Dorothy
Ang pinakanakakatakot na parte ng hindi pagsunod sa isang simpleng patakaran ay hindi ang mismong paglabag nito. The scariest part is facing its consequences. Ayos lang na ikaw ang mapahamak. Pero paano kung madamay din ang taong pinakiiinangatan mo?
“Dudang? Gising na, mali-late ka na tayo.” Hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi pero nagising na lang akong nakahiga na ako sa kama ko kinabuksan. Nasa harap ko ang sobrang inosenteng mukha ni Kuya Wataro’t sobrang lapit ito sa akin at halos magkahalikan na kami.
“Maaga rin kayong papasok ni Kaito?” lutang ko pang tanong.
Nginitian niya ako.
Tumango ako at tumayo na. Usually kasi, hapon na ang pasok nilang dalawa ni Kaito. Alas tres ng hapon hanggang gumabi. Sa iisang university lang kaming lahat nina Sora nagaaral. Ang kaibahan nga lang, nasa senior high pa lang kaming dalawa ni Sora habang silang dalawa ni Kaito ay college students na.
“Kuya Wataro?” tanong ko sa kanya nang makita kong wala na halos ‘yong mga bakat ng monggo sa tuhod ko.
“Hmm?” tanong niya.
Tatanungin ko pa sana sa kanya kung ginamot niya ‘yong tuhod ko pero halata namang ginawa niya ‘yon kaya umiling-iling na lang ako.
Like me, sobrang namamaga rin ng mga mata ko. Na-guilty ako bigla. Kada nag-aaway kasi kami ni Papa, siya madalas ‘yong pinaapektado. Minsan, habang nasa kalagitnaan kami ng pagaaway ni Papa, magugulat na lang ako kasi, maiiyak na lang siya bigla. At ‘yong iyak niya, hindi lang bastang iyak kundi talagang hagulgol talaga. Si Mama ang madalas na nagpapatahan sa kanya, o kapag hindi talaga siya tumitigil, tinatapos ko na lang ‘yong pakikipagaway ko kay Papa para tumahan na siya.
Kuya Wataro’s the type of guy who’s very emotional. Every time he’ll witness something painful, he’ll immediately cry. Mga nasasawi sa palabas, mga naaaksidente sa news, mga alaga naming hayop at kahit na mga nalalantang halaman o bulaklak, iniiyakan niya. And he’s not afraid to show that side of him---his softness and vulnerability. Bagay na hindi ko kayang gawin.
Para kasi sa akin, ang pagpapakita ng ganoong klaseng mga emosyon ay palatandaan ng pagiging mahina. At kapag mahina ka, aapakan-apakan ka lang ng iba.
Pero sa nakikita ko kay Kuya Wataro, hindi gano’n ang mga taong nakapalibot sa kanya. He’s well loved by everyone in which I envy the most. Gayon pa man, hinding-hindi ko kayang magalit sa kanya dahil gaya ng mga taong nabanggit ko, mahal ko rin siya.
Pero ano bang magagawa ko? Ganito na ako e. There are so many things that had shaped me, both good and bad. Hindi ko na mababago ang kung ano man ako.
At kahit kailan, hinding-hindi ko babaguhin ang sarili para sa ibang tao.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis na agad ako ng school uniform. Kakain pa sana ako nang agahan kaso, bukod sa late na ako ay nandoon din si Papa sa mesa kaya nagbaon na lang ako ng kanin at dumerecho na sa labas.
“Mag-ingat kayo, ha?” sabi ni Mama na kasuluyang nagwawalis sa bakuran. Hindi ako makatingin sa kanya.
“Dudang . . .” pagtawag ng pansin sa akin ni Kuya Wataro na kasalukuyang nakatayo sa gilid ng multicab na nakaparada sa tapat ng ng bahay.
Gaya ko, naka-school uniform na rin siya. Black slacks, white sleeve, green tie.“Saan ‘yong blazer mo?” tanong ko sa kanya.
Nginitian niya ako. “Sa university ko na susuotin,” sagot niya.
Tumango ako. Napatingin ako kay Papa sa loob. Humigop siya ng kape tapos inirapan ako. Nakakainis!
Binuksan na ni Kuya Wataro ang gate at at nang matapos siya pumasok na siya sa multicab. Pumasok na rin ako at tumabi sa kanya. He maneuvered the steering wheel at paglabas namin ng bahay ay bumaba na naman siya para isara ‘yong gate.
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...