Chapter 15

60 7 0
                                    

Wataro

“So, pa’no Mama, Papa? Mamili na po kayo sa aming dalawa.” He can’t believe what he’s hearing right now from his little sister. Pinapapili nito ang mga magulang nilang dalawa sa pagitan nito at ni Miss Sam. At kung pipiliin nga nila si Miss Sam ay lalayas na si Dudang, habang kung ang kapatid niya namang ito ang pinili nila, Miss Sam will never be able to enter this house again.

Nangilid ang mga luha ni Wataro habang pinagmamasdan ang kapatid niya. She looks very sure with what she’s doing right now. Ni hindi nautal o natigil man lang saglit nang idineklara nito ang anunsyong iyon. Katabi nito si Sora at si Kaito. Nasa gilid niya namang pareho mga magulan nila pati na ang gulantang na gulantang na si Miss Sam, yet Wataro seems like he can’t notice them at all. Nakatuon lang ang atensiyon niya sa iisang tao ay iyon ay walang iba kundi kay Dudang.

“Ano? Hindi ba kayo pipili? Sige, ako na lang ang aalis.” Agad sila nitong tinalikuran na mas lalo pang nagpawasak sa puso ni Wataro.

“Dudang!” Sinundan agad ito ng matalik na kaibigan na si Sora.

“Hija, pasensya ka na talaga sa anak naming iyon. Hindi na talaga namin alam kung ano ang gagawin sa kanya,” paghihingi ng paumanhin ng Mama Pilar niya kay Miss Sam. Hindi naman mapinta ang mukha ng Papa Diosdado niya. Pinaghalong galit, disappointment at kahihiyan ang nararamdaman nito ngayon.

“It’s okay, Tita. Teenagers nowadays tends to be a little bit rebellious. At isa pa, she’s Wataro’s little sister kaya naiintindihan ko siya,” pag-a-assure ni Miss Sam.

Nabato lang si Wataro. Hindi na abot ng tanaw niya si Dudang. Masyado nang malayo ang narating nito.

“Wataro!” Biglang napasigaw ang Papa Diosdado niya nang bigla siyang napatakbo. Kailangan niyang sundan si Dudang. Kailangan.

Habang palabas ng bahay, ramdam na ramdam niya mula sa likod niya ang hindi makapaniwalang tingin ni Miss Sam sa kanya. He left her there without him saying any word. Hindi ugali ni Wataro na maging bastos pero kailangan niya lang talagang sundan ang kapatid niya.

He’s fully aware na kapag gumawa na ng desisyon si Dudang ay talagang pinapanindigan nito ang bagay na iyon. Wala nang balikan. Wala nang ayawan. Wala nang atrasan.

And Wataro imagining his little sister gone from their home makes him just too sad that he can’t take it. Kaya’t ito na nga lang din ang nangyayari ngayon. Mabilisan niya na itong hinahabol.

“Wataro! Sandali lang!” Nang makalabas siya ng bahay, agad na sumunod sa kanya si Kaito. 

Hindi niya ito nilingon. Dudang’s on the end of the very dim street. Kasa-kasama nitong naglalakad si Sora patungo sa shortcut papunta sa kabilang subdivision. At nang lumiko na nga ito ay tuluyan na rin itong nawala sa kanyang paningin. Doon na rin siya nahinto ng tuluyan nang maabutan siya ni Kaito.

“Wataro! Nahihibang ka na ba talaga?!”

Hawak nito ang magkabilang dulo ng pulido at malawak na balikat niya.

“Kailangan kong sundan si Dudang . . .” pagmamakaawa ni Wataro.

Tila hindi naman ito napakinggan ni Kaito. “Itigil mo na ang kabaliwan mo kay Miss Sam! Hindi mo ba naalala ang ginawa niya sa atin? Pina-beta-test niya sa atin ang Project I Love You at ano’ng nangyari? Pinatawag ka sa police station! At ano pa ang mas malala niyang puwedeng gawin? Hindi lang sa ‘yo kundi pati na sa project natin?” Inalog siya ni Kaito. “Wataro, tinataya ko ang buhay ko sa project na ‘to at pati na sa ‘yo! Huwag mo naman sana akong biguin! Si Miss Sam, malinaw na malinaw na may interes siya sa project natin, kaya please! Huwag mo hayaang mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan natin!”

Ramdam ni Wataro ang galit ni Kaito sa panginginig ng kamay nito sa balikat niya. And Kaito was right. He betted its life on this project. With Kaito, Wataro’s fully aware that they had already gone too far for this project. Cut out quizzes scores, almost failing grades and constant absences. Side effect ang lahat ng iyon maging succesful lang ang project nilang ito.

“Alam ni Wataro na interesado si Miss Sam sa Project I Love You,” nangihina ang boses niya, “Alam din ni Wataro na gusto niya itong pagkakitaan gaya ng gusto nating mangyari dito,” dagdag niya at sa pagkakataong ito, tinitigan niya na mata sa mata si Kaito, “Kaya ginagawa ni Wataro ang lahat ng ito.”

He smiled at Kaito. Natulala lang ito sinabi niya at wala rin itong nagawa nang tumakbo na siya ulit.

Dudang had made him and their parents choose between her and Miss Sam. Hindi pa nito natatapos ang sinasabi kanina ay alam niya kung sino ang pipliin niya. That’s why he’s running like a crazy dog again for little lister. Ito ang sagot niya.

“Dudang!” Sobrang dilim na ng pagkakaasul ng langit. Nasa metro city ang subdivision nila at maraming man made na ilaw kaya mula roon ay hindi kayang hagilapin ang mga bituin gamit ang sariling mga mata. The lampposts on the sides made everything dimly clear though. Iyon din ang naging dahilan kung bakit niya nakita agad si Dudang na pababa na sa sobrang tarik na hagdan---ang shortcut papunta sa kabilang subdivision.

Huminto ito nang marinig ang boses niya. Kasama nito si Sora at matapos nitong sabihin dito na mauna na ay sinunod naman nito agad ang utos.

Dalawa ang side ng sobrang tarik na hagdang ito. Ang kanan na para sa mga paakyat at ang kaliwa na para sa mga pababa. Pababa si Dudang pero nasa kanan nito which really reflects its personality. Dudang just don’t like to follow rules.

“Seven steps. Seven lang dapat na hakbang ang pagitan mo sa akin or else, hindi kita kakausapin,” banta nito nang humakbang na siya pababa.

This highly elevated stairs have a total of 23 steps. Nasa pang-20 na si Dudang habang nasa pangatlo naman siya mula sa taas. Ibig sabihin, kulang pa siya ng sampung hakbang nang sagayon ay tuluyan niya nang maabot limitasyong tinakda nito para sa kanila. Yet, when Wataro reached that limit ay hindi niya napigilan ang sarili niyang humakbang pa ng isa, dalawa, tatlo . . . hanggang sa makalapit na siya kay Dudang para tuluyang mayakap ito.

Dalawa ang side ng sobrang tarik na hagdang ito.

Ang kanan na para sa mga paakyat at ang kaliwa na para sa mga pababa.

Parehong nasa maling gawi si Wataro at ang kapatid niyang si Dudang.

But he didn’t mind.

Wataro’s just willing to break the rules for his little sister.

***

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon