Chapter 12

77 8 7
                                    

Dorothy

I don’t remember that day. That day na inamin niya sa akin na gusto niya si Miss Sam at tumakbo na lang ako bigla palayo sa kanya? Hindi ko ‘yon maala. Why? Because I was just acting chilidish that time. Actually, wala naman talaga akong pake kung magkagusto siya kanino. It’s just that, nainis lang ako kasi sa lahat ng babaeng puwede niyang gustuhin ay ang bitch na iyon pa talaga. But again, wala akong pake. Kapatid lang naman niya ako ‘di ba? Hindi niya naman ako girlfriend.

“Dudang? Alam mo kung ano ang tsismis?” tanong sa akin ni Sora habang naglalakad kami sa hallway ng criminology building. Dinala niya ako rito kasi raw, may nakita siyang kamukha ni Jackson Wang. Break namin kaya malaya kaming nakakapunta rito. Palinga-linga lang din ako sa palagid at nagbabakasakaling mahanap ‘yong sinasabi ni Sora. Gusto ko rin kasi makita si Jackson Wang in person. Kahit na kahawig niya lang.

“Sinagot na raw ni Miss Sam si Wataro,” aniya.

Natigilan ako bigla pero agad ko namang binawi ang sarili ko. “Ano naman ngayon?”

“Wala! E ‘di ba ang cute lang? Sobrang layo ng age gap nilang dalawa pero naging sila pa rin sa huli.” Kinilig si Sora.

Isang buwan na ang nakakalipas simula nang sabuyan ko kape sa katawan si Miss Sam. Simula rin sa araw na iyon, hindi ko na kinakausap si Kuya Wataro. First time iyong nangyari sa aming dalawa. Simula nang matuto akong magsalita, sa kanya ko na lagi sinasabi ang lahat at gano’n din siya sa akin. Wala akong sikretong hindi niya alam at wala rin siyang sikretong naitatago sa akin. We’re more than just siblings. Gaya ng relationship namin ni Sora, para na rin kaming mag-bestfriend.

Yet, one thing changes everything. Iyon ay nang simula siyang magkagusto kay Miss Sam. Since that happened, lumayo na ang loob ko sa kanya. I felt jealous and betrayed at the same time. Inakala ko na ako lang talaga ang nagiisang babae para sa kanya. At kasunod niyon ay si Mama. Hindi ko kailan inasahan na darating din pala iyong oras na magkakagusto siya sa iba. At gaya ng ginawa niya sa amin ni Mama, he’ll also pour his heart for that girl. Doon ko rin natutunan na puwede palang hatiin ang puso ng isang tao sa maraming bahagi. Akala ko kasi hindi. Kasi all those times, sa isang tao lang tumitibok ang puso ko at iyon ay walang iba kundi kay Kuya Wataro.

“E ‘di ba ikaw ang dapat unang makaalam kasi kapatid ka niya? Hindi niya ba nag-share sa ‘yo?” tanong ni Sora at tulala lang akong napatingin sa sinasabi niyang kamukha ni Jackson Wang. Naglalakad ito patungo sa amin pa ng apat niya pang kaibigan at imbes na tumili ako ay wala akong naramdamang kahit ano.

Sa loob ng isang buwan na ‘yon, naging occupied lang ako sa pagta-transfer ng novels ni Sora mula sa notebook patungo sa Wattpad. Napakabilis niyang magsulat kaya kinailangan kong mag-cope-up. Out of her seven novels on Wattpad, may isa na roong may half million reads. A publisher may contact us anytime soon kaya mas dinadalasan ko pa ang updates.

Pansin ko na rin ang palaging pagbabanggit ni Kuya Wataro kay Miss Sam kina Mama at Papa tuwing kumakain kami pero hindi ko lang iyon pinapansin. Kung hindi ko kasi binibilisan ang pagkain kapag nakakasama ko sila ay sinasadya kong hindi sumabay sa kanila.

May isang pagkakataon ding pumunta si Miss Sam sa bahay pero hindi ako lumabas sa kuwarto ko at nagpatuloy lang sa pag-ta-type. Pero naalala ko rin na no’ng paglabas ko ng kuwarto kung saan sakto namang nakaalis na si Miss Sam ay natagpuan ko na lang sa sala namin na sobrang dami niyang iniwang kung ano para sa amin. Groceries, mga prutas at mayroon ding bigas na kung hindi lang ako nagpigil ay naitapon ko na sana sa labas ng bahay.

“Ah!” Tumili si Sora nang makita iyong kamukha ni Jackson. Nagmukhang tanga si Sora sa harap nito kaya agad siya nitong napansin. Jackson din pala ang pangalan ng kamukha ni Jackson Wang kaya mas lalo pang nabaliw si Sora. Humingi siya rito ng pirma sa notebook niya at nagpa-picture din. Lutang pa rin ako nang makabalik si Sora sa akin.

I Love You VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon