Wataro
"Saan ka pupunta, Wataro? Hoy!" Kaito immediately followed him when he suddenly stormed out from the office of the crime investigation unit. Thanks to the very advance technology of Project I Love You at nagawa nilang dalawa ni Kaito na ma-retrieve agad ang lahat ng call and text history sa cellphone ng pumatay kay Tenshin. With that, mabilis rin nilang nalaman kung sino ang nag-utos rito na patayin ang kapatid niya. And Wataro was even shocked nang makumpirma niya kung sino. All he thought was that mahihirapan siyang ungkatin kung sino ang mastermind, but just as easy as unwrapping a candy, ni hindi sila inabot nang ilang oras para malaman na si Mr. Gilbert Pamintuan ang siyang pasimuno sa lahat ng kagaguhang ito.
"Papapatayin ko po ba?" tanong ni Romualdo Casilac sa kabilang linya. It's Tenshin's killer, and Wataro can hear again the conversation they retrieved habang paalis siya dito sa hallway.
"It depends on the situation, Mr. Casilac," sagot ni Mr. Gilbert Pamintuan. Naikuyom ni Wataro ang kamao niya habang naglalakad ng walang kasing bilis. Kaito is still following him. The hallway's just short pero tila kay haba niyon para kay Wataro. He just wants to immediately find the exit of this bullshit place. Gusto niya nang makaalis rito't makaharap na si Mr. Gilbert Pamintuan. There are so many things that he wants to ask him. And there's so many things that he wants to do him. Isa na iyon ang pagsakal dito hanggang sa lagutan ito ng hininga.
"Kill Mr. Go's brother if he'll resist." Napahawak si Wataro sa dibdib niya nang sa wakas ay makalabas na siya sa office na iyon. He feels like he's suffocating that's why he took a very deep breath after kneeling on the ground. The veins on his neck immediately become visible. Hindi niya maatim kung paanong may nabubuhay na ganitong kasamang tao sa mundong ito. Wataro can't grasp how evil Mr. Gilbert Pamintuan is. He just can't.
Gayon pa man, tumayo pa rin siya roon. He still needs to face him. Kailangan pa nilang magtuos.
"Wataro? Ayos ka lang ba?" Kaito asked him. The two of them are still wearing their black suit bilang pagluluksa sa libing ni Tenshin sa araw na ito. Hindi nila nagawang dumalo dahil sa pangako ni Wataro ritong bibigyan niya agad ng hustisya ang pagkamatay nito sa loob lang ng pitong araw. Today's just the fifth day, and he thinks that he can already fulfill that promise to his little brother sa mismong araw na ito.
"Huwag mo muna 'tong sabihin kay Dudang. I'll be back," hayag ni Wataro kay Kaito na agad din naman niyang iniwan doon. By the time he went inside his car, agad niya rin itong pinasada sa daan. And on his way towards Mr. Girlbert Pamintuan, hindi mapigilan ni Wataro ang sarili na magalit muli.
Anger is heavy. It's also self-defeating and unhealing. Iyon ang madalas na pinaniniwalaan ni Wataro that's why he's always civil and gentle sa bawat galaw at salita niya. Yet, he learned another thing about anger today. That no matter how destructive it is, feeling and experiencing it is still valid.
"Ah!" Napaiyak si Wataro habang nagmamaneho. Bumabalik pa rin sa kanya ang mga alaala ni Tenshin. The good and the bad, and it's killing him now.
Napahinto ang lahat ng empleyado ng baybayin.com nang makarating siya sa office building nito. The personnel on the receiving area was so shocked too nang makita siya. Magpahanggang ngayon kasi ay pinaguusapan pa rin ang biglaang tagumpay niya sa I Love You Incorporated at pati na rin ang usapin sa biglaang pagkamatay ng kapatid niyang si Tenshin, kaya't hindi na rin nakakapagtaka na halos lahat ng narito ay kilala siya. Another thing was that iloveyou.com had already replaced baybayin.com in terms of being a top website. And him being around in this exact place of his competitor is causing too much tension towards the workers that are all here.
"Let him in," rinig ni Wataro na ani Mr. Gilbert sa kabilang linya. The personnel on the receiving area returned the phone on the receiver. Hindi na hinintay ni Wataro ang susunod nitong sasasabihin at nagpunta na lang siya sa mismong elevator. It was vacant at nang makapasok ay agad niyang pinindot ang button for 11th floor.

BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...