Chapter 1

378 16 7
                                    

WATARO

Simple lang ang rule sa pagko-coding. That the codes should match should match with each other. Hindi ka puwede gumamit ng iba’t ibang code sa iisang script. You should stick to one. Or else, magugulo mo ‘yong buong database at mas malala, baka maging dahilan pa ng pagkapalya ng system.

“WATARO! ‘YONG TSINELAS MO! AISH!” Hanggang ngayon na nandito na silang dalawa ni Dorothy o Dudang sa loob ng convenience store ay nag-e-echo pa rin sa tainga niya ang pagsigaw ni Kaito kanina nang makaalis siya sa bahay. May tinatapos silang dalawa ni Kaito na project para sa computer class nila nang biglang mag-ring ang telephone sa sala. Sinagot niya ito and Wataro imidiately went blank nang marinig niya ang mga salitang “Police Station” at “Dorothy Go”. Hindi niya na tinapos na pakinggan ang sinabi ng nagsasalita sa kabilang linya at agad-agad na siyang lumabas ng bahay. Hindi niya na rin inalintana ang suot niyang damit at ang tanging namutawi na lang sa kanyang isip ay ang kanyang nakababatang kapatid na nasa loob ng police station. Dorothy must be very afraid at kahit isipin niya lang ang gunitang iyon ay matinding kaba na ang nararamdaman niya.

His sister.

His poor little sister.

His poor, vulnerable and little sister crying inside that police station habang ini-interogate. That thought just makes him lose his mind.

Bata pa lang siya, pinangako na ni Wataro sa sarli niya na poproprotekhan niya sa abot ng makakaya niya ang nakakabatang kapatid hanggang sa pinakahuli niyang hininga.

And that if someone dared to harm his sister ay hindi ito makakaligtas sa maari niyang gawin dito.

“Wa-ra-to . . .” Habang matulin na tumatakbo ay hindi niya naiwasang mapabaliktanaw. He was just seven year’s old that time habang si Dorothy naman ay two year’s old lang. Nasa loob ito ng crib at may kung ano-anong pinagsasabi. That moment when he heared his name from his sister, even though it was mispronounced, feels very precious and surreal. Doon niya naramdamang totoong ‘Kuya’ na talaga siya, and that he really is a part of the family of the ‘Go’s’.

“Wa-ta-ro . . .” He tried to correct his sister. Dahan-dahan ang pagkakabigkas niya sa pangalan niya nang sagayon ay masundan ito ng nakakabata niyang kapatid.

“Wataro!”

“Oo, Dudang! Wataro! Wataro!”

Wataro in Japanese means ‘Navigator’. Nanay niya mismo ang nagpaliwanag nito sa kanya. He doesn’t care what his name means that time pero nang maayos itong nabigkas ng kanyang babaeng kapatid ay nagkaroon siya ng malalim na dahilan upang pahalagan ang kanyang pangalan. Wataro. Navigator.

“Simula ngayon, si Kuya Wataro mo na ang magiging navigator mo. Kahit anong gusto mong gawin maging paglaki mo, nandito lang si Kuya mo palagi para suportahan ka,” said he at inalayan niya nang munting halik sa noo ang kanyang babaeng kapatid. Dumating na ang mama nila sa tagpong iyon at walang kasing sayang inanunsyo ni Wataro rito na sa wakas ay nabanggit na ng maayos ni Dorothy ang pangalan niya.

“Police Station B. Police Station B . . .” Wataro’s still having his flashbacks. Kumakain na ng icecream si Dorothy sa harap niya pero naroon pa rin ang kanyang gunita sa mabilis niyang pagtakbo sa patungo sa police station kanina.

“Kuya Wataro? Ayos ka lang?” tanong sa kanya ni Dorothy nang bigla siyang napadaing. Sobrang sakit ng mga braso at tuhod niya. Makailang beses din kasi siyang natumba kanina habang matulin na tumatakbo pero ininda niya lang ang lahat ng iyon makita lang agad si Dorothy.

Napatingin siya rito at isang matamis lang na ngiti ang inihandog niya.

“Okay lang si Kuya Wataro, Dudang . . .” sagot niya as he shyly smiled.

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon