Chapter 11

73 8 0
                                    

Wataro

Calculating the distance between where he came from at kung nasaan ngayon, sa tantiya niya’y lalagpas iyon ng limang kilometro. Tinakbo niya ito nang dalawampong minuto at ibig sabihin ay naging kasing bilis niya at isang motorsiklong pumapasada sa natural nitong bilis. And all he was thinking that moment he was running was his little sister that he forgets to grab a taxi nang sagayon ay mas maging mabilis pa sana ang pagdating niya. Tuloy, labis na papanakit ng binti ang nararamdaman niya ngayon at kahit umiinum na ng kape ay hinahabol niya pa rin ang sariling hininga.

“Sorry for calling you that way, Mister Wataro. It was just that your little sister became really angry with me when I told her na ikaw ang mismo ang nagsabi sa akin na hi-nack mo ang CCTV ng Traffic Management para sa kanilang dalawa ni Miss Gilhang,” Miss Sam told him habang nasa tabi niya ito.

Napayuko lang siya bilang sagot sa sinabi nito. And what she said was right. Na siya nga mismo ang nagsabi rito patungkol sa bagay na iyon. Nangyari ang pagbabahagi niya ng sikretong iyon nang si Miss Sam na mismo ang boluntaryong naghatid sa kanya sa police station imbes na ang mga pulis. They were still clueless that time kung bakit siya pinapapunta siya sa police station kaya hindi nito naiwasang mapatanong sa kanya.

“May naisip ka bang dahilan kung bakit ka nila pinapatawag?” tanong sa kanya ni Miss Sam habang nagmamaneho ito sa tabi niya.

Natulala lang si Wataro sa pagkakataong iyon. First time niyang mapapunta sa police station kaya wala siyang ideya kung ano ba talaga ang masamang nagawa niya.

“Think of anything. May nabundol ka ba? Nag-drive ka ba ng walang lisenya? May hi-nack ka bang system? Please think immediately so I can help you as fast as I can. May kilala akong lawyer kaya baka magawan agad natin ng paraan. Your future is very bright, Mr. Wataro and you just can’t get jailed.”

Ramdam niya ang pagkataranta nito na first time niyang nasaksihan. Miss Sam’s a very calm and sophisticated woman who’s full of finesse. At ang makitang labis ito kung magaalala sa kanya ay nakakapanibago, and the same, nakakatunaw ng puso.

“Ah,” inosenteng napaawang ang maliit na bibig ni Wataro nang may biglang naalala. He’s blushing that time at nagpipigil ngiti kaya’t naging gano’n na lang kalimitado ang salitang nabigkas niya.

Alalang napatingin si Miss Sam sa kanya. “Bakit? May naalala ka na ba?”

Nakasunod lang sila sa police car at palipat-lipat nga lang din ang tingin nito sa kanya at sa daan.

“Miss Sam, mababangga po tayo . . .” inosenteng tinuro ni Wataro ang daan habang natatawa.

Umiling-iling si Miss Sam. Tumitig lang ito sa kanya. “Faster. Just answer me. I don’t want you to get jailed, okay?”

Tumango-tango siya. “Hi-nack ko po ‘yong CCTV ng Traffic Management sa araw na ito.”

Biglang pumreno ang sasakyan nila ng walang kasing lakas.

Hindi naman nito na-apektuhan si Wataro. “Nag-community-service po kasi si Dudang at si Sora at ayaw ko silang mabilad sa araw kaya ginawa ko ‘yon.” Humabol pa siya ng ngiti.

Nakaawang naman ang bibig ni Miss Sam habang hawak-hawak ang manebela. “Mister Wataro Go? Are you crazy? Sa lahat ng puwede mong i-hack, bakit ‘yong sa Traffic Management pa?!”

Napatili si Ma’am Sam sa inis.

Tulalang napakurap lang si Wataro. “A-ano po bang meron sa Traffic Management? Hehehe.”

Kokak. Kokak. Kokak.

“The Traffic Management belongs to the government. They are there to monitor the traffic, as well as the random incidents, and interfering with their system is a really serious criminal offense . . .” ani Miss Sam na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyang panahon. Tulala lang na nakatitig sa Wataro rito dahil sa taglay nitong kagandahan. Kamuntikan niya na ring nakalimutan na nasa café pa rin sila at nasa harap niya pa rin si Sora at ang kapatid niyang si Dorothy.

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon