Troy
“Huwag mo sabihing . . .” Nanlaki ang mga mata ng kapatid niyang si Dudang nang titigan siya nito. Kahit wala siyang sinasabi ay tila nababasa na nito ang nasa isip niya. Tenshin’s really in a bad condition. Hikahos na ang mga magulang niya at wala na itong maipapantustos sa medical bills ng kapatid niya. And Wataro won’t just sit still. Hindi niya hahayaang dahil lang sa kawalan ng pera ay mawawalan ng pagasang mabuhay ang kaisa-isang niyang kapatid na lalaki. Tenshin has a bright future ahead of him. Matalino ito at masipag mag-aral. If there’s a need to sell Project I Love You nang sagayon ay magkapera lang siya ay hindi siya magdadalawangisip na gawin iyon. Money can be earned again. Pero hindi ang buhay ni Tenshin kapag tuluyan na itong nawala.
Wataro just smiled at his sister. Nagkulay berde nang muli ang traffic light. Ibig sabihin, kailangan na nilang tumawid.
Hinawakan niya ang kamay ni Dudang ng mahigpit at pagkatapos nga niyon humakbang na siya kasa-kasama nito.
“S-sigurado ka ba sa gagawin mo? Dugo at pawis niyong dalawa ni Kaito ang Project I Love You. Nahihibang ka na ba talaga?” tanong nito sa kanya habang nasa kalagitnaan sila ng daan. Palinga-linga si Wataro sa kalsadang parehong nasa gilid nila, checking if may sasakayang paparating.
Nang makatawid silang pareho, doon niya lang sinagot ang tanong nito. “Bata ka pa kaya hindi mo pa maiintidihan ang gagawin ni Kuya Wataro. It’s a matter of life and death, Dudang.”
Kinuha nito ang kamay sa kanya. “Hindi porket bata ako, hindi na kita maiintindihan.”
Wataro just stared at her. Nagfi-fade sa likod nito ang samot’t sariling ilaw sa background.
Tinitignan siya ng maigi ni Dudang. Bihirang mas matangkad siya rito kaya medyo labis na lang ang ginawa nitong pagtingala nito sa kanya. “Minsan, bilang mga bata, mas marami pa kaming alam kaysa sa inyong mga matatanda na. Becoming an adult doesn’t guarantee that a person will also become mature in how he’ll perceive the world. Ang daming tumatandang sobrang bobo at sobrang tanga pa rin,” dagdag nito.
Napabuntong hininga lang si Wataro sa sinabi nito. He’s a bit disappointed. Poverty had caused his little sister to mature early. Sa ganang kanya, kung namuhay lang sana ito sa maginhawang paraan ay hindi agad nito maiisip ang mga ganitong pananaw.
Hinawakan niya ang kamay nito. Nginitian niya rin ito pagkatapos. “Kuya Wataro will take care of it, Dudang. Ngayon, kailangan mo munang isipin ang sarili mo pati na ang pag-aaral mo.”
Sumagot ito agad. “Hindi lang ikaw ang malapit kay Tenshin kaya hindi puwedeng ikaw lang ang maging concerned sa kanya. Kaibigan ko siya kaya may karapatan din akong magaalala sa kanya pati na sa mga taong nagaalala sa kanya. At sa tingin mo ba, kapag bi-nenta mo ang Project I Love You, ikakasaya ‘yon ni Tenshin? Maaring magkaroon nga siya ng bagong puso pero ano sa tingin mo ang mararamdaman niya kapag nalaman niya gi-nive-up mo ‘yong sobrang importanteng bagay na ‘yon para sa kanya? Mas madi-disappoint mo lang siya,” turan ni Dudang sa kanya.
Mas lalo lang bumigat ang loob ni Kuya Wataro. “Pero hindi ko siya puwedeng hayaan na mamatay lang Dudang. Kapatid ko siya. At kung ikaw rin ang nasa posisyon ni Tenshin ay gagawin ko rin ‘yon para sa ‘yo.”
Pinisil ng maigi ni Dudang ang mga kamay nito sa kamay niya. Gumaan na rin ang tono ng boses nito. “Pero anak din si Tenshin ng mga magulang mo. Inaanak din si Tenshin nina Mama at Papa. Kaibigan din ni Tenshin si Sora, si Kaito at pati na ako. At sa tingin mo ba, hahayaan lang din namin siyang mamatay? Kuya . . .” Mas lumapit si Dudang sa kanya “Hindi mo kailangang gawing mag-isa ang mga bagay-bagay. Minsan, kailangan mo ring matutunang humingi tulong at saklolo sa iba. At walang mali at nakakahiya roon.” Kinurap ni Dudang ang mga mata nito sa harap niya. “Hindi ka nagiisa, Kuya Wataro. Nandito kami. Nandito kaming lahat kasama ka.”
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...