Wataro
Bending the rules has consequences. Madalas, matinding pagkadurog ng sariling puso ang nagiging dulot nito. Pero ayos lang, ayos lang. Mas maiging sariling puso na lang ang madurog kaysa mismong puso ng taong pinakainingangatan mo.
“Bakit mo naman kasi sinamapal si Wataro, Diosdado? Jusko! Tingnan mo nga kung ano ang ginawa mo sa mukha ng anak natin?” Dinadampian pa rin ng ice bag ni Mama Pilar ang namumulang pisngi ni Wataro. Dumaing ito ng kaonti nang masagi ang nasugatang gilid ng labi pero ininda lang nito ang sakit. Actually, he didn’t mind the pain at all. Mas maigi na ito kaysa si Dorothy ang sinampal.
“Mama, ayos lang. Okay na po si Wataro,” aniya. Nginitian siya ni Mama Pilar at hinaplos ang magkabilang pisngi nito.
“Kumain ka na ba?” tanong nito sa kanya.
“Kumain na po kami ni Dudang sa mall,” sagot nito sa kanya.
Nakita niya ang paghinga ng malalim ni Mama Pilar. It’s clear for him that she’s disappointed with Dorothy. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang nangyari. Maybe Sora’s mother came here bago pa sila makarating ng kapatid niya.
“’Wag na ‘wag kang gumalaw riyan. Kapag nakita kitang gumalaw, hindi lang pagluhod sa mundo ang aabutin mo . . .” untag ni Papa Diosdado kay Dorothy na ngayon ay nasa sulok ng sala at kasalukuyang nakaluhod sa isang banig na may mga monggo.
Napatingin si Wataro kay Dorothy. Humahangos pa rin ito sa pag-iyak.
Pagkabalik na pagkabalik ni Papa Diosdado sa sofa, agad niya itong binalingan ng atensiyon.
“Papa, puwede po bang huwag niyo nang pahirapan si Dudang? Ako na lang po ang luluhod sa monggo,” ani Wataro.
“Wataro?! Nahihibang ka na ba?” sigaw nito sa kanya. Mas lalo pang napayuko si Mama Pilar na nasa tabi niya.
“Pero Papa . . .” Wataro pleaded. Umusog siya para mas makalapit dito. Nasa center chair si Papa Diosdado habang nasa left row naman sila ni Mama Pilar kaya’t malayo-layong pag-usog din ang ginawa niya.
Sa divider na nasa tapat ng sofa set, naroon ang analogue pa rin nilang TV at bukod roon ay makikita din sa ibabaw at sa mga gilid ang mga giveaways na galing sa mga dinaluhang kasal o binyag ng mga magulang nila. May mga teddy bears din doon na kahit kailan ay hindi naman nila nalaro ni Dorothy dahil ayaw maalikabukan ni Mama Pilar.
Sa aparador na nasa baba nito, makikita sa loob niyon ang samo’t saring mga kobyertos at mga platong babasagin na nagagamit lang nila tuwing may piyesta o bisita. May mga malilit din doong picture frames. Birthday ni Dorothy noong 10 year’s old nito. Graduation niya noong elementary at high school. Si Sora at Dorothy sa Christmas Party noong grade seven pa ang mga ito. Siya at si Kaito noong acquaintance party nila noong first year college pa sila. Sweet photos ni Mama Pilar at Papa Diosdado at marami pang iba.
Naroon din ang mga trophy ni Wataro na panalunan niya sa iba’t ibang league kasama si Kaito. Sa dami niyon, nilagay na lang sa sahig ‘yong iba habang ang mga medals naman niya ay nakasabit sa tabi ng malaki niyang graduation picture sa dingding. Katabi din niyon ang graduation picture ni Dorothy noong nag-moving up ito. Nakasimangot ito dahil garland lang ang suot at walang kahit anong medal. Naroon ding naka-frame ang mga cirtificates niya na kung hindi “most dependable” ay “most punctual” o hindi kaya’y “most honest”.
Wataro never excel on academics pero pagdating sa extra curricular activiities at pagiging mabuting estudanyte ay nalalampaso nito ang mga matatalinong kaklase niya. Surprisingly, he scored average sa IQ niya habang sobrang taas naman ng EQ niya sa isang neuro test bago sila nag-college ni Kaito.

BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...