Chapter 34

62 3 0
                                    

Dorothy

You’ll never know how cruel our world is not until you’ll experience a very tragic event that will make you realize that it is one. I grew up in a very poor household where everything is just fucking limited. Mula espasyo ng matutulugan, sa mga damit at pati na sa pagkain. Lahat ay naranasan ko. It was hard and it was very self-limiting. But I can’t just fucking blame anyone for it. My parents came from a poor family too. So are my grandparents. It’s like an eternal curse. At buong akala ko na hanggang doon lang ang ikakalupit ng buhay, but shit, witnessing Tenshin this morning being shot infront of me for several times just makes me lose my own sanity. Seeing people get shot on TV and movies doesn’t have an effect on me. Ngunit iba pala kapag sa totoong buhay mo na mararanasan. If there’s something that’s worse than a nightmare, siguro ay iyon na iyon.

“Dudang, wala na si Tenshin,” Sora told me when I woke up in a patient bed. Saglit akong natanga. Learning that Tenshin’s dead was not surprising at all. Due to his weak heart, araw-araw ko na halos hinanda ang sarili kong mawawala siya anytime. Whether nasa bahay ako, nasa school, o nasa bus, hinanda ko ang puso at isip ko na isang araw ay makatanggap ng text o tawag mula sa mga magulang niya o sa mga malapit naming mga kaibigan na wala na siya. It’s fucking scary. Ang paghandaan ang pagkamatay ng isang taong malapit sa iyo ay totoong nakakawala ng wisyo. No one can explain how painful and traumatic it is. No one.

And him, dying from gunshots after he’d finally recovered is just totally devastating. Sa palagay ko’y mas mababawasan pa ang sakit kung nawala siya dala ng karamdaman niya sa puso.

“Pinagsasabi mo?” natatawang tanong ko kay Sora. First stage of greif, denial. It’s your brain’s way of coping up with the extreme amount of pain. And I really did it right, pero nagawa ko lang iyon sa loob ng ilang segundo, dahil nang bumalik na sa isipan ko kung ano lahat ng nangyari kanina ay doon lang nanginig ang mga labi ko.

“Hindi . . .”  Blanko akong napatingin sa ward na kinalalagyan ko. I became aware of my own shots too. Isa sa kanang braso at isa sa kaliwang paa. At first, I was just totally numb ngunit nang ngunit matanto ko na ang lahat-lahat ay doon ko na rin naramdaman ang hapdi at walang kasing tinding kirot sa mga sugat ko.

Naikuyom ko ang ang kanang kamay ko sa laylayan ng damit ni Sora. “Nakita ko kung sino ang pumatay sa kanya! Nahuli ba nila?! Pinatay din ba siya ng mga pulis?”

Umiling-iling lang si Sora at umiyak. “He managed to escape, Dudang. At hanggang ngayon ay hindi pa nila ito nahuhuli.”

“AHHH!” I shouted upon hearing it from her.

“Dudang, please! Huminahon ka!” Niyakap lang ako ni Sora. Humagulgol lang ako ng husto.

Second stage of greif: anger. Aside from greed, anger’s the second one that I considered as the most noble emotion. I’m a great devotee of this emotion. And I had been using it as my fuel to reach my dreams. Galit ako sa mundo kaya pinangako kong tutuparin ko ang lahat ng pangarap ko. But with the kind of anger that I am experiencing right now, natanto kong mababaw lang pala ang uri ng galit na nararamdam ko dati. Right now’s just the most intense anger I’d ever felt. Ito rin ang klase ng galit na hindi basta-bastang matutupok ng kahit ano’ng masayang alaala. This anger is the kind of anger that I’ll be carrying for the rest of my life.

“Dudang!” Hinabol ako ni Sora nang lumabas ako sa ward ko. I just want to see Tenshin right now. I just want to see him.

“AHH!” Sa paglabas ko sa ward ko, may isang tao akong nadatanang sigaw ng sigaw habang umiiyak at naghihinagpis ng walang habas. It’s Kuya Wataro. Doon ko rin napagalaman ang mismong rason kung bakit si Sora lang ang nagbabantay sa akin sa ward ko at iyon ay dahil sina Mama at Papa, pati na rin si Kaito at pati na ang kambal na de Castro ay pinipigilan lang siya sa kanyang pagwawala. He looks like he’s already losing his sanity at naiintindihan ko siya ng lubos. Kung masakit na sa akin ang nangyari, paano pa kaya siyang kapatid at kuya ni Tenshin?

“Saan ang morgue dito, tangina!” Hindi ko na pinansin si Kuya Wataro at nag-dere-derecho lang ako sa paglalakad ko. My body aches so much because of my wounds pero hindi ko iyon inalintana.

Sora and some nurses are just following me. Hindi rin naglaon ay narating ko rin ang silid na hinahanap ko. Isa-isa kong tinanggal ang mga puting kumot ng mga bangkay na naroon and when I reach the 20th cadaver, doon lang ako nahinto. It’s the body of Tenshin.

“Ha!” Napalayo ako sa kanya nang halos hindi ko makilala ang katawan niya. He fucking received seven shots at ang lahat ng iyon ay nagdulot ng matinding paglasog sa mga natamaang bahagi. Including the one that’s near on his chest kung saan naroon ang bago niyang puso.

“Putangina, hindi ‘to totoo,” malutong akong napamura. Hinarap ko agad si Sora. Hinawakan ko ang balikat niya. “Sora, promise! Hindi na ako magmumura! Magiging mabuting anak at kabigan na ako. Mag-aaral na ako ng maayos, sabihin mo lang sa akin na hindi ‘totoo ang lahat ng ito.”

Third stage of greif, bargaining. Handa akong i-rewind ang lahat ng katangahang ginawa ko sa buhay ko para lang magising ako sa masamang panaginip na ito. Handa akong gawin iyon.

“Dudang, wala na talaga si Tenshin . . .” ani Sora. Mahigpit niya akong niyakap.

And finally, I really lose my shit.

Fourth stage of grief, depression. Have you ever experienced too much sadness, too much pain and too much suffering na noong nagsabay-sabay ang lahat ng iyon ay halos wala ka lang maramdaman? And that the void you suddenly felt causes you to feel like you’re falling endlessly in a well that has no rock bottom? To be alive without feeling anything at all. To breathe without any air to inhale and exhale. To get drowned without any water around you. That’s how depression fucking feels like.

“Pero Sora, kakagaling niya lang. This doesn’t make sense. Tangina, ano ‘to?” And suddenly, I was talking nonsense as I am experiencing the previous stages of grief once again. The last stage of greif is acceptance at dahil iyon ang pinakamahirap sa lahat ay kusang bumalik ang diwa ko sa pinakaumpisa nitong yugto.

Because who can just fucking accept a death of a love one? Talaga bang natatanggap natin iyon? I don’t think so. Acceptance will never come to us. We will never heal either. Bibitbitin natin hanggang sa huling hininga ang pagkawala ng isang mahal natin sa buhay. And that only our death itself could take away the pain of a former death of a love one. We’ll grieve all over and over again for the rest of our lives. We’ll only learn to cope up with life, but we will always be in deep pain inside.

“Papatayin ko ang gumawa sa ‘yo nito, Tenshin. Papatayin ko!” I made a promise in front of Tenshin’s cold and lifeless body. I wailed so hard while looking at him again. Hindi ko talaga ito kaya. Hindi.

Kahit nanginginig at umiiyak, nilapitan ko pa rin siya so that I can seal my promise to him through a kiss on his forehead. Matagal kong inalis ang labi ko sa noo niya.

Just like what I said, greed and anger’s the two emotion that I found the noblest among the others. They’re also the same emotions that had made me push Kuya Wataro to become a billionaire at the age of 21. At ngayong mas nagdagan pa ang tindi ng pagkauhaw at pati na ng galit ko, natitiyak kong mas maabot ko pa ang mga gusto kong mangyari sa buhay ko. Becoming rich had been my priority ever since, pero ngayon ay pangalawa na lang iyon sa listahan ko. Dahil ang nangunguna na ay ang paghihiganti sa kung sino man ang gumawa nito kay Tenshin.

I will not only kill them, I’m going to make sure that they’ll suffer so hard that on the verge of their torment, they’ll be wishing na sana hindi na lang sila nabuhay sa mundong ito.

Tutuparin ko iyon. Tutuparin ko.

***

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon