Epilogue (Part 1)

147 6 0
                                    

Wataro

Wataro can still remember all those moments that he’s running towards Dudang everytime she's in trouble. Palagi iyong nangyayari lalong-lalo na noong nag-aaral pa silang dalawa. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niya saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don’t feel like a total obligation at all. There’s always this intense feeling of relief every time na nasasagip niya ito. Saving her makes him feel manlier than ever. And Dudang relying on him gives him a total satisfaction. Dudang, in so many ways that Wataro can’t completely imagine, completes him.

“Kapatid mo ba si Miss Dorothy Go? Nasa police station siya ngayon. She’s still underage that’s why we need to talk to her guardian.” Alalang-alala niya pa ang araw na may tumawag na pulis sa bahay nil ana siya mismo ang sumagot. Nasanay na siyang makatanggap ng tawag galing sa school nito pero iyon pa lang ang unang pagkakataong may tumawag sa kanilang pulis.

Wataro listened carefully towards the police and he already grasped every information that was thrown to him, immediately went outside the house. Ni hindi niya na inalam kung pares pa ba ang suot niyang sapin sa paa. All he did was just run as fast as he when upon hitting the streets.

Habang binaybay niya ang daan ng walang kasing tulin, isang bagay lang ang namumutawi sa isipan niya---na hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may masamang nangyari kay Dudang. He’s been protecting her ever since they’re still children at ang pumalya sa gawaing ito ngayong malaki na sila paniguradong magdudulot lang sa kanya ng matinding pagkadismaya. Wataro doesn’t like doing half-baked things as well failing at his obligations. Malaking sampal sa kanya kung sakaling mangyari man ang mga bagay na iyon

“Dudang!” gasping, iyon agad ang lumabas sa bibig ni Wataro nang makarating siya sa police station. The moment he saw Dudang who was actually safe and completely fine, matinding pagkapanatag agad ang naramdaman niya. Dudang can do messy things anytime but that’s fine, Wataro will always be there. Being Dudang’s older brother will be the role he’d like to take part with.

“Pero gusto rin kita, Kuya.”

“Dudang . . .”

“Mali. Mahal pala kita.”

“A-alam ko ‘yon, Dudang.”

“Hindi! Hindi mo ‘yon alam, Kuya Wataro! Ibang ‘mahal’ ang tinutukoy ko!”

“Pero kapati---”

“Huwag. Huwag mong ituloy ‘yan. Kuya Wataro, please. Huwag mong ituloy ang sasabihin mo.”

Kaya ganoon na lang din ang pagkabigla niya nang malaman niyang gusto siya nito. Not as an older brother, but as a man. Sanay na si Wataro na maya’t mayang may ma-confess sa kanya. Sanay na rin siyang landiin at ligawan ng mga babae. But his sister making a move towards him just totally turns off Wataro. Alam niyang natural lang magkagusto pero ang magkaroon ng feelings sa sariling kapatid ay ibang usapan na.

“Alam natin ang totoo. Alam nating dalawa ‘yon. Alam nina Mama ‘yon. Alam ni Sora. Alam ni Kaito. Alam ng buong mundo!”

“Dudang, you’re my little sister. Ikaw lang ang nagiisang babaeng kapatid ni Kuya Wata---"

“Hindi kita totoong kapatid dahil ampon ka lang! Ampon ka lang!”

“Dudang? Tinuring mo ba si Kuya Wataro na totoong kapatid mo kahit isang beses lang?”

“You’re so cruel, Kuya Wataro. Nalaman mo na ngang mahal kita, gusto mo pa ring malaman kung itinuring kitang kapatid. Napakasama mo. Napakasama.”

Wataro got hurt by their conversation. Lalong-lalo nang alam niya sa sarili niyang sobrang sincere niya sa pagiging nakakatandang kapatid nito. Never in his entire life that he lusted over his sister. Yes, he found her pretty and brave at the same time pero kahit kailan ay hindi niya ito inisip na iba sa kanya. For him, she will always be his little sister. At ang ipaalala sa kanya ni Dudang na ampon siya’y labis na nagdulot ng pagkadurog ng kanyang puso. He knows that. He’s aware of that. But still, it hurts.

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon