Chapter 17

63 8 0
                                    

Wataro

Susundan pa lang sana ni Wataro si Dudang nang bigla siyang matigil sa paghakbang nang makatanggap siya ng tawag. The call was from Miss Sam at habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata ay wala siyang ibang nagawa kundi ang titigan lang iyon. What happened between him and Dudang was so devastating that it causes for his mind to totally shut down. Ramdam na ramdam niya rin ang pagkawasak ng puso niya magpahanggang ngayon at hindi nga niya alam kung ano ang gagawin maibsan lang ang sakit nito.

Napahawak si Wataro sa rail para alalayaan ang sarili. Humagulgol siya sa huling pagkakataon at pagkatapos ay sinagot na ang tawag ni Miss Sam.

“Pauwi na ako, Mister Wataro. Hindi na ako tumuloy sa inyo. Your sister must really hate mo so much. And don’t worry, hindi naman ako gaanong nasaktan nang sinundan mo siya kanina. You’re his older brother at talagang mas pipiliin mo siya kaysa sa akin,” anito sa kabilang linya.

Kagat-kagat lang ni Wataro ang kanang kamay habang nagsasalita ito, he’s trying to stop his self from making any sound, lalong-lalo na iyong galing sa pag-iyak niya.

Inayos niya ang kanyang sarili. Tumikhim at sinubukang ngumiti. “Pasensya na, Miss Sam. Pasensya na sa nangyari. Pero . . .” Huminto siya saglit. Napatingin siya sa daang tinahak ni Dudang. Sobrang layo na ng nilakad nito. Papunta ito sa exit ng subdivision. “Puwede ba tayong magkita ngayon?” pagpapatuloy niya.

“Bakit?” tanong ni Miss Sam sa kabilang linya. “Are you breaking up with me?”

Mas lalong napaiyak si Wataro ngunit ginawa niya lang iyon ng tahimik.

“Ah, oo nga pala. You can’t break up with me. Kasi hindi pa naman tayo. Wala pa namang tayo. Hindi pa naman kita sinasagot. But sure, we can see each other now.”

Wataro give him the details. Sinabi niyang magkikita sila sa over pass na nasa gitna ng city. It’s a very cheap venue pero iyon lang talaga ang naisip niyang lugar kung saan puwede silang masinsinang mag-usap. Aside from that, that venue will cost them nothing too. Walang kapera-pera si Wataro ngayon at kahit kape ay hindi niya kayang bilhan si Miss Sam.

Nauna si Miss Sam na makarating roon. She’s dressed in a very elegant and very brilliant green dress. May suot din itong magagandang alahas at may tangan-tangan ding branded na bag. She’s on its full make up too, kaya mas tumingkad pa ito nang matagpuan ito ni Wataro doon.

“Miss Sam . . .” untag niya nang makalapit siya dito. Mahangin doon at kita niya kung paano umaalon ang suot nito pati na ang mahaba nito buhok.

She smiled warmly at him. Gaya ng ginawa nito noong nasa mini-forest sila ng university. Iyong mismong araw na pinayagan siya ni Miss Sam na ligawan niya ito.

“Am a bit dolled up? Sorry. Gusto ko lang magmukhang maganda the moment that you’ll reject and dump me,” anito.

Nakagat ni Wataro ang ibabang labi niya. “Sorry talaga, Miss Sam. Sorry talaga sa inasta ni Dudang kanina.”

Umiling-iling si Miss Sam. “There’s no need to apologize. Your sister is really brilliant. Alam niyang ginagamit lang kita kaya inaatake niya ako.”

Napayuko si Wataro sa sinabi nito. He’s aware of that thing too pero nasaktan pa rin siya nang marinig mula rito ang bagay na iyon. Afterall, despite of all those front and fake acts, he sincerely likes Miss Sam.

Lumapit si Miss Sam sa kanya at tila apoy nga siyang muling nabuhay nang hawakan siya nito sa braso. “And you’re brilliant too, Mister Wataro.”

Umayos itong muli sa harap niya. “Unang kita ko pa lang sa project niyo, alam ko nang malayo ang mararating ninyo ni Mr. Kaito. It’s very unique and it looks like its already finished, kaya sobrang naging interesado ako. I want to be your first investor kaya sinikap kong maging malapit sa ‘yo para makuha ko ang loob mo. What I didn’t expect though was that you’re too easy to get.”

