Chapter 16

64 8 0
                                    

Dorothy

Nagulantang ako nang yakapin niya ako mula sa likod. I clearly told him my condition. Na ‘pag lumagpas siya sa pitong hakbang ay hindi ko siya na siya kakausapin kahit kailan. Pero ano ‘to? Ano ‘to ginagawa niya?

“Ginagawa mo? Gago ka ba?” pagmumura ko sa kanya.

Mas humigpit lang ang yakap niya sa akin.

“Dudang . . .” he called my name. My heart suddenly melts. Galit ako at hindi ako dapat nagpadala sa mga ganitong klaseng galawan niya. I’m his little sister. He’d known me for how many fucking years at alam na alam niya kung ano ang kahinaan ko.

Puwersahan ko siyang kinalas mula sa akin. Winasiwas ko ang kamay niya at nang magawa ko iyon ay dali-dali na akong bumaba para iwan siya roon. Tatlong baitang lang naman ang nilayo ko sa kanya pero nang magawa ko iyon ay pakiramdam ko, sobrang layo ng hinakbang ko mula sa kanya.

“Huwag kang lalapit.” Humihina ang boses ko kaya pinipilit ko itong palakasin. “Galit ako.”

“Mag-usap tayo, Dudang. Please, huwag kang umalis.” Napahawak siya sa rail. And he sounds like he’s pleading when he said that.

“It’s already useless. Alam mo ‘yan. ‘Yong bitch na ‘yon ang pinili nina Mama, kaya tumigil ka na. Wala na tayong dapat pang pagusapan pa,” derederecho kong sabi, pinipigilang huwag mautal.

“Kailan mo ba talagang gawin ‘to, ha? Dudang?”

Nanghina akong muli kung paano niya iyon sabihin. He looks like he’s going cry anytime.

“Sinabi ko na sa ‘yo, ‘di ba? Na hindi ko gusto ang bitch na ‘yon pero ginusto mo pa rin siya! At akala mo ba, ako lang? Kaito also hates her so much. That bitch already has a hint about your project. Kung gaano ito ka-delikado at kung gaano ito kalaki. At anytime ay puwede niya kayong ilaglag. Kuya Wataro, hindi mo ba nakikita ‘yon, ha?” inis kong sabi sa kanya. At ang isa pang kinaiinisan ko, alam ni Miss Sam na baliw na baliw sa kanya si Wataro kaya ginagamit niya ito para makuha ang gusto niya. Between him and Kaito, siya ang pinakamahina kaya ito ang ginawa niyang target.

Sobrang lantad na ang issue na university namin na may mga professors na nagti-take-advantage sa mga intellectual properties ng mga estudyante nila. Mula sa mga lumang thesis, mga naabanduna ng inventions at kahit na mga nobela ng mga nagdaan nilang mga estudyante ay palihim nilang pinagkakatian. May mga nabibisto pero mas may mga nakakagawa pa rin nito ng pailaim.

I don’t still have any idea about their project, but I know that it’s really great and big. Nasabi na ito sa akin ni Kuya Wataro dati at sa pagkakaalala ko ay hindi lang software ang project nila, kundi isa ring social multimedia platform. Naitanong ko ‘yon sa kanya nang makapulot ako ng papel sa kuwarto niya na may nakasulat na address ng isang website. At iyon ay ang www.iloveyou.com. Hindi pa nila ito nila-launch pero marami na raw ang gustong mamuhunan dito.

“Gusto lang akong protetakhan ni Miss Sam,” paliwanag niya.

Napabuga ako ng hininga. “So, alam mo na ginagamit ka lang niya?”

“Ginagamit ko lang din siya, Dudang,” sagot niya.

Ikinakunot iyon ng noo ko. Humakbang na siya pababa at ngayon ay nasa harap ko na siya. Sobrang tangkad niya kaya napapatingala ako habang tintitigan ko siya.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ko.

“Iyong araw na nag-beta test kami at nagkaroon ng gulo, marami na ang naghinala sa project namin ni Kaito. Alam kong interesado din si Miss Sam sa project namin, pero hindi gaya ng iba, wala siyang balak na kunin ito sa amin. Iyon nga lang, nararamdaman ko na kapag na-launch na ito ay gusto niyang siya ang may pinakamalaking share. Sinadya kong mapalapit sa kanya para ma-mislead ko siya, pero ito na nangyayari. Nagkakanda-gulo-gulo na ang lahat.” Kuya Wataro looks miserable when he’s explaining that. He’s a very silent of guy at ayaw niya ayaw niya sa lahat ang mag-explain kaya alam kong sobrang laking effort nitong ginawa niyang pagpapaliwanag sa akin. Infact, pinagpawisan at hiningal siya nang matapos niyang sabihin iyon.

“Pero gusto mo siya?” tanong ko sa kanya.

Hindi ako kumurap habang nakakatitig ako sa kanya at hinihintay ang kanyang sagot. Gustong malaman iyon ng direkta sa kanya. Gustong sampalin niya ako ng sagot niyang iyon.

“Oo, Dudang,” mahina niyang turan na tila may bakas ng pagsuko.

“Pero gusto rin kita, Kuya,” mabilis kong bawi.

“Dudang . . .” Nakita ko ang panginginig ng pilikamata niya.

“Mali,” napayuko ako, “Mahal pala kita.”

“A-alam ko ‘yon, Dudang.”

“Hindi! Hindi mo ‘yon alam, Kuya Wataro! Ibang ‘mahal’ ang tinutukoy ko!” Pataas ng pataas ang boses ko at hindi ko alam kung kailan ako guguho. I know that it sounds like a fucking bullshit, but I really like my older brother. Gustong-gusto ko siya to the point handa akong ibuwis ang buhay ko para sa kanya. And that every time someone tries to harm him ay hindi ako magdadalawangisip na ipaglaban siya sa taong ‘yon. Magkamatayan man.

And yes, girls like me can do that too. Kaya rin naming---kaya ko ring maging hero para sa leading man ko. Kaya ko!

“Pero kapati---”

“Huwag. Huwag mong ituloy ‘yan. Kuya Wataro, please. Huwag mong ituloy ang sasabihin mo.” Kinagat ko ang labi ko habang nakatitig ako sa kanya. The moment he’ll continue that, I know that it will be over. At ayos lang sana kung ako ang lang ang mawawasak kapag tinuloy niya iyon pero alam kong pati siya ay madadamay at dahil sa sobrang mahal ko siya ay hindi ko hahayaang mangyari iyon.

“Alam natin ang totoo. Alam nating dalawa ‘yon. Alam nina Mama ‘yon. Alam ni Sora. Alam ni Kaito. Alam ng buong mundo!” I shouted at him, at hindi ko na nga napigilan na lumuha.

“Dudang, you’re my little sister. Ikaw lang ang nagiisang babaeng kapatid ni Kuya Wata---"

“Hindi kita totoong kapatid dahil ampon ka lang! Ampon ka lang!” sorang lakas kong sigaw sa kanya habang patuloy lang na umaagos ang luha ko.

Because of Tenshin’s weak heart---which is his real little brother---napilitan ang mga magulang nilang ipaampon si Kuya Wataro sa amin. Labag iyon sa kalooban ng mga magulang niya but because of poverty, they were left with very few options. At iyon nga ang naisip nila. Magkakaibigan ang mga magulang namin at sobrang lapit lang ng tinitirhan ng isa’t isa kaya madali lang nilang makikita si Kuya Wataro kahit kailan man nila gusto. I can’t remember the day na napunta sa amin si Kuya Wataro pero nagkaisip na akong nandiyan siya. At namulat din ako sa katotohanang hindi ko siya totoong kapatid dahil hindi naman iyon tinago nina Mama at Papa. Hindi nila iyon tinago sa kaniya.

Pero kahit gano’n, wala akong maalalang araw na tinuring naming hindi kabilang si Kuya Wataro sa pamilya namin. My parents just love him so much that I naturally learned to love him too. Sa katunayan ay sobrang dali lang na mahalin ni Kuya Wataro. Kaso, iyon nga lang, napasobra ako sa pagmamahal ko sa kanya.

When I hit puberty, doon ko natantong sobrang kaakit-akit niya pala bilang isang lalaki. And that every girl around me feels the same too. Walang hindi gustong maangkin siya. At habang tinatangka nga siyang maangkin ng iba ay sinisikap ko laging huwag iyong mangyari. Kahit sobrang mali. Kahit hindi tama.

Noong una, akala ko puppy love lang ang nararamdaman ko sa kanya. I even masturbated several times too para mawala lang ang sobrang intense na pagkagusto ko sa kanya. But every time I try repelling from it, mas lalo lang akong nababaliw sa kanya. Mas lalo lang akong nahuhulog. Mas lalo lang akong napapamahal.

“Dudang?” Lumayo siya ng kaonti sa akin. “Tinuring mo ba si Kuya Wataro na totoong kapatid mo kahit isang beses lang?” tanong niya. Gaya ko, bumubuhos din ang mga luha niya mula sa mga mata niya.

Napaluhod ako. “You’re so cruel, Kuya Wataro. Nalaman mo na ngang mahal kita, gusto mo pa ring malaman kung itinuring kitang kapatid. Napakasama mo. Napakasama.”

Tumayo ako at pumahik nang muli sa tamang hagdan. Nilagpasan ko siya at hindi na muling kinausap o niligon pa. I heard him sobbing. I even heard him wailed. Pero hindi ko na kaya pang balikan pa siya. Hindi na.

Dalawa ang side ng sobrang tarik na hagdang ito. Ang kanan na para sa mga paakyat at ang kaliwa na para sa mga pababa. Kanina, wala sa isip kong tinahak iyong maling side ng hagdan. But I’ve finally learned my lesson now. And I’ve learned it in the most painful way.

***

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon