Chapter 26

91 6 1
                                    

Dorothy

“Stop calling me ‘Kuya’, Dudang. Damn it!” Hindi lahat ng nagkaka-crush, kina-crush back ng crush nila. Hindi lahat ng nagkakagusto, ginugusto pabalik ng taong gusto nila. Hindi lahat ng nagmamahal, minamahal pabalik ng taong mahal na mahal nila. Is it suprising? I don’t think so. Sa dami ng tao sa mundo, imposibleng ma-prioritize ka ng crush mo. Is it dumbfounding? I don’t think so. Sa daming options ng taong gusto mo, may kakayahin siyang i-reject ka o hindi. Is it shocking? I don’t think so. Ang kapal naman ng mukha mo kung gusto mo rin na mahalin ka pabalik ng mahal mo kahit na wala naman siyang obligasyong gawin iyon. For me, like surviving, love is also a competition. Kung hindi ka crush ng crush mo, kung hindi ka gusto ng gusto mo at kung hindi ka mahal ng mahal mo, tangina, ipaglaban mo ang sarili mo hanggang sa magwagi ka.

“Dudang . . .” Pareho kaming hiningal ni Kuya Wataro matapos naming pagsaluhan ang halik na iyon.  Para akong nalasing pagkatapos.

Nanginginig kong binaba ko ang mukha ko sa mukha niya. Hindi ko inakalang mararanasan ko ang bagay na ito na dati lang ang pinapangarap kong mangyari. But it’s alright. I should not be too overwhelmed. Pinaghirapan ko ‘to kaya deserve ko ‘to.

Napatingin si Kuya Wataro sa akin. Halos magkapareho lang kami ng reaksyon. We’re both shocked. Tangina. Halik lang ‘yon pero ang sarap pala.

“Bakit? Ano’ng masama doon?” tanong ko sa kanya, pinipigilan ang sariling huwag magwala. When we kissed, we did not even care kung may nakakita sa amin. We’re just on our own when we did that. Parang nakulong kami sa sariling mundo nang mangyari iyon.

Napatingin ako sa phone ko. It’s still ten in the evening. Pagbalik ko ng niyon sa bulsa ng skirt ko, napatingin akong muli kay Kuya Wataro.

Humakbang siya palayo sa akin.

“Hoy! Okay ka lang?” tanong ko sa kanya.

Naninigas siya.

Napatingin ako sa zipper niya at agad niya iyong tinakpan.

Natawa ako ng sobra. Napapalakpak pa. “Yah! Hindi na kita kayang tulungan diyan. All I can do right now is kiss you. Kahit na tulungan kita, hindi pa rin natin puwedeng gawin kasi wala tayong pera pambayad ng motel. Saka na lang natin gawin ‘yon kapag mayaman na tayo. Sa mga magagarang hotels, sa beach, sa yate.” I enumerated those things using my fingers. “Ayaw kong gawin ‘yon sa mga dugyot na lugar,” dagdag ko.

I’m talking about sex. Natatawa pa rin ako. Kuya Wataro looks too innocent about it.

“I’m already wet too,” sabi ko sa kanya just to make him feel at ease. “Kaya huwag ka nang ma-guilty.”

Tatapikin ko na sana ang balikat niya pero bigla ulit siyang umatras. Natawa ulit ako. Ang cute.

“Tara na. Bumalik na tayo sa loob. Mawawala rin ‘yan,” sabi ko sa kanya ay hinawakan na ang braso niya. Dahan-dahan na rin kaming bumalik sa loob.

When it comes to sex, balewala na sa aking ang bagay na iyon. For me, dalawa iyon palagi. Either you’ll have sex kasi mahal mo ‘yong tao or wala lang, gagawin mo lang just to answer the call of your nature as a human being. As long as it is mutual and consensual, then it’s fine. And for me, walang mali sa dalawa, sex a form of making love and sex as a pure sex.

