Wataro
“I’m sorry,” ang katangi-tanging mga salita na naipahayag ni Miss Sam sa kanya. Nasa costudy na ng mga pulis si Mr. Gilbert Pamintuan at buong gabi ngang laman ng news ang pagkakadakip rito. What he hid was a very big sin pero tila normal na ito sa nakakarami. Lalong-lalo na roon sa mga nakakaalam na mga pinaggagawa nito. Masyadong malakas ang kapit ni Mr. Gilbert sa napakaraming politiko at marami na nga ang pinapangunahan na ang kung ano ang mangyayari rito. They all bet that within just a very short period ay malilinis din nito agad ang sariling pangalan. And that it might be true na hindi ito basta-bastang makukulong ng matagal at baka bukas na bukas nga ay makakalabas na nga ito. Wataro is expecting that. With Mr. Gilbert greed, power, and connection, madali nitong magagawa ang bagay na sinasabi ng iba. But he’s not gonna accept it easily. He’ll fight for what he thinks is right.
“I’m sorry, Mr. Wataro Go!” Humagulhol at lumuhod si Miss Sam sa harap niya. Together with Dudang, narito silang tatlo sa iisang overpass ngayon. Malapit nang magmadaling araw ngunit gising na gising pa rin ang diwa nilang lahat. The mess that had happened today made them unable to sleep. At baka sa mga susunod na araw ay manatili pa rin silang ganito. And they think that they can only rest once Mr. Gilbert Pamintuan will be destroyed totally.
“You’re an accomplice, you know that?” ani Dudang rito.
Tumango-tango si Miss Sam. The police had not arrested her yet due to the lack of supporting evidences. But Miss Sam has plans in turning herself in.
“Pinapangako ko. Magbabayad ako pati na ang asawa ko sa kasalanang ginawa ko sa inyo, lalong-lalo na kay Tenshin,” muling lumuha si Miss Sam.
Pinaghalong galit at awa ang naramdaman ni Wataro. That’s why he just chooses to stay silent habang pinapanuod itong humihingi ng tawad sa kanila. Miss Sam was clearly an accomplice. Had she just become a whistleblower towards his husband’s evil plans ay hindi aabot ang lahat sa ganitong kakomplikadong sitwasyon. Hindi sana masasayang ang buhay ni Tenshin. By turning a blind eye on everything, Miss Sam had let herself have a fair share amount of crime his husband has executed. On the other side, Wataro also know that Miss Sam was in a tight spot before it happened. Pero kahit na. Ang hayaang mapahamak ang iba dahil lang sa sariling takot ay labis na kadugawan. Cowardice will never be a virtue. Lalong-lalo na kung may buhay na nakasasalay dito.
When the morning comes, naging totoo ang naging haka-haka ng lahat. That Mr. Gilbert Pamintuan did not last for 24 hours inside the jail. Nang mag-alas-sais ng umaga ay agad itong nakalaya makatapos mag-pyansa. He’s even planning to filing a case towards Wataro for accusing him false things.
“I was just making him an offer. Na gusto kong mag-invest sa kompanya niya dahil nakikita kong magiging successful ito balang araw. At liban doon, gusto ko ring maibahagi sa kanya ang mga alam ko sa pamamalakad ng ganitong uri ng negosyo. Tinanggihan ako ni Mr. Wataro na sobrang sakit sa puso ko. Dinadamdam ko ang pagtanggi niya pero hinding-hindi ako nagtanim ng galit. Hindi ko pinapatay ang kapatid niya. He’s a hacker that’s why he can manipulate whatever has been recorder on our conversation,” umiiyak pang ani ni Mr. Gilbert Pamintuan sa interview nito.
“Tangina,” napamura lang si Wataro. Dudang just calmed him down. They’re on the lobby of his building at maging ang mga empleyado niya ay napanuod din ang balitang iyon. Bulong-bulungan ang naging kasunod niyon. Wataro thought that everybody’s already thinking that he’s liar not until an employee shouted something with his name on it.
“MAS NANINIWALA KAMI SA IYO, SIR WATARO! MAS NANINIWALA KAMI SA IYO!” sigaw nito and just like a virus, pinagsigawan na rin ito ng lahat ng empleyado niyang naroon. Including his partners, Kaito, Sora, the de Castro twins and as well as little sister, Dudang.
The chaos that was brought by Mr. Gilbert’s statement did affect the status of iloveyou.com in terms of its ranking amongst other websites. Mula sa top one ay naging top twenty na lang ito bigla. Investments started pouring slow too. But despite of all the heartaches and disappointments, Wataro continued to lead the whole I Love You Incorporated. At ginagawa niya ang lahat ng iyon habang pinagsasabay ang pakikipaglaban kay Mr. Gilbert Pamintuan.
The whole legal battle continued for months and months. Maya’t mayang court hearings ang nagaganap which is really a total time waster. Ibang-iba talaga ang nagagawa ng pera, Wataro disappointedly realized between his battles with Mr. Gilbert Pamintuan. Malinaw na malinaw na na ito ang pumatay sa kapatid niya, and all the evidences are already even there, ngunit nagagawa pa rin nitong pasikot-sikotin ang lahat. What’s worse was that, nagawa pa nitong baliktarin ang posisyon nilang dalawa. Mr. Gilber Pamintuan was able to twist everything. Tinuro pa siya nitong totoong killer ng kapatid niya.
On the third month of fighting with him, napakalaking disappointment ang naransan ni Wataro. The fucking devil just won the favor of the court. Sinabi pa nito sa kanyang may utang na loob na siya sa rito ngayon. Mr. Gilbert Pamintuan decided to pushed aside his legal cases towards Wataro for all its false accusations. Galit na galit si Wataro ngunit nang hapon ding iyon ay isang napakalaking balita ang gumimbal sa kanila.
Wataro was just sitting on his desk, mulling over the things that had happened today nang may pumasok sa office niya.
“Sir Wataro! Tingnan niyo po ang trend list ng website natin!” ani ng secretary niyang si Michael. Agad na lumabas si Wataro sa opisina niya at nang makarating sa lobby kung saan naroon ang malaking monitor na pinapakita ang algorithm ng trend list ng website na pagmamay-ari ng kompanya niya ay nagulat na lang din siya sa nakita niya roon.
On the trend list, makikita ang kasaluyang terms na kasalukuyang nagti-trend:
Top 1: Gilbert
Top 2: Pamintuan
Top 3: Suicide
Top 4: SamMula sa mga sariling opisina ay nagsilabasan din sina Kaito, Sora, ang de Castro twins pati na si Dudang na siyang nag-utos na i-click ang Top 1 keyword.
“Ha!” sabay-sabay na napasinghap ang mga empleyado niya nang makita ang sangkatutak na video post sa keyword na iyon. On the thumbnails were Miss Sam pointing a gun against her head habang nasa background nito ang tadtad na ng balang si Mr. Gilbert Pamintuan.
“Play the video,” utos ni Dudang. Wataro held her hand. He was about to stop her but since Dudang is also a boss here ay wala na rin siyang nagawa.
“I’m sorry. I’m very sorry,” humahagulgol na ani Miss Sam sa videp at sa isang iglap nga lang ay sumabog na ang bungo nito.
Wataro closes his eyes upon seeing the clip. Dinig na dinig niya rin ang pagsigaw ng mga empleyado niya matapos iyong mapanuod.
“Bitch,” ang tanging nasambit ni Dudang bago bumalik ng opisina.
Wataro remained there dumbfounded. Gustong-gusto niyang makaganti kay Mr. Gilbert Pamintuan pero hindi sa ganitong pamamaraan. Yet, upon opening his eyes, he suddenly felt an intense relief.
Suddenly, he was reminded how his little brother was killed mercilessly by that evil man. Serves him right.
“No one will change the keyword. Only our users can alter our trend list. We will not manipulate anything. Our codes are designed that way, so our company’s values. This is our rule. And this is my command,” pirming anunsyo niya sa lahat ng naroon.
“YES, SIR!” sabay-sabay na sagot ng mga empleyado niya. May iilan pang sumaludo sa kanya.
Simple lang ang rule sa pagko-coding. That the codes should match with each other. Hindi ka puwede gumamit ng iba’t ibang code sa iisang script. You should stick to one. Or else, magugulo mo ‘yong buong database at mas malala, baka maging dahilan pa iyon ng pagkapalya ng system.
Wataro believes na ganoon din sa totoong buhay. That actions should always match our principles. And that we should stick to them no matter what kind of situation we are facing. That we should always be reminded to never comprise our principles, for betraying it will only ruin us. Therefore, we must always do the right thing no matter how much it will cost us. Always.
***
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...