Tumawa ito ng mahinhin.

Napangiti rin si Wataro sa sinabi nito.

“But seriously, Mister Wataro, I sincerely like you too. You’re just too physically attractive and too young that girls like me would immediately fight for you. Too bad, hindi ko nagawang makipag-sex sa ‘yo. You have no idea how many times I imagine you fucking me hard like crazy.”

Hinawakan siya nitong muli sa balikat. “I don’t want to hear you dumping me that’s why just let me do the talking, okay?”

Tumitig lang si Wataro rito. She knows that Miss Sam is hurt too pero hindi niya mahanap ang kalungkutan sa mga mata nito. Miss Sam’s eyes, despite of looking like a precious pair of ornament, feels empty and dead.

“Another thing Mr. Wataro. I’m really interested with your project. It’s not just an anti virus software, right? It’s also a website and a future marketplace? Like Jack Ma’s Alibaba and Zuckerburg’s Facebook?” pabulong nitong sabi.

Tama ang lahat ng sinabi ni Miss Sam. Pero may kulang. ‘Project I Love You’ is not only a software and a website. It’s also a search engine and browser that if it’ll get a proper monetization, can become bigger than Google and Microsoft Edge.

“Make sure na hindi ito maagaw ng iba sa inyo. Make sure na hindi ko rin ito maagawa mula sa ‘yo. I’m just a middle-class woman and honestly, I’m a bit greedy and ambitious. And just like your little sister, handa rin akong gawin ang lahat para yumaman.”

Ngitian siya nito ng malapad. “I’m willing to become an investor, anytime. Remember the Murphy’s Law that I discussed in our class? Anything can go wrong anytime, and you’ll never know what will happen kaya kahit wala nang namamagitan sa atin, make sure that you’ll keep your contact with me.”

Umatras ito ng kaonti at pagkatapos ay tinalikuran na siya. Yet, when Miss Sam reached the middle of the overpass, nilingon siya nito at muling binalikan.

“Can I kiss you for the first and for the last time?” tanong nito sa kanya nang makalapit ito sa kanya.

Natawa lang si Wataro sa sinabi niya. Tatanggi pa sana siya kaso wala na siyang nagawa nang lumapat na ang mga labi ni Miss Sam sa kanya. Hindi iyon nagtagal at agad ding natapos. It left him dazed and confused at wala na nga siyang iba pang nasabi nang tuluyan na nga itong nakababa mula roon.

The night was so solemn that time na kahit ang malapad na kalsadang nasa baba ay kataka-katang hindi masyadong inuukupa ng mga sasakyan. The buildings around the over pass seems to be sleeping already too. Ganoon din ang malungkot na syudad kung saan ito nakatirik---kung nasaan siya ngayon.

Just like Miss Sam, Wataro believes in Murphy’s Law. That anything that can go wrong will go wrong. Pero hindi ba’t may kakahayan naman tayong pigilan iyon? And that we all have the capacity to make a choice na piliin ang kung ano mang bagay ang hindi gaanong magdudulot ng kapahamakan sa atin---kahit na medyo masakit, at kahit na nakakawasak ng puso.

“Dudang? Saan ka?” tanong niya rito matapos nitong sagutin ang tawag niya. Nasa over pass pa rin siya at habang hinihintay ang sagot nito ay napatitig lang siya sa tila walang hanggang daan na nasa harapan niya.

“Nasa ospital ako ngayon. Pumunta ka agad rito. Malala na ang lagay ni Tenshin. Mag-ingat ka sa daan.”

Wataro believes in Murphy’s Law. That anything can go wrong will go wrong. Pero talaga bang may kakayahan tayong pigilan ang mga masasamang bagay na maaaring mangyari? And that, as an imperfect and very weak human being, do we really have capacity to do that? Kaya ba talagang baguhin ng mga desisyon natin sa kasalukuyan ang magiging takbo ng panahon?

Iyon ang mga bumabagabag na tanong sa kanya nang marinig ang sinabi sa kanya ni Dudang. This time, he’s heart just stop breaking. Sobrang gumuho na ito’t wala na itong natitirang kakayahang mas gumuho pa.

***

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon