Dudang
I can still remember all those moments that Kuya Wataro was running towards me every time I’m in trouble. Kung paano ko siya laging nadadatanan na hindi pares ang suot na tsinelas, wala sa ayos ang damit na suot, at nanggigitatata. I totally hate him seeing like that pero hindi ko pa rin maiwasang manlambot ang puso ko kapag nangyayari iyon. Kuya Wataro doing that only means that he really cares about me. It might be cruel to reveal this, pero may mga pagkakataong sinasadya ko talagang mapahamak ang sarili para lang masagip niya ako.
“Malapit na ba tayo?” tanong ko sa driver ko. Pabalik na ako sa building ng I Love You Incorporated at kakagaling ko lang sa isang business summit to represent the company. It’s already two in the afternoon and we’re still in the middle of a very isolated road. Kahit saan ako tumingin, puro palayan ang mga nakikita ko, which is really a good thing, because dapat lang na hindi ma-convert ang mga ganitong lugar into real estate buildings. Ano na lang ang mangyayari sa mga magsasaka natin kung mawawala ang mga ito? At ano na rin ang kakainin nating lahat kapag nangyari iyon? May nakita akong may ari ng real estate business kanina. ‘Yong kompanya niya, ginawang pabahayan ‘yong isang sakahan, sa galit ko, nasampal ko siyang bigla no’ng pinakilala niya ang sarili niya sa akin.
“Naku, Ma’am! Nasiraan po tayo!” sabi ng driver sa akin nang biglang tumirik ang kotse sa gitna ng daan.
“Puta . . .” napamura lang ako noong nakababa na ako’t nakita kong umuusok na ‘yong makina.
“Magpapasundo na lang po tayo,” sabi ng driver sa akin.
Agad siyang may tinawagan.
“Naku, Ma’am Dudang!” aniya nang matapos.
“Tangina! Bakit na naman?” Napasigaw na ako.
“Wala pong signal,” sagot ng driver.
Naipikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa inis. Nang hindi ko na rin nakayanan ang init, naglakad na rin ako palayo roon.
The road looks endless. Wala rin ako halos makitang sasakyang dumadaan. We’re totally in an isolated area.
Talagang purong palayan lang andito. May mga kubo sa malayo pero wala namang tao. May nakikita rin akong mga kalabaw na nakatali sa mga puno ng mangga pero aanhin ko naman sila? Hindi ko naman sila mahihingan ng tulong.
Suddenly, I remember something funny. Way back when I was still in high school maging noong ako’y nasa elementary pa, nilalakad lang namin ni Sora ang papunta at pabalik ng school. Araw-araw iyon at kahit umulan ay ganoon pa rin. Our family were as poor as hell kaya kailangan naming magtiis sa ganoon.
Hinuhubad din namin ang mga sapatos namin kapag papunta at pabalik. Pinapalitan namin ito ng tsinelas kapag nilalakad na namin ‘yong mahabang daan. Malayo-layo rin kasi ang lalakarin namin at sobrang sayang kung ipanglalakad lang namin ang mga sapatos namin. Bukod sa madudumihan ay madali pang masisira. Walang pambili agad kaya kailangan namin iyong ingatan lagi. And that it should last for one year or else we’re doomed.
May isang beses noong first year high school ako na nabutas ‘yong suwelas ng sapatos ko. It happened amid August habang may klase kami sa PE. Takbo ng takbo kaya hindi ko namalayan na numipis na pala ‘yong part na iyon. At ‘yon nga, wala akong naging choice kundi lagyan ng Vulcaseal ‘yong butas.
I remembered an afternoon when I was still in my second year of too at pauwi na kami ni Sora, Kaito at Kuya Wataro noon nang biglang umulan noong pauwi na kami. Malayo-layo pa kami sa mga bahay namin kaya tinangka pa naming sumilong sa isang waiting shed. Pero dahil sa lakas ng ulan at hangin, natangay ‘yong yero ng waiting shed kaya wala na kaming naging choice kundi ang magtampisaw na lang sa ulan. Basang-basa kaming lahat sa oras na iyon pati na ‘yong mga gamit namin kaya kahit sobrang saya namin habang gingawa namin ‘yon, nabawi naman iyong lahat nang makauwi kami sa kanya-kanyang bahay. Nasinturon kaming dalawa ni Kuya Wataro habang hindi ko naman alam kung ano ang nangyari kay Sora at Kaito pero noong nakita ko na sila kinabukasan, kaliwa’t kanan na ‘yong mga black eye nila.
BINABASA MO ANG
I Love You Virus
HumorWataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito ay obligasyon niyang saluhin ito lagi. Yet, for Wataro, those moments don't feel like a total oblig...