A family tree looks like the symbol of X. A cell called chromosome which is responsible the growth and reproduction of a living thing also looks like X. Two persons having sex looks like X. And ‘X’is the symbol of multiplication kaya ibig sabihin, all of us are really designed and programmed to crave for sex. It’s just natural. Tanga lang ang magsasabing nakakadiri ‘yon. 

“Saan kayo nanggaling? Ba’t ang tagal niyo?” tanong ni Papa sa amin nang makabalik kami sa loob ng ospital. Tulog na si Sora at Kaito sa mahabang upuan na naroon sa labas ng operating room. Ganoon din si Mama. ‘Yong mga magulan naman ni Tenshin at Kuya Wataro, dasal lang ng dasal. Si Papa ‘yong nakaupo sa pinakadulo. May bakante pa sa tabi niya.

“Nagpahangin. Alangan namang nag-sex,” sagot ko sa kanya. Natigil bigla ‘yong mga nagdadasal na mga magulang ni Tenshin at Kuya Wataro. Bumalik naman sila agad nang mahimasmasan.

“Bibig mo talaga. Bibig mo!” Kamuntikan pa akong hambalusin ni Papa. Gigil na gigil siya. Nainis lang ako.

“Ano naman kung mag-sex kami e hindi naman kami magkapatid?” untag ko.

“So, nag-sex talaga kayo?” hindi naman makapaniwalang tanong ni Papa. “Putragis---” umungol pa siya na parang natatae. Napatingin siya kay Kuya Wataro.

“Papa, hindi po. Nagpahangin lang po talaga kami.” Kinaway-kaway ni Kuya Wataro ang kamay niya sa harap ni Papa. Kumalma naman ito.

“Diosdado! Hayaan mo ngang mag-sex ang mga tao. Tangina. Ang ingay. May natutulog e,” buryo namang sabi ng naalimpungtang si Mama na nasa pinakaunahan.

Kokak. Kokak. Kokak.

Umupo na ako sa tabi ni Papa at umupo naman sa tabi ko si Kuya Wataro. Isang linyahan kami roon.

9:30 nagsimula ang operation ni Tenshin at siyam na oras pa iyon bago matapos. It’s already eleven in the evening now kaya may pitong oras pa kaming hihintayin. Paniguradong uumagahin din kami. We need to stay here too. Nangako kami kay Tenshin na walang uuwi sa amin kaya mag-o-all nighter kaming lahat dito ngayon. Para kay Tenshin!

Napatingin ako kay Papa. Pinipilit niyang huwag antukin pero maya’t maya lang na nabubunggo ‘yong mukha niya sa tuhod niya. Nainis na ako kaya pinahiga ko na lang siya ng maayos.

Umusog ako. Nasa pinakadulo na si Kuya Wataro. Kung hihiga pa ako, wala na siyang mauupuan.

“Inaantok ka na, Dudang?” tanong niya sa akin.

Umiling-iling ako. Actually, oo. Pero ayaw kong maupo siya roon sa tiles. Sobrang lamig do’n.

“Ayos lang,” sabi ko pero nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang ulo ko at ipinaling patungo sa lap niya.

“Tulog ka na, Dudang . . .” aniya at paulit-ulit niya lang ako pi-nat sa ulo.

Hindi lahat ng nagkaka-crush, kina-crush back ng crush nila. Hindi lahat ng nagkakagusto, ginugusto pabalik ng taong gusto nila. Hindi lahat ng nagmamahal, minamahal pabalik ng taong mahal na mahal nila. For me, like surviving, love is also a competition. Kung hindi ka crush ng crush mo, kung hindi ka gusto ng gusto mo at kung hindi ka mahal ng mahal mo, tangina, ipaglaban mo ang sarili mo hanggang sa magwagi ka.

Nagwagi na ba ako?

Nagwagi na ba?

“Matutulog ako,” sabi ko sa kanya. “Matagal akong magigisng,” warning ko ulit.

“Ayos lang,” pagkumpirma niya.s

Nilingon ko siya pataas. Nginitian niya lang ako. And not just that. He kissed me abruptly on my lips too. A good night one.

Tangina, nagwagi na nga.

Nagwagi na nga ako.

***

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon