A mother seeing her daughter slowly dying. I remember my mother and how she cares for me when she is still alive. Totoo nga ang sabi nila, na wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina.

Ilang sandali lang ay nakatulog na si Patricia. Ang sabi kasi ng Mama niya ay hindi raw ito nagtulog ng tanghali at excited na makilala kami ni Gavril. Narito pa rin kami sa kwarto ni Patricia, mahimbing na siyang natutulog pero gusto kaming makausap ng Mama niya.

"The doctor said that it will be just a month." Sabi ng Mama ni Patricia. Nagkatinginan kami ni Gavril. "Wala na kami magawa. Masiyado nang malala ang kondisyon ng anak ko. And we can't do anything but to accept that. It is painful; it is really painful to accept it. Pero sino ba ako para kontrolin ang buhay ng anak ko." Sabi ng Mama ni Patricia kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Kahit si Gwen na nasa tabi niya ay naiiyak na rin.

Tiningnan kami ng Mama ni Patricia. "Pero isa lang ang gusto ng anak ko bago siya mawala."

"Gusto niyang maka-graduate. Umakyat sa stage, mahawakan ang diploma at medalya niya." Ani Gwen.

"She's an honor student since elementary. Pag-aaral ang naging buhay ng anak ko. Because she wants to be successful in life." Sabi naman ng Mama ni Patricia. "Pero nalungkot siya recently, kasi dahil sa sakit niya, hindi siya ang magiging valedictorian. Dahil simula noong October, hindi na siya gaanong nakakapasok. At noong dumating ang December, hindi na siya nakapasok sa school."

"Pero naniniwala kaming, kung hindi naman dahil sa sakit ng pinsan ko, siya pa rin ang magiging valedictorian." Dagdag pa ni Gwen.

"Pero eventually, natanggap niya 'yon. At ang wish niya lang, ay maka-akyat ng stage at maka-graduate. Kaya 'yon ang inaasikaso ko sa school nila." Pagtatapos ng Mama ni Patricia.

Napayuko ako. Naalala ko kasi ang nakita ko sa magiging pagkamatay ni Patricia. At paano ko sasabihin sa kanila na dahil sa huling kahilingan ng anak nila ay mas mapapaikli ang buhay nito.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon