Dorothy
“His little sister? His future wife? Pardon po? Medyo nalilito po kami?” tanong sa akin ng reporter. Napairap lang ako, napangisi, at napabuga ng hingina. Gusto ko rin sanang pumalakpak pero hawak-hawak ko ngayon ang kamay ni Kuya Wataro kaya hindi ko magawa-gawa. I’m just feeling so happy that I’m able to play the minds of these fools. Pero siyempre, tama lang din na sinabi ko iyon. They asked me kung sino ako at sinagot ko lang naman ang tanong nila. At isa pa, nakukulangan ako sa dami ng media na nandito. They filled the whole lobby kaso gusto ko ‘yong mas madami pa rito. At para magawa ko iyon, I need to create a buzz--ngg bagay na mapaguusapan ng mga taong bored sa buhay nila. Once they’ll know that I’m Kuya Wataro’s little sister and that may balak akong pakasalan siya, ikakagulo iyon ng utak nila at dadada sila ng dadada. And that’s my goal right now. To create more noise. More noise means more buzz. More buzz means more money. At gaya ng paulit-ulut kong sinasasabi, kapag pera na ang paguusapan, I would really go crazy for it. As if I’m a fucking disturbed lunatic.
“Omo! Omo! May sinabi po ba akong gano’n?” tanga-tangahan kong tanong sa reporter.
“So Miss Dorothy Go? Ano nga po ang plano ni Mister Wataro Go sa software niya ngayong ang daming gustong bumili nito?” tanong ng isa pang reporter.
Okay, fine. Hindi na sila masyadong interesado sa kung ano man ang namamagitan sa amin ni Kuya Wataro. Pero ayos lang, paniguradong marami pa rin akong nainis dahil sa bagay na iyon. Pagpi-piyestahan nila ako sa internet na pinatulan ko ang sarili kong Kuya at pagmamasdan ko lang silang ginagawang clown ang mga sarili nila. Stupid people always jump to conclusion without knowing first the truth. And I hope that their words will just haunt them. And it if will haunt them, I hope that it’ll haunt them bad.
“Sa totoo po niyan,” umakto ulit akong inosente, “hindi pa po namin alam kung ano ang gagawin ngayon namin ni Kuya Wataro sa bagay na iyon. Sobrang overwhelming pa po kasi ng mga nangyayari. At saka, nandito pa po kasi sa ospital ‘yong isang kapatid ni Kuya Wataro.” Tumawa ako.
Mas dumami pa ang tanong. Sinagot ko naman ng pais-isa. Nakita kong may mga doktor ding nanunuod sa amin kaya sinulit ko na ang pagkakaton. “Gano’n nga po. Hindi pa po kami makapag-decide sa kung ano ang gagawin. Saka na ho siguro kapag natapos na ‘yong operation ni Tenshin.” Pinakilala ko na si Tenshin sa kanila kanina. That he’s his younger brother from his real parents. Nagulantang ako nang may isa sa kanila ang nakaalam na foster siblings lang kami ni Kuya Wataro kaya naisiwalat ko na ng wala sa oras ang bagay na iyon. Still, I know that I will still get some reactors with what I have said earlier. At ikasisiya ko na iyon. Kahit kaonti lang sila.
“Naghahanap pa po kasi kami ng pera para sa operation niya at para sa bago niyang puso. Sabi kasi ng mga doctor, hindi pa raw nila ma-o-operahan si Tenshin hangga’t wala kaming pambayad.” Naglungkot-lungkutan ako. “Kaya sorry po talaga kung wala po muna kaming matitinong maisasagot sa inyo ngayon,” dagdag ko.
Marami pa sanang mga tanong pero hindi ko na pinansin ‘yong iba at hinila ko na si Kuya Wataro papasok ng elevator na nasa gitna ng lobby. Pagpasok namin doon, biglang nanghina ang tuhod ko. Napaupo ako agad sa flooring.
“Dudang!” Agad akong inalalayan ni Kuya Wataro.
“Kumusta ang actings skills ko?” tanong ko sa kanya. Agad kong kinuha ang salamin sa bulsa ng palda ko. “Shocks! Hindi man lang ako nakapag-polbo.”
Kokak. Kokak. Kokak.
Lumuhod si Kuya Wataro sa harapan ko para pantayan ako. May ngiti sa mukha niya. “Salamat sa pagsagot para sa akin,” aniya.
Papanhik na ‘yong elevator sa seventh floor. Tinitigan ko lang siya. “Ang galing ko ‘di ba?”
Tumango siya. Tumawa lang ako at nagpatulong na sa kanyang tumayo. Pagdating namin sa room ni Tenshin, emosyonal kaming sinalubong ni Mama. Hindi naman makatingin si Papa sa akin. ‘Yong mga magulang ni Tenshin, naroon din. Gano’n din si Sora at Kaito. Tenshin’s on his bed. Naka-thumbs-up sa akin. Napanuod nila ako sa news.
“Dudang! Artista ka na!” Niyakap ako ni Sora.
“Maganda ba ako sa TV?” tanong ko sa kanya. Tumango-tango lang siya.
Tinapik naman ni Kaito si Kuya Wataro sa balikat. Ganoon din ang ginawa ko kay Kaito. All of them did a good job today.
Si Kaito ang nagpakalat ng Virus. Si Sora ang unang nag-over-react sa social media. At si Kuya Wataro naman ang sumira sa virus. It’s a total teamwork.
“Dudang? Ipaliwanag mo nga sa akin kung ano ang nagyayari?” ani Mama.
Umupo lang kaming dalawa sa maliit at mababang sofa na naroon. Nakatingin lang din silang lahat sa amin. Inaabangan ang sagot ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Mama. “No’ng pinapili ko kayo sa pagitan namin ni Miss Sam, ‘di ho ba sinabi ko sa inyo na magiging mayaman ako? Ginagawa ko lang po kung ano man ang sinabi ko.”
“Dudang! Jusko!” Naiyak si Mama.
“Tenshin needs help too. Kaya kailangan kong madaliin ang pagpapayaman ko,” dagdag ko.
Maya-maya pa, may dumating ng doktor na may kasamang dalawang nurse kaya natigil na si Mama sa pag-iyak. Binati namin ang doktor at pinagkinggan lang namin siya.
“All of our system went down this morning. Lahat ng mahahagang data na maaring makapagsalba ng buhay ng mga pasyente namin ay nawala. But suddenly, a hero appeared, saving our hospital and the lives of our patients. And we’re glad na kapatid pala ng isa sa mga pasyente namin ang hero na iyon.” Unang napatingin ang matandang lalaking doktor kay Tenshin at pagkatapos ay kay Kuya Wataro naman. “Bilang pasasalamat, please allow our hospital to cover the patients’s expenses. The operation can be done anytime at may available na ring puso.”
Nagsiiyakan kaming lahat na naroon dahil sa sinabing iyon ng doktor. Huli na ako nang matablan ng pag-iyak nilang lahat at doon lang ako nanlambot nang makita kong humahagulgol na si Kuya Wataro habang niyayakap si Tenshin.
I am a very greedy person. Lahat ng gusto, sinisikap kong makuha ko lagi. And that greed of mine causes me to do unexpected decisions from time to time. Natatakot din ako paminsan-minsan sa kung ano man ang kakahantungan ng mga desisyon ko, pero mas nangingibabaw lagi ang kasakiman ko kaysa sa sariling takot.
“Fuck! Fuck!” Napamura lang ako habang umiiyak sa kinatayuan ko. Nang humiwalay na si Kuya Wataro kay Tenshin ay ako naman ang sumunod na yumakap kanya.
But I guess, that’s how just life works. Kailangan mong magbato ng matapang na tanong para makakuha ng matapang na sagot.
***
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...