Prologue

1.1K 29 11
                                        

THE simplest rules are the hardest ones to follow. Iyong tipong dahil sa sobrang pagka-simple ng rule na iyon, nagiging complacent ang sino mang makakaalam niyon? Dahil sa sobrang pagka-simple, minsan, nakakaligtaan o nakakalimutan na lang, o mas malala, nalalabag. And sometimes, these simple rules have the largest consequences. Consequences na kailangan mong pagbayaran. Consequences na ikakadurog ng puso mo. Consequences na pagsisihan mo habang buhay.

"Ano?! Tatawid tayo dito?" Nanigas si Sora nang makita ang six lane road na nasa harapan namin. Matutulin na mga sasakyan ang umuukupa rito. Sinipat kong maigi ang katapat na side line at hindi ako makahanap ng tiyempo para makatawid kami. Malapit nang mag-alas-otso at sobrang lala ng traffic sa pinanggalingan namin kaya bumaba na lang kami sa jeep na sinasakyan namin kanina at naglakad na lang papunta rito. Mula rito, lalakarin na lang namin 'yong natitirang distansya patungo sa school. May pedestrian lane naman sa kabila pero kung doon kami dadaan, tatawid pa ulit kami. Kung dito kasi, dire-derecho na. Kapag nakatawid na kami sa kabilang side, iikot lang kami sa likod ng ospital at may shortcut na roon patungo sa school.

"Sora . . ." Hinawakan ko ang balikat ng bestfriend ko. Tiningnan ko siya sa mga mata niyang naluluha na. "Ito lang ang tanging paraan para hindi tayo ma-late, okay? Mangongopya pa tayo ng assignment kay Shaira kaya huwag ka nang magdalawang isip, okay? Magtiwala ka lang sa akin."

Tumango siya. Nanginginig ang mga labi niya. Napabungisngis ako kaya napangiti na rin siya sa wakas.

"Teka . . . mag-he-headband muna ako . . ." aniya at kinuha niya na iyong bunny headband niya sa Jansport niyang bag. Bumungisngis si Sora habang inaayos ang buhok niya at ganoon din ang naging reaksyon ko.

"Dudang? Hair clip, gusto mo?" May inabot siya sa aking Hello Kitty hair clip. Kinuha ko naman agad iyon at inipit ko iyon sa bangs ko.

"Maganda ba?" tanong ko kay Sora. Tumili siya. Pinamulahan ako.

Parehong maikli ang buhok namin ni Sora. Literal na boy cut iyong akin habang iyong sa kanya naman ay medyo tumubo na kaya medyo nagmukha na siyang emo. Dating mahahaba ang buhok namin pero agad itong pinutol ng prefect of discipline namin sa school na si Sir Boompa nang makita niyang nagpakulay kami ng burgundy. Napakawalang-hiya ng pagkakagupit niya sa amin dahil bukod sa hindi ito pantay ay kamuntikan niya na kaming makalbo. Kung hindi nga lang siguro umiyak si Sora noong ginagawa niya iyon sa amin, baka tuluyan na talagang nauwi ang haircut namin sa skin head.

"Tara na! Dali!" Hinila ko na si Sora at nagsimula na kaming makipagpatentero sa mga dumadaang sasakyan. Sora and I are laughing so hard habang tumatawid kami roon dahil bukod sa matinding thrill na aming nararamdaman ay walang habas ding hinahangin ang skirt namin. Sora's wearing a pink flowery panty na inutang pa ng nanay niya sa Avon habang ang suot ko namang salawal ay luntian ang kulay.

At the of sixteen, aminado kaming dalawa ni Sora na sobrang bata pa ng aming pagiisip. Everything is still dreamy for us. Para pa kaming nanaginip ng gising. Malabo pa sa amin ang konsepto ng tama at mali at hindi pa namin iniisip kung ano ang kahihinatnan ng mga ginagawa namin sa kasalukuyan.

Gaya na lang ngayon. Bukod sa halos mahubuan na kami ay hindi namin iniisip ng maigi na maari kaming mamatay sa ginagawa naming pagtawid na ito. Sa katunayan, naghaharutan at tumatawa pa kami ni Sora habang tumatawid. Tinutululak ko siya, tinutulak niya ako. Hinahampas ko siya, hinahampas niya ako. Sinasabunutan ko siya, sinasabunutan niya ako. Tumawa siya, tumatawa ako. Para kaming nakahit-hit ng pinagbabawal na gamot. Everything is turning slow motion. Para kaming nasa pelikula. Para kaming . . . Para kaming . . . nababaliw. Ugh!

"Nagawa natin, Dudang! Nagawa natin!" Nagyakapan kami ni Sora nang makatawid kami na sa wakas. Nasa tapat na kami ng isang malaking ospital at hindi namin maipaliwanag ang sayang aming nararamdaman.

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon