Dorothy
Kuya Wataro never speak a word until he was four years’ old.
Ang kuwento ni Mama at Papa sa akin, naging sobrang bagal daw talaga ang development nito to the point na inakala nila na may mali sa kanya. Two year’s old na rin na rin daw ito nakapaglakad and when he was five, doon lang ito natutong makipag-interact socially at makipag-eye-contact.
They really never knew what’s wrong with him before dahil bukod sa hindi naman uso ang check up dati ay wala rin naman sila gaanong pera para ipa-check up ito. Hindi na rin nila inalam kung may mali ba sa kanya dahil naging maayos at pulido naman ang pananalita nito kinalaunan.
Iyon nga lang, we can’t really deny the hact that he’s a bit slow. Sobrang bagal niyang mag-react sa mga bagay-bagay o mas malala, hindi siya nagbibigay ng reaction at all. Aside from that, he’s also very gullible. Para sa kanya, mabubuti lahat ang taong nandito sa mundo making him very vulnerable from anyone who’ll take an advantage of his innocence.
That’s why when I learned that he’s in the police station ay mabilis na lang din akong nag-break-down. Police station’s the last place on earth he should visit. The cops interrogating him, the very busy people there, lalong-lalo na iyong mga preso na nasa loob ay nagdudulot ng matinding takot at pangamba sa akin. Kuya Wataro won’t just be able to digest that environment all at once. He’ll never survive in that place.
“Sora! Mauna ka na sa inyo! Pupuntahan ko muna si Kuya Wataro!” turan ko kay Sora nang makatayo ako.
“Pero Dudang, wala akong pamasahe pauwi!” naiiyak na sagot ni Sora.
Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko. “Tara! Samahan mo na lang ako. Bilis!”
Tumango si Sora at mabilis na lang kaming napatakbo. Kung ano-anong bagay ang sumasagi sa isipan ko habang binabaybay namin ni Sora iyong daan. Lahat ng mga negatibong maaring mangyari kay Kuya Wataro sa police station ay naiisip ko na. Maya’t maya rin akong napapatanong sa isipan ko kung kasama niya rin ba si Kaito o siya lang ba mag-isa. Napapatanong din ako kung ano ba talaga ang dahilan at bakit napunta siya roon. Dahil ba sa pangha-hack niya sa CCTV ng traffic management? Dahil ba roon? Dahil kung iyon ang dahilan ay hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.
“Dudang, bakit ka ba umiiyak? Wala naman sigurong masamang mangyayari kay Wataro. Siguro makukulong lang siya ng isang buwan at okay lang ‘yon,” pangko-comfort ni Sora habang matulin kaming tumatakbo na nauwi lang sa pambabatok ko sa kanya.
“He’s a graduating student. Hindi siya puwedeng makulong at magkaroon ng criminal record!” untag ko.
“Hindi naman siguro lahat ng nakukulong, nagkakaroon ng criminal record,” ani Sora.
Kokak! Kokak! Kokak!
Hindi ko na lang talaga siya pinatulan at baka masaktan ko pa siya lalo. Pero basta! Hindi talaga puwedeng makulong si Kuya Wataro. Kapag nagkaroon kasi siya ng criminal record ay malaki ang tiyansang hindi siya kaagad makakahanap ng trabaho.
Marami ang judgmental sa mundo, and nobody cares if what’s on your record is real or not. What’s important for them is that its already recorded.
And what’s worse is that they will never forgive you for that single mistake of yours.
They will not give you the benefit of that doubt and along with that, they will also discredit your past and succeeding hard work.
Just because of a single mistake. Just a single mistake. Na para bang sila rin ay hindi nagkakamali. When in fact, all of them are great load of bvllshits.
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...