Dorothy Go
Dahil sa sobrang lakas ng ulan, hindi ako agad nakaalis sa sementeryo. Dahil wala akong masasakyan, sinadya ko pang hintayin na matapos ang libing ni Tenshin. At noong natapos na nga ito, sasabay na sana ako kina Mama sa pag-uwi kaso noong nakita ko si Miss Sam na naroon pa rin sa gilid ng hukay ay nagpaiwan muna ako saglit. Mabilis ko siyang pinuntahan at kahit malayo pa lang ay napansin ko na agad ang pagtaas-baba ng balikat niya. Wala nang tent sa ibabaw ng hukay ni Tenshin, wala rin siyang dalang payong kayang basang-basa na siya roon.
“Isa ka sa mga paboritong teacher ni Tenshin, tama ba?” tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Malawak ang sakop ng dala kong payong ko kaya sinama ko na rin siya sa pagsilong. She immediately stopped wailing nang makita niya ako. Minsan na siyang naging professor ni Tenshin sa isang computer subject at alam ko iyon dahil naikuwento niya iyon sa akin. He even describes to me how much he likes Miss Sam’s way of teaching. Na sobrang malinaw daw ito magturo at sobrang galing mag-eksplika. That Miss Sam can turn a very complicated topic into an easiest one. Bagay na hindi kayang gawin ng ibang professor.
“Dudang . . .” Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “Please help me.”
Pinakaayaw ko sa lahat ang hinihingan ako ng tulong. Not because I can’t help pero iyon ay dahil ako mismo ay hindi humhingi niyon sa mga pagkakataong nahihirapan na ako. Sa abot ng makakaya ko, hindi ako gumagawa ng kahit ano’ng katahangan para mauwi ako sa paghingi ng tulong ng iba. I always think in advance and I always make sure that everything I do is calculated. Ayaw kong magmukhang kaawa-awa sa paningin maraming tao. I also don’t like bothering people’s lives because of my own mess. And I’m sure na hindi lang ako ang ganito. Each of us is like this. Simply all of us have pride.
“Please, Dudang, tulungan mo ako.”
Miss Sam totally abandoned her pride when she asked that from me. And she must really be in a totally mess to abandon it.
“Your husband killed, Tenshin, right?” agad kong tanong. Kasi ano pa ba ang dahilan kung bakit siya magkakaganito? Iyon lang naman.
Lumuhod siya sa harapan ko. Bigla siyang humagulgol.
Fuck.
“Putangina ka!” Nginudngod ko siya sa hukay ni Tenshin. Sa sobrang galit ko, pinakain ko siya ng lupa. Sinampal, tinadyakan at sinabunutan ko rin siya ng makailang beses. Noong naghihingalo na siya, doon lang ako tumigil.
I cried hard after I did that. Nakalimutan ko na halos na may sariwang tama rin pala ako sa braso at binti ko. They bled after that, pero hindi ko na iyon inalintana.
Miss Sam told me everything. The day Kuya Wataro declined his husband’s offer, agad na nitong plinano ang pagpatay kay Tenshin. That he wants to do it as a warning kay Kuya Wataro. For him to back off. Alam din ni Miss Sam ang bawat tinatagong sikreto nito. Mula sa mga politicians na naipanalo nito sa nakaraang eleksyon maging ang mga hawak nitong illegal websites. Her father was its personal driver before. Na-stroke ito isang araw at si Mr. Gilbert nga sumalo sa lahat ng bayarin. Out of gratitude at dahil na rin sa laki ng ginastos nito sa tatay niya, Miss Sam was forced to accept the old fart’s marriage proposal nang alukin siya nito isang araw. Despite of having many previous wives and affairs, nagawa pa rin nitong maikasal sa kanya. Miss Sam had been enduring everything since the beginning of their marriage ngunit ang kamaikailang pagpatay nito kay Tenshin ay naging labis na sa kanya. She could no longer endure it that’s why she reached out to me.
“Bakit ako?” tanong ko sa kanya. Basang-basa pa rin kami ng ulan. Nakahilata pa rin kami sa ibabaw ng hukay ni Tenshin.
“Because you reminded me of my husband. Magkatulad na magkatulad kayo. Gagawin niyo ang lahat makuha lang ang gusto niyo,” sagot niya.
“I’m ambitious and greedy, but I will never come to a point that I’ll kill someone makuha lang ang gusto ko,” sagot ko sa kanya.
“I know. That’s why you are much more powerful than him, Dudang.”
We cleaned ourselves after that. Nalaman kong sumugod na pala si Kuya Wataro sa office ni Mr. Gilbert kaya humingi agad ako ng pabor kay Kaito na i-hack ang lahat ng device na naroon sa loob ng office ng satanas na iyon nang sagayon ay hindi ito makatanggap ng kahit ano’ng call o tawag mula sa labas habang hinahanda namin ang pag-atake sa kanya.
Mr. Gilbert has a control over the police but not the media. Maraming galit sa kanyang reporter kaya marami siyang kalaban doon. We contacted everyone who has a deep rage on him at nang maisaayos nga namin ang lahat, sabay-sabay kaming nagpunta sa building kung saan siya naroon.
Nagkagulo ang lahat ng empleyado niya nang puwersahan kaming pumasok. We have live cameras with us kaya hindi rin naman nakapalag ang security niya. Nang makarating kami sa tapat ng office niya, the reporters eavesdrop everything he said to Kuya Wataro. They even recorded everything word that comes off his mouth pati na rin ang pag-amin niyang siya mismo ang nag-utos na patayin si Tenshin.
Nang magkainitan na sa loob, nauna na akong pumasok. I slap Mr. Gilbert Pamintuan on his face twice. Tulang-tulala siya ng sa ginawa ko. The reporters came afterwards. At habang nagkakagulo ay napatingin lang ako kay Kuya Wataro. I just smiled at him habang may dumadaloy na masasaganang luha sa parehong pisngi ko.
I’m the one who brought him here. I’m the one who pushed him this far. I’m the one who made him suffer.
“Thank you for helping me, Dudang,” aniya na ikinagulat ko. Hihingi pa sana ako ng tawad sa kanya pero nauhan niya na akong magsalita.
Pinakaayaw ko sa lahat ang hinihingan ako ng tulong. Not because I can’t help pero iyon ay dahil ako mismo ay hindi humihingi niyon sa mga pagkakataong nahihirapan na ako. But I guess, I’ve been overdoing it. Maganda rin naman pala sa pakiramdam na sinasandalan ka ng iba kahit hindi ka sigurado kung sapat ba ang tatag mo para masandalan ka nila ng maayos.
“Tinulungan kita? Saan?” tanong ko sa kanya.
“You’re the heroine in this whole thing, but you are the one doing the role of the hero,” aniya.
“I love you,” iyon lang agad ang nasabi ko.
“See?” He chuckles at pagkatapos ay hinalikan niya ako. Pinanuod lang namin kuyugin si Mr. Gilbert ng media. The police immediately arrested him too. Miss Sam just sincerely smiled at me bago niya sinundan ang asawa niya.
What happened recently was just so heartbreaking and devasting at the same time. But we had already gone far at it and won’t make sense if we’ll just stop right here. Mababalewala lang ang pinagpaguran namin at mawawalan lang din ng saysay ang pagkamatay ni Tenshin. I might have made Kuya Wataro suffer but I’m going to make sure that he’ll not suffer alone. I’m with him in this. Until the very end.
***
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...