Chapter 28

64 6 2
                                        

Dorothy

Tenshin’s operation ended at exactly four in the morning, isang oras na mas maaga sa pinangako ng surgeon sa amin kagabi. Tulog pa ako noong lumabas na ang surgeon sa operating room at nagising lang nang marinig kong magsiiyakan na sina Mama at Papa pati na ang mga magulang ni Tenshin. It went well at dapat three a.m. pa nga raw sila natapos kaso nagkaroon lang daw ng kaonting complications noong sinasara na nila ang sugat ni Tenshin but overall, the operation was successful.

“It’s all over now,” ani Kuya Wataro sa akin. Humangos ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. Tenshin really suffered a lot for a long time. Araw-araw na lang laging nanganganib ang buhay niya. And it was really a great torture for us seeing him suffer always. At ang malamang sa wakas ay magtatapos na ang paghihirap niya ay hindi kapani-paniwala. But I must believe it. Because it’s really happening. It’s finally happening.

Kuya Wataro kissed me. Mabilis lang ang naging halik niya sa akin. Nabitin ako kaya inabot ko ang mukha niya para masiil ko ang labi niya sa akin. Eveybody’s emotional now kaya walang nakapansin sa ginawa namin.

“Dudang . . .” Kuya Wataro called my name as he parted from our kiss.

Tumango ako. Umagik-ik. “Oo na. Hindi ko na uulitin.”

He’s wearing an angry reaction pero hindi nagtagal ay napalitan din iyon ng ngiti. He opened his arms again, nilapitan ko siya at niyakap.

It took us three hours bago kami napayagang makita si Tenshin. He’s asleep because of the anesthesia at para hindi namin ma-contaminate ang sugat ng mga tahi niya, hanggang sa may glass wall lang ng room niya ang naging pagtitig namin sa kanya.

Napatingin ako kay Wataro habang tinititigan niya si Tenshin. His smile is very genuine. Napangiti rin ako dahil sa pagngiti niya. His happiness will always be my happiness.

“We really need to incorporate it immediately nang sagayon ay makatanggap tayo agad ng funds from the investors at para mai-launch na rin natin ang Project I Love You as soon as possible,” ani ng napili kong accountant na si Ram de Castro. Topnotcher ng recent board exam for accountancy.

“We have to decide a name immediately too so that we can already register it,” ani naman ni Warren de Castro, topnotcher ng recent bar exam.

My accountant and my lawyer are both gorgeously and devilishly handsome in a nerdy way, and they’re even twins. Pero hindi ko sila pinili dahil sa taglay nilang makamandandag na sex appeal, pinili ko sila dahil sa mga qualifications nila.

Isang linggo na ang nakakalipas mula nang matapos ang operation ni Tenshin. Sa buong linggong iyon, hindi ako magkanda-ugagang maghanap ng matinong accountant at lawyer. Lagpas isang daan ang nag-submit ng resume nila sa e-mail na pinaskil namin sa Project I Love page na si Sora mismo ang nagha-handle. Sora’s the admin of that page. She’s the one who’s constantly giving updates for our future users. The updates are usually about the progress of the Project I Love You. Meanwhile, Kuya Wataro and Kaito was just perfecting their project the whole time at ngayon nga ay masasabi na nilang nasa pinaka-perpekto na itong anyo. Isang matatag na team na lang ang kulang sa amin kaya narito kami ngayon sa pinaka-una naming office, binubuo ang aming mga plano.

“Meryenda muna kayo,” ani Mama na kakarating lang mula sa kusina. Inilapag niya ang kakahain niya lang na nilagang kamote. We’re all here in our house, our grumpy and old house, ang pinaka-una naming office.

“Salamat po!” sabay na sabi ng twins na si Ram at Warren kahit na halatang nawe-weirduhan sa mga kamoteng nasa harap naming ngayon.

Natawa lang si Mama at pagkatapos ay nagtungo na sa mga santo naming naka-display dito sa sala namin dala-dala ang sobrang nilagang kamote, “Mama Marry, tanggapin niyo po ang aming handog.”

Napatingin ang twins kay Mama. Romolyo lang ang mga mata ko. Ayaw na ayaw ko talaga sa mga santo. Believing in saints and even in Gods just makes me a lazy person. Kung totoong may panginoon, paniguradong mas gugustuhin niyang maniwala ang mga tao sa mga sarili nila kaysa sa umasa sa kanya.

“We’ll receive an immediate funding kapag na-incorporate na natin ang lahat ng ito tama ba?” pagka-clarify ko.

Sabay na tumango ang twins. Nasa left side kami ng sofa ni Kaito, Sora at Kuya at manghang-mangha lang kami sa kambal na nasa harap namin ngayon lalo na sa mga pagkakataong nagkakasabay sila sa pagsagot.

“Pero pa’no ‘yon?” tanong ni Kaito, “Ako, si Sora, si Dudang, si Kaito, at kayong dalawa, tayong anim ang main founders ng Project I Love You pero hindi tayo ang magfa-fund ng bubuoin natin corporation. Posible ba ‘yon?” dagdag niya.

Napatingin ako pabalik sa kambal.

“As founders, we’ll automatically own 50 percent of the corporation kahit na hindi tayo ang magfa-fund. The fact the we’re the one who built it, sapat na iyon para maituring tayong primary owners,” ani Warren. I mean, Attorney Warren. Ka-edad lang kasi nila si Kuya Wataro kaya ang hirap pa ring tawagin silang pareho in a formal way.

“Wataro will posses the largest share which is 30 percent of the company, next will be Kaito which is 10 percent, and 2 percent and something for the rest of us,” ani naman ng accountant na si Ram.

“Pero puwede pa ‘yong lumaki, right?” tanong ni Sora.

“Puwedeng-puwede,” sabay na sagot ng dalawa.

Nagtawanan lang kaming anim.

“Sa dami ng investors na gustong mag-invest, we’ll immediately receive billions of pesos in just a month once we’ll already incorporate it,” eksplika ulit ni Ram. “Ilalaan agad natin ang pundong iyon sa pagbubuo o pagbili ng isang building for our office. And then, machineries and our first set of employees. There’s still be a risk but we’ll make sure it will be very calculated.”

Tumango ako. Tumango rin sina Sora at Kaito. Kuya Wataro remained silent beside me.

“So, what will be the name of our corporation?” tanong ni Attorney Warren.

“I guess Wataro should be the one who’ll decide about it since he’s the brain of this project,” hayag Ram. Our Accountant.

“Agree!” sabay na pagsang-ayon ni Sora at Kaito.

Napalunok siya nang sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. Humalumbaba ako habang nakangiting hinihintay ang sagot niya.

“Ay, ay, ay…” He struggled. Kumurap-kurap pa ng makailang beses ang mga mata niya. “I love you,” aniya habang nakatingin sa akin na agad din naman niyang iniwas. “I Love You Incorporated. That’s it. That will be the name of our corporation,” he declared.

“Okay! Meeting adjourned!” Unang tumayo si Attorney Warren, kumuha siya ng isang kamote, na sinundan naman ng kapatid niya. Nagpaalam na sila kay Mama at pagkatapos ay sumunod naman si Sora si Sora at Kaito. Makailapas lang ang ilang saglit ay kaming dalawa na lang ni Kuya Wataro ang naiwan doon.

“Bakit hindi ka makatingin sa akin?” tanong ko kay Kuya Wataro.

Umusog ako papunta sa kanya. Umusog din siya kaya umusog din ako hanggang ma-corner ko siya sa dulo ng sofa.

“Dudang . . .” may babala sa boses niya.

Sobrang lapit na ng mukha ko sa kanya. Ngumisi lang ako. “I love you too . . .” I told him, “Incorporated,” dagdag ko.

Umagik-ik ako. Natawa din siya pagkatapos. Lumingon-lingon siya sa buong espasyo ng bahay at nang matanto niyang kaming dalawa na lang talaga ang ang naiwan doon ay ninakawan niya ako ng mabilis na halik.

This is just the beginning. Malayo pa ang lalakbayin namin but I’m willing to endure everything with him. Even in the extremes of pain, suffering and discomfort, I will be with him. I will not run away.

***

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon