Wataro
“Good morning, Boss!” Everything’s surreal nang makarating siya sa mismong building na pagmamay-ari niya kung saan naroon ang office niya at pati na ng mga empleyado niya. Sinalubong lang naman kasi si Wataro ng sandamakmak na pagbati. Bagay na ngayon niya lang naranasan. I Love You Virus Incorporated, upon it’s second day of operation, has already employed more than a thousand workers. Iilan pa lang itong nakakasalubong niya dito sa lobby but they already overwhelm him very much. Wataro didn’t expect that he’ll be able to provide a lot of jobs by just simply following his passion and love in computer. Pero siyempre, hindi niya magagawa ang lahat ng ito kung wala ang tulong ng mga naging kasama niya sa pagtupad ng pangarap niyang ito. Project I Love You might have been his own idea at the very first place pero kung wala si Kaito, Sora, Ram, Attorney Warren, at lalong-lalo na si Dudang ay paniguradong mananatiling nasa isip niya lang ang kung ano man ang nakikita at nararanasan niya ngayon.
“Let me take you to your office, Sir!” Sinalubong agad siya ni Ram sa kalagitnaan ng paglalakad niya sa lobby.
Wataro smiled at him. Ram’s his very own accountant.
“You’re a bit late, Sir,” si Attorney Warren.
Wataro suddenly blushed. “Huwag niyo na akong i-Sir, nakakahiya. Magka-edad lang tayo. At oo, na-late ako ng kaonti kasi---” Ram cut him off.
“Huwag mo sabihing nag-jeep ka papunta rito?” tanong nito sa kanya.
Tulala lang na napatitig si Wataro sa kambal. “Bakit? Dapat ba nag-bus na lang ako para mas mabilis?”
“Omo!” Biglang napasigaw si Attorney Warren.
Nanatiling clueless si Wataro sa reaction ng kambal. He can’t just get what they’re trying to say to him.
“Daebak! Sir, Wataro! Hindi ka lang genius! Sobrang humble mo pa!” ani Ram. Inakbyan na siya nito.
Si Attorney Warren naman ang sunod na umakbay sa kaniya. “Don’t worry, we’ll issue you a car as soon as possible.”
Nagtungo na sila sa loob ng kakabukas lang na elevator.
Bago ito nagsara, sumagot muna si Wataro sa kanila. “T-totoong car?”
Kokak. Kokak. Kokak.
“Here’s the documents that you need to review. The one with red marks on their headers are just mere garbases. Mga offer na gustong bilhin ang kompanya mo. You can look at them pero huwag na huwag mong pirmahan.”
Tumango-tango lang si Wataro. May dinampot siyang isang papel roon pero agad niya iyong binaba dahil sa sinabing iyon sa kanya ni Attorney Warren.
“Yes, Sir. Your signature is very powerful now so please consult me anytime you’ll need to sign something.”
Parang batang tinakot ng nanay patungkol sa nuno sa punso ang naging reaksyon ni Wataro. Tumango lang din siya pagkatapos.
He’s already in his office right now, sitting on his chair and on his very own table with his very own name plate on it. Wataro Go – CEO – I Love You Incorporated. Nasa 11th floor itong office niya at sakop nito ang kalahati ng buong floor. Conference room, IT room, sariling kuwarto, sariling banyo, sariling kusina, guest room, gym, mini gulf field, name it, everything he needs and doesn’t need are already here. Para na rin itong isang buong bahay. It has a very good view of the cityscape on the glass wall just beside his table too.
“And Ram,” Attorney Warren signaled Ram who immdiiately handed him additional papers.
“I mark that documents green on their header. They’re the ones na kailangan mong pirmahan as soon as possible. Equipment purchases, employment contracts at marami pang iba,” paliwanag ni Attorney Warren.
Tumango-tango si Wataro. He takes a good look at the documents. He carefully read everything at sa mga pagkakataong may hindi siya naiintindihan ay agad siyang nagtatanong sa kambal. Wataro was humble enough to admit the things that he didn’t know and the twin wholeheartedly fill the gaps.
“Hindi kami nagkamali ng piniling Boss,” the twins commented nang matapos na siya sa wakas sa pagpipirma. Wataro just smiled at them, hindi rin siya nagkamali sa pagpili sa kanila.
Sunod na tinanaw ni Wataro ang mga documents na kailangan niya lang tingnan ng mabilis. He scanned the files at nang makita nga isang makapal na agreement ay bigla siyang nahinto roon.
It’s Miss Sam Pamintuan and its husband Gilbert Pamintuan’s offer to him na bilhin ang kompanya niya. Kahapon, personal ang dalawang nagpunta rito sa office niya para ialok ang offer na iyon. All this time, akala rin ni Wataro na single pa si Miss Sam pero nang nagpunta ito rito kahapon kasama si Mr. Gilbert na CEO ng baybayin.com, ang pinakaunang multi-platform search engine website dito sa bansa, nagulat na lang din si Wataro nang ipinakilala ito ni Miss Sam sa kanya bilang asawa nito. What horrified him the most is that, apat na taon na itong kasal rito. Isa sa mga hinahangaan ni Wataro si Mr. Gilbert sa larangan ng pagiging digital nomad, but he just didn’t expect na asawa pala nito ang babaeng hinahangaan niya dati.
Makailang beses na ring nadawit si Mr. Gilbert sa napakaraming political issues gaya na lang kamakailangang pagiging bias raw nito sa pagpo-promote ng isang kandidato sa website nito. Wataro had known Miss Sam as very dignified and sophisticated woman that’s why seeing her being affiliated with this guy, not just being affiliated, dahil nga asawa ito ni Miss Sam, just flabbergasted him to the next level.
Miss Sam just smiled at him emotionlessly nang makaupo ito sa tapat niya kahapon kasama ang asawa. Mr. Gilbert offers him 30 billion pesos pero tumanggi lang si Wataro. Kahit kailan ay hindi niya ipagbibili ang kompanya niya. Pinagpaguran niya ito at pati ng mga taong malalapit sa kanya.
“But just keep these papers, Mr. Wataro Go. Baguhan ka pa lang sa industriyang ito. Baka mamaya, kailanganin mo ang tulong ko,” anito sa kanya. Humalakhak din ito sa nakakaliabot na paraan. His flashback ends there.
“All the unsigned documents will be shredded,” ani Attorney Warren sa kanya.
Muling napatingin si Wataro sa papel na hawak niya. Mr. Gilbert’s sarcastic laugh is still echoing inside his head.
Tumango lang si Wataro. Binalik niya na rin sa ibabaw ng mga papeles ang hawak na dokumento. Kinuha na rin iyon ni Attorney Warren at nilagay na sa box for shredding.
By 11 in the morning, dumalo si Wataro sa first ever shareholder meeting. Major shareholders ang dumalo at bukod sa kanya ay naroon din si Kaito, Sora. Ram at Attorney Warren na siyang nag-handle ng buong meeting.
Sa kalagitnaan niyon, sabay-sabay na nag-ring ang telepono nina Kaito, Sora at Wataro. They were about to ignore it dahil sa nasa kalagitnaan sila ng pagpupulong but because of the mere fact na sabay-sabay silang nakatanggap ng tawag ay napagdesisyunan na ni Wataro sagutin na lang ang skanya.
He immediately excuses his self at nang makalabas sa conference room ay agad niyang sinagot ang tawag na nanggaling sa nanay nilang dalawa ni Dudang.
“Wataro! Jusko!” Umiiyak ito sa kabilang linya.
Matinding kaba ang dumaloy sa katawan ni Wataro.
“Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa ‘yo pero si Tenshin---” Huminto at umiyak ulit ito ng walang habas. Wataro remained silent. Though, his hands are already shivering.
“Bakit po, Mama?” He managed to ask.
“Si Tenshin at Dudang, nabaril silang dalawa dito sa hospital, Wataro. Ngayon lang.”
Napatingin siya kawalan. Sa glass window ng opisina niya rito sa 11th floor kung saan tanaw na tanaw niya ang cityscape sa baba. Boluntaryo niya ring naibaba ang kamay niyang may hawak ng kanyang cellphone. His mother is still wailing on the line. Suddenly, a poignant tear escapes from his right eye.
Everything’s surreal nang makarating si Wataro kanina rito sa building na sa wakas ay pagmamay-ari niya na. When his employees greeted him on the lobby, Wataro had said to his self that finally, he made it. And yes, he fucking made it. But what he’s not aware of is that, along with this glimmering success tails a very dark horror. When success had finally made its way on his door, real enemies started to follow suit.
***
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...
