Dorothy
Kuya Wataro’s the cruelest person I know. He just looks innocent and harmless outside, pero ang totoo ay siya ang pinakamapanakit sa lahat. He already knows what I feel towards him pero nagpapaka-Kuya pa rin siya sa akin. Hindi ba’t kapag may nagkagustong tao sa ‘yo ay kahit papaano, may responsibilidad ka na rin sa nararamdaman ng taong iyon sa ‘yo? Kung gusto mo rin siya, ipapaalam mo. Pero kung hindi, ipapaalam mo pa rin at didistansya ka ng kaonti sa kanya nang sagayon ay hindi na siya umasa sa ‘yo para isang bagsakan na lang ang sakit na maidudulot mong sakit sa taong ‘yon.
But Kuya Wataro’s just too stupid that he’s not aware of that kind of etiquette. Palibhasa, maraming nagkakagusto sa kanya at kahit sino mang gustuhin siya ay magugustuhan siya pabalik. Ang hindi niya alam sa ginagagawa niyang ito sa akin, gaya na lang ng pagyakap niyang ito sa akin ngayon, ay dahan-dahan niya akong dinudurog. I know that as a person who likes him, may responsibilidad din ako sa nararamdaman ko sa kanya. That I should have a full control over it so that I will never cross the line.
Iyon nga lang, sa bawat pagkakataong ako na nga lang mismo ang gumuguhit ng linyang iyon, paulit-ulit niya naman iyong binubura at paulit-ulit niya iyong gingagawa para makatawid siya patungo sa akin. And this made him the cruelest person I know---without him realizing it.
Kumalas na ako sa pagkakayakap niya sa akin at nauna na akong tumawid. Nakasunod pa rin siya sa akin kaya binilisan ko ang lakad ko sa pagbabasakaling maligaw ko siya. Pero parang imposible yata iyon dahil kahit tatanga-tanga si Kuya Wataro minsan ay hindi naman siya bobo. At isa pa, kahit galit ako sa kanya, hindi ko pa rin siya kayang saktan ng sobra-sobra.
Nang makarating kami sa isang karenderya, kinuha ko na sa kanya ‘yong pera at nag-order na lang ng pansit. Ubos na ‘yong nasa display nila ngunit may kasalukuyan pang niluluto kaya pinaghintay lang kami sa isa sa mga table na naroon. May libreng tubig kaya uminum ako.
“Dudang . . .” Umupo si Kuya Wataro sa tabi ko at no’ng sinubukan niya na naman akong kausapin ay nag-headset na lang ako.
Nagulat nga lang ako nang bigla niyang kinuha sa akin ‘yong isang earpiece at nang matantong wala naman pala akong pinapakinggang tugtog ay nagpigil lang siya ng ngiti.
“Ano ba?” inis ko nang sabi sa kanya. “Sa tingin mo, nakakatuwa ‘tong ginagawa mo sa akin?” Ngumisi ako ng may halong sakit at sarkasmo. “Sobrang nasasaktan na ako sa mga ginagawa mo kaya puwede ba? Tumigil ka na.”
“Dudang . . .” He tried to reach my hand pero ibinaba ko lang iyon mula sa table.
“Dudang, you should stop it. Hindi mo dapat ‘yan nararamdaman kay Kuya Wataro,” he said with full concern that it hurts.
“Alin ang hindi ko dapat maramdaman, Kuya Wataro? Ang pakiramdam na nalilibugan ako sa ‘yo? Na gusto kita? Na mahal kita? Na galit ako sa ‘yo? Alin do’n?”
“Dudang, please . . .” napayuko siya, looking troubled yet very handsome at the same time.
“Nalilubugan ako sa ‘yo kasi gusto kita, at gusto kita kasi mahal kita. Mahal kita pero hindi mo ako mahal kaya galit ako sa ‘yo,” dagdag ko. “At isa pa, may mali ba sa nararamdaman ko? Mali bang malibugan ako sa ‘yo? Mali bang ma-attract ako sa ‘yo? Mali bang magkagusto ako sa ‘yo? Mali bang mahalin kita? Bakit? Kasi bata pa ako at akala mo, nagpapaka-chilidish lang ako sa nararamdaman kong ito? Kuya Wataro, kung may nagpapaka-chilidish dito, ikaw ‘yun!” Tinuro ko siya habang naiiyak na naman ako.
“Pero, Dudang. Kapatid kita. Kuya mo ako. Puwede mo akong mahalin bilang Kuya mo pero hindi ka puwedeng malibugan sa akin. Hindi mo ako puwedeng pagnasaan,” aniya.
Nanghina ako sa sinabi niya, and at the same, nasaktan namang muli at nagalit. “Oo na! Oo na! Kapatid mo ako. Kuya kita. Pero Kuya Wataro,” nanghina ako, “alam mo nang gusto kita kaya please lang, ‘wag ka nang gumawa ng mga bagay na magiging dahilan para mas tumindi pa ‘yong nararamdaman ko sa ‘yo,” napaiyak ako. “lalo na kung wala ka namang balak na mahalin o gustuhin ako pabalik. Kasi ang hirap. Kasi ang sakit.”
Lumunok ako para magawa kong bawiin ang sarili ko. “Saka hindi porke sinabi mo sa akin na dapat hindi ko na maramdaman ‘to, mawawala na ito agad. Kuya, Wataro, hindi gano’n kadali ‘yon.”
Dumating na ‘yong in-order namin at nakabalot na ‘yon kaya’t ako na rin ang kumuha para ako na ang unang makaalis.
Paglabas ko roon, ramdam ko pa ring nakasunod siya sa akin kaya nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko nang hindi siya nililingon at kinakausap. Hindi lang dahil sa galit ako sa kanya kundi nahihiya rin ako para sa sarili ko. I was too vulgar at him. Pero maigi na ‘yon nang sa gayon ay magkaroon na siya ng awareness sa totoong nararamdaman ko at para na rin maging sensitive na siya sa pakiktungo sa akin.
Tumawag sa akin si Mama noong papatawid na ulit kami sa pedestrian lane. “Si Tenshn . . .” ani Mama.
Naka-loud speaker iyon kaya rinig iyon ni Kuya Wataro. Naging dahilan din iyon para mapatingin siya sa akin habang inaabangan ang kadugtong ng sasabihin ni Mama. “Tinaningan na siya ng mga doktor. Hanggang isang buwan na lang daw ang itatagal niya kung hindi siya mabibigyan ng panibagong puso.”
Natigilan ako sa sinabi niya pero agad ko rin namang inayos ang sarili ko. “Bakit niyo ba sinasabi sa amin ‘yan ngayon? Hindi ba talaga kayo makahintay na makabalik kami diyan?”
“Sobrang emosyonal ng mga magulang ni Tenshin ngayon kaya maya maya muna kayo bumalik,” pabulong niyang paliwanag. Binaba niya na ‘yong tawag.
Nalugmok na ako. Ang dami ko nang naiyak sa gabing ‘to at halos wala na akong maramdaman. Still, I really feel bad about Tenshin. At ano raw? Isang buwan na lang ang itatagal niya? Tangina. Tangina!
Kinalma ko ang sarili ko. I can’t break down right now. Lalo pa’t nandito si Kuya Wataro. Baka pag makita niyang naiyak ako ay aluin niya na naman ako. I can’t allow it to happen again. Ayaw ko nang mahulog pa sa kanya lalo. Kung gano’n kasi ang mangyayari, sobrang lalim ng babagsakan ko. At alam ko rin na kapag nangyari iyon ay sarili ko lang ang tutulong sa akin at wala ng iba. I love my self. At hindi ko na kayang maging masokista sa sarili ko dahil lang may kinakabaliwan akong isang tao.
“Ayos ka lang?” hindi ko napigilang tanong kay Kuya Wataro. “Mamatay na si Tenshin.” Pinigilan kong huwag pumiyok.
Tumango lang siya. Nakangiti lang din at tila may positibong iniisip. “Gagawin ni Kuya Wataro ang lahat masagip lang ang buhay ni Tenshin.”
“Nahihibang ka na ba? Paano mo naman gagawin ‘yon? Alam mo ba kung gaano kamahal ang operation? Pati na ‘yong panibagong puso?” tanong ko sa kanya.
He still smiled.
“Huwag mo sabihing… "Wala siyang kahit ano’ng sinagot sa sinabi ko, but by just simply looking at him, tila alam ko na kung ano ang iniisip niya.
He’s going to sell the Project I Love You.
Kuya Wataro’s the cruelest person I know. He just looks innocent and harmless outside, pero ang totoo ay siya ang pinakamapanakit sa lahat. Ang nakakainis nga lang, he’s also the kindest human being at same the same, making it harder for me to hate him.
***
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...