Wataro
“Lumaban si Tenshin. Nagawa siyang i-revive ng mga doktor.” When Wataro heard that from his father, bigla na lang nanghina ang tuhod niya. He thought we was too late. Akala niya, wala na siyang maabutan dito pero buti na lang at ito ang narinig niya. Isang napakagandang balita.
“Gusto kong makita si Tenshin. Gusto ko siyang makita.” His little sister pleaded on their father. Naabutan niya ang dalawa sa labas ng ospital, and Wataro, standing here, painfully observing them, makes him realize something: na napakasuwerte niya dahil ang pamilyang kinakabilangan niya ngayon---na hindi niya naman talaga totoong pamilya---ay labis-labis ang pagaalala sa kapatid niyang si Tenshin.
“Ayos na nga siya! Ba’t ka ba humahagulgol? Para kang kambing na iniihaw! Tumigil ka na! Isa! Dalawa!” sita ni Papa Diosdado niya rito. Dudang just wailed so hard at niyakap lang ito nang maigi ng Papa nila. His father smiled at him nang mayakap na nito ng maayos si Dudang, telling him that he heard it right. Tenshin survived.
Pagdating sa loob, nadatnan nilang nililipat na si Tenshin mula sa emergency room papunta sa isang private room. Wala itong malay habang nakahiga ito sa isang stretcher. It’s very young face is pale too habang naka-oxygen naman ito bilang pangsuporta sa kapos nitong paghinga.
Pinagmasdan lang nila si Tenshin na dalhin ng mga nurse doon. They were just following the stretcher in front of them. Tumutulong naman sa pagtulak ang totoong mga magulang niya.
That’s right. Tenshin’s parents are also his parents. They are the real one though. Alam ito ni Wataro dahil hindi ito tinago ni Mama Pilar at Papa Diosdado sa kanya. Gayon din ng kanyang mga totoong magulang. Naging mahirap, masakit at komplikado para sa kanya ang lahat, but Wataro was able to understand their situation. His younger brother, Tenshin, was already sick the moment it was born at sa palagay niya ay naging tama lang din ang desisyon ng mga magulang niyang ipaampon siya malalapit nitong kaibigan na si Mama Pilar at Papa Diosdado.
Matagal na iyong natanggap ni Wataro and that he be bares no hate or anger at them at all. Ganoon din sa kapatid niyang si Tenshin. Iyon nga lang, randam niya lagi ang lamig ng pakikitungo ng mga ito sa kanya. His real parents can’t look at him the eye. Kapag nagkakatagpo ang mga landas nila, ni hindi siya nakakausap ng mga ito ng maayos. They must have felt bad for what they did, pero para kay Wataro ay ayos lang ‘yon. Sobrang ayos lang.
“Kailangan po muna naming kausapin ang mga magulang ng patient. Mangyari lang po sanang maghintay po muna kayo rito. Marami pong salamat sa pang-unawa,” the female nurse told them nang makarating sila sa tapat ng private room ni Tenshin. Sinara na nito ang pinto at naiwan na sila roon sa labas.
Anim silang lahat na naiwan doon. Si Mama Pilar at Papa Diosdado, si Kaito, si Sora at ang kapatid niyang si Dudang na sobrang layo ng puwesto mula sa kanya. Nadatnan niyang nakatitig ito sa kanya pero agad din itong nag-iwas. His heart is still aching on what she did on him, pero mamaya niya lang niya iyon aayusin. What matters right now is Tenshin, and nothing but its life.
“Pag-alis niyong lahat sa bahay kanina, tumawag na agad ‘yong nanay ni Tenshin sa akin. Wala nang gasolina ang sasakyan nila kaya humingi sila ng pabor sa amin na ihatid sila sa ospital,” pagku-kuwento ni Mama Pilar.
“Akala namin, nagha-hyperventilate lang si Tenshin gaya ng laging nangyayari sa kanya. Pero no’ng napuntahan na namin sila sa bahay nila, wala na itong malay at nanghihina na rin ang pulso,” dagdag naman ni Papa Diosdado.
Wataro can clearly imagine the scene the scene they are telling at labis nga itong nagdudulot ng kirot sa puso niya. His real parents are just so poor that Wataro can’t help but pity them. Sa katunayan ay makailang beses niya nang tinangkang abutan ng pera ang mga magulang niya kapag nananalo sa mga gaming contest pero lagi lang siyang tinatanggihan ng mga ito. Kinalauan, natuto na rin si Watarong intindihin ang posisyon nila. Na baka naiinsulto sila kapag ginagawa niya iyon. Gayon pa man, paulit-ulit niya rin namang pinapaalala sa kanila na wala siyang sama ng loob at kahit kailan ay hindi siya nagtanim ng galit.
Tumawag na ang mga magulang ni Sora kinalaunan kaya nauna na itong umuwi. Ganoon din si Kaito na masama pa rin ang tingin sa kanya.
“Dudang. Wataro. Bumili nga kayo ng makakain sa labas. Hindi pa nakakapaghapunan ang mga magulang ni Tenshin. Pati na rin kayong dalawa. Ito . . .” Inabutan sila ng pera ng Papa Diosdado nila nang silang apat na lang ang maiwan doon.
“Bakit kasali ako? Wala ba siyang sariling paa?” pagalma ng kapatid niya.
Wataro just respectfully received the money from his father.
“Ako na lang po, Papa,” aniya.
Agad namang nagsalita ang Mama Pilar nila, hinawakan nito ang kamay niya, “Gabi na sa labas. Baka maligaw ka.” Binaling nito ang atensiyon sa kapatid niyang nasa kabilang dulo. “Dudang, samahan mo na ang Kuya Wataro mo.”
Akala niya, madadabog lang ito pero nauna na itong tumayo at mabilis na itong umalis. Sinundan niya na agad ito.
Watching Dudang from the back reminds him of the old and golden days. Iyong mga panahong elementary at high school students pa lang sila at nakakasabay niya ito pauwi sa bahay kasama sina Kaito at Sora. Nilalakad lang nila ang distansya ng bahay at eskwela kaya lagi nila iyong ginagawa. Liban na lang kung maulan.
His little lister is the type of person na gusto laging nauuna sa paglalakad. Ayaw nitong sinasabayan o inuunahan. This attitude of her allows him to protect her from the back and from a far. Hindi na mabilang ni Wataro ang mga tao, bisekleta o bola na hinahawi niya ma-protektahan lang ito. Dudang doesn’t look back kaya hindi rin nito nalalaman na ginagawa niya iyon. And Wataro prefers it to remain that way.
“Huwag na huwag mo akong kakausapin. Wala akong balak na kausapin ka ng isang buwan. Kung gusto mong makausap pa ako, hintayin mong mag-expire ang one-month na ‘yon,” anito habang sinusundan niya lang.
Nasa tapat na sila ng isang pedestrian lane at hinintay na lang nilang maging kulay berde ang traffic light. Kulay na paborito ni Wataro dahil iyon din ang paborito ni Dudang. Green, which represents money.
“Hindi ka kakusapin ni Kuya Wataro, promise ‘yan.” He assured her. Nilingon siya nito at sinaamaan ng tingin. Wataro just smiled at her na mabilis niya namang binawi, pero napangiti pa rin siya nang tumalikod na naman itong muli.
“Last na lang ‘yon. Kapag nagsalita ka pa ulit, ‘yong one-month na sinabi ko sa ‘yo, madagdagan pa ng isang buwan,” banta nito at kahit hindi pa nagkukulay berde ang traffic light ay tumawid na ito.
“Dudang!” mahina niyang banggit sa paraang hindi nito maririnig ang boses niya at nang makabol niya nga ito sa gitna ay agad niya naman itong niyakap mula sa likod.
“Kung hindi mo hahayaan si Kuya Watarong makipag-usap sa ‘yo, then, ayos lang ba kung yakapin ka niya ng ganito?” tanong niya rito.
Hindi nakapagsalita si Dudang.
Naipikit lang ni Wataro ang mga mata niya habang mas humihigpit pa ang yakap niya sa kapatid.
This time, tuluyan nang nag-berde ang traffic light. Doon niya na rin ito pinakawalan.
His little lister is the type of person na gusto laging nauuna sa paglalakad. Ayaw nitong sinasabayan o inuunahan. This attitude of her allows him to protect her from the back and from a far. Kaya ngayong nauuna at naglalakad na naman ito ng mabilis, he’ll going to do his duty again, the only job he’ll never get tired of---being an older brother to Dudang and protecting her from any angle.
***
